POSSESSION XIII

3K 63 0
                                    

POSSESSION XIII

"May bulaklak ka na namang natanggap ngayong araw... Hula ko, kay Mr. Montillan na naman iyan nanggaling" Parinig ni Dalia sakin matapos kong makatanggap ulit ng bulaklak na galing kay Mr. Salvo.

"Sa tingin mo, anong ibig sabihin niyan?" Tanong niya sakin na para bang gusto niyang hulaan ko kung anong nasa isip niya kahit na alam ko naman kung ano iyon

"Wala toh. Masama bang bigyan ako ng bulaklak?" Sandali akong natigilan at biglang natulala Saka nagtatanong din kung bakit nga ba

"Hmm. Hindi naman, kaya lang kase, sabi nila, pag ang babae daw binibigyan ng lalaki ng bulaklak eh may ibig sabihin daw iyon, malamang sa mag asawa o mag girlfriend o boyfriend normal iyon pero kung hindi naman eh..." Hindi niya tinapos ang sasabihin niya kaya napatingin ako sakanya

"Baka nga may gusto siya sayo pero hindi lang maamin" Hindi ako umimik at tinitigan nalang ang mga bulaklak na hawak ko. Sandali akong hindi umimik

"I-impossible... Sakin? Magkakagusto siya? Napakaimpossible Dalia. May anak na ko, tas siya gwapo at mayaman saka maraming naghahabol ng magandang babae---

"Hindi impossible iyon hoy. Marami kaya akong nababasa at napapanood na ganyan. Yung lalaki, takot umamin sa mga nagugustuhan nilang babae kaya idinadaan nila sa pagbibigay ng kung ano anong bagay. Mariel ha... Baka sa susunod love letter na iyan" Natawa ako sa sinabi niya at napailing iling nalang saka nakangiting tiningnan ang bulaklak

"Sabi nila, may mga rason daw para malaman mong may gusto nga sayo ang lalaki. Maraming paraan Mariel... Una, kapag binibigyan ka niya gaya nito" Kinuha niya ang bulaklak at tumingin sakin.

"Baka nga may gusto siya sayo" Napalunok ako nang biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko.

"Pangalawa. Kapag pinupuntahan ka niya sa bahay niyo, at pangatlo, kapag tinitreat ka sa kung saan. Ganun! At kapag nagawa iyon ni Mr. Montillan nako... Panigurado na dae, may gusto iyan sayo. Ayaw lang aminin kase natatakot" Natulala ako at hindi ko alam kung anong mararamdaman... Impossible naman siguro na magkakagusto sakin si Mr. Salvo

"B-baka nga mabait lang iyong tao" Saad ko na ikinalaki ng mga mata niya

"So ginagawa nga niya sayo?! Sabihin mo... Malapit din ba si Jaze sakanya?" Dahan dahan akong tumango na ikinatakip niya ng bibig niya. Hindi niya ako makapaniwalang tiningnan

"Ibig sabihin ba nito magkakaroon na ng papa si Jaze--

"Dalia hindi na kailangan ni Jaze ng papa. Andito naman ako eh, hindi niya kailangan iyon. Lumaki siya na ako lang ang nag aalaga sakanya kaya sigurado ako na hindi na niya kailangan ng tatay" Sagot ko sakanya. Hindi naman siya umimik at nakatingin lang sakin

"Ikaw. Sabi mo yan eh... Pero di ba, hindi naman masama kung magkagusto ka kay Mr. Montillan... Mabait naman siya" Hindi ako umimik kahit pa na alam kong may Duda na ko sa isip ko na baka nga ay may gusto si Mr. Salvo sakin. Pero ayoko namang umasa dahil baka literal lang talaga na mabait siya samin ng anak ko dahil... Naawa lang siya sakin




"Sir, here's your coffee po" Saad ko at maingat na nilapag ang Isang tasang kape sa gilid niya. Tumango naman siya sakin at nagpatuloy sa ginagawa niya.

"Sir kanina pa po kayo busy diyan ah? Pansin ko lang po na kanina pa kayo diyan at hindi man lang po kayo umiiwas sa kakatingin sa laptop niyo. Pagpahingahin niyo po muna ang mata niyo, nakakasama po iyan..." Paalala ko saka inayos ang mga nakalatag na ibang papel sa mesa niya

Natigilan naman siya at sandaling napatitig sakin saka nagsalita

"Are you concern Mariel?" Nagtaka naman ako sa naging tanong niya

"Aba oo naman po. Tama naman po kase ang sinasabi ko na nakakasama po iyan. Pero teka, ano po pala iyan? Bakit sobra naman po yata kayong tutok diyan?" Huminga siya ng malalim saka pumikit at hinilot ang sentido niya

"It's a company's allotted money for this year... At kailangan na gamitin ito sa projects or charities? Something like that. Sa tingin mo? Can you please help me think Mariel?" Sandali akong napaisip

"What if auction?" Umiling ako sakanya bago napatango tango nang may naisip

"Dapat po siguro yung mga project po na nakakatulong sa community, hindi lang sa community kundi sa mga charities ganun, sa mga charities ng mga hayop po ganun... Tsaka pwede po sa mga may sakit, yung mga nasa hospital, yung magsponsor po kayo na kayo yung magbabayad ng ibang hospital bills sa mga public hospitals pwede po iyon, magbibigay po ng relief goods para sa mahihirap o di kaya tumulong sa clean and Green ganun. Yun po bang maraming makakabenefit po sa pondo na ilalabas niyo. Actually madami pa po namang project eh na pwedeng makatulong sa komunidad" Tumango tango siya at sandaling napaisip

"Tell me, anong benefit ang makukuha ng company ko sa mga ganyan?" Sandali akong napaisip.

"Business po pala? Kung paano lumago ang business niyo? Pwede ka pong mas makilala pa ng ibang tao, wala ka nga lang makukuha diyan kase para siyang sponsor pero maganda po iyon promise. Kaysa naman dun sa mga auction at tsaka sa mga pasugalan na tanging mayayaman lang ang nakakabenefit. Ang laki laki po ng pinapalabas nila na pera... Alam ko naman po na pinaghirapan nila iyon pero kase, mas mabuti kung tumulong nalang Sila kahit na walang kapalit, mas mabuti pa iyon, hindi ka masasayangan kase napunta sa kabutihan ang perang pinaghirapan mo. Bunos pa niyan, mas makikilala ka pa, hindi lang sa larangan ng business kundi pati na rin sa mga tao na sasabihing willing kang tumulong" Mahaba kong paliwanag

Nanatili namang nakatitig sakin si Mr. Salvo habang nakikinig.

"Okay then. I'll give you the list of the budget today and you think of a specific projects that the community can benefit... Kahit ilan pa iyan, isama mo na rin yung sinabi mo kanina" Hindi makapaniwala ko siyang tiningnan

"N-nako... Suggestions ko lang naman po iyon" Ngumiti siya ng malumanay at sinara ang laptop niya saka tumayo

"I like your suggestions... No, I love it. Thanks for helping me Mariel, once again, you never failed to amaze me" Makahulugan niyang saad habang ako ay natulala at dinaramdam ang biglaang pagkabog ng dibdib ko


Ganun nga ang nangyari. Nilista ko ang lahat na sa tingin ko ay malaki ang maitutulong sa komunidad at sa kapwa ko mamamayan. Halos mahimatay ako sa gulat nang makita ang napakalaking budget na binigay ni Mr. Salvo. Ang yaman pala talaga ng kompanya niya. Allotted money lang ito ng nauna nilang project at ngayon ay pinag iisipan kung paano gastusin. Siguro mas mabuti kung magastos ito sa magandang paraan. Halos tatlong araw din ang ginugol namin para maproseso ang lahat ng mga kakailanganing gawin at pinag isipan pang mabuti kung ano pa ang maaaring gawin



"Pakilagay nalang po lahat sa loob" Nakangiti kong utos sa mga personal bodyguards ni Sir. Agad naman nilang inisa isang ilagay sa loob ang mga binili naming mga pagkain, laruan, school supplies, at mga damit para sa mga batang nandito sa bahay ampunan.

Nakangiti naman akong sinalubong ng mga Madre. "Hello po good morning..." Magalang kong Saad at nagmano sa kanila isa isa.

"Magandang umaga din iha. Pagpalain ka sana ng diyos sa pagbibigay ng mga gamit dito sa bahay ampunan. Malaking tulong ito para sakanila" Nakangiting pagpapasalamat ng mga madre sakin.

Akmang magsasalita na ako nang biglang sumingit si Sir Salvo na ngayon ay nasa likuran ko lang pala. "Mano po" Mahinahon niyang saad at inabot ang mga kamay ng mga madre. Natulala naman at nagulat ang mga ito.

"Aba, ito ba ang asawa mo? Aba'y pagkagwapo naman... Apaka swerte mo. Pagpalain sana kayong dalawa" Nagulat ako sa tinuran ng madre. Napatingin ako kay Mr. Salvo na ngayon ay hindi umimik

Akmang magsasalita na ako para tumanggi pero naunahan Ako ng isa pang madre.

"Pasok na po tayo sa loob" Wala sa sariling napasunod ako sakanila habang si Mr. Salvo naman ay nanatili paring nakatingin sakin at parang hinihintay ako

"Mariel... Let's go" Tawag niya sakin. Tiningnan ko siya na sana hindi ko nalang ginawa dahil biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa uri ng titig na binibigay niya. Napatikhim ako habang iniiwasan ang titig niya sakin

His Beautiful Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon