POSSESSION XXIII

2.5K 47 1
                                    

POSSESSION XXIII

"Ang sabihin mo, takot ka lang na malaman niya ang nakaraan mo. Nakokonsensya ka kaya ganun" Nanatili akong tulala habang nakikinig kay Dalia. Nandito kami sa canteen at kumakain ng lunch

"H-hindi naman ako takot na malaman niya ang tungkol sakin. Ang ikinatakot ko, pano kung bigla siyang mawala at iwan kami? Si Jaze ang inaalala ko. Paniguradong hahanapin siya ng bata" Mahina kong saad at natulala sa pagkain na nasa harapan ko

"Malaki na si Jaze, Mariel... Feeling ko naman maiintindihan na ng anak mo kung sasabihin mong hindi si Mr. Montillan ang papa niya, kundi iyong isa pang Montillan. Pwede naman ganun ah? Ikaw lang tong may ayaw na makilala ni Jaze ang tatay niya kase nga galit ka" Napahinga ako ng malalim dahil tama ang lahat ng mga sinabi niya

"Ang sabi mo sakin. Nililigawan ka na ni Mr. Montillan hindi ba? Iyong sponsor mo? Eh kung totoo talaga na mahal ka niya, kahit na ano pa yang nakaraan mo matatanggap ka niya. Pero ito Mariel ah..." Umayos siya ng upo at seryoso ang mukha akong tiningnan

"Sa lahat ng pwedeng ipalit dun sa g*go mong ex boyfriend, bakit pinsan niya pa? Mahilig ka ba sa magpipinsan dae?" Napahilot ako sa sentido ko at napahilamos ng mukha

"Kasalanan ko ba?" Nakatitig siya sakin at hinihintay ang iba ko pang sasabihin. "Kasalanan ko bang nahulog ako dun sa tao?" Napangiwi siya at ngumisi sakin

"Asan na ba iyong sinabi mo sakin na literal lang na mabait si Mr. Montillan? Alam mo halata naman eh. Halata namang may gusto siya sayo, kase di ba? Sa lahat ng pwedeng Kunin niyang mga scholar bakit tayo pa? Alalahanin mo Mariel, nang dahil sakanya, nagkaroon ka ng sponsor, bagong trabaho, at nakakuha ka pa ng temporary father diyan sa anak mo" Mahaba niyang paliwanag habang ako ay nakatitig lang sakanya

"Una palang alam ko na may gusto iyon sayo. Kaya lang ang malaking tanong. What if kaya niya kayong panindigan at ipaglaban ang anak mo? Kase sa nakikita ko, tanggap niya kayo. Eh ikaw, handa mo ba siyang panindigan?" Sumimsim siya ng inumin pagkatapos habang nakatingin sakin at hindi na nagsalita pa



"Anong pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko at gulat na napatingin kay Mr. Salvo na ngayon ay nakapamulsa habang nakatitig sakin. Pasado alas sinco na ng hapon at uwian na

"I'm here to fetch you. We'll going to have a date" Saad niya. Napakunot ang noo ko at magsasalita na sana nang may lumabas mula sa kotse niya

"Mama!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Jaze na masayang tumakbo papunta sakin at niyakap ang binti ko. Nagtataka akong napatingin sakanya

"Anak, bakit ka nandito?" Ngumiti lang ang bata at yumakap ulit sa binti ko

"We're having a date and I bring Jaze here so that you can't refuse me" Saad niya at tumingin sa anak ko. Hindi naman ako nakapagsalita at napatingin sa paligid nang makitang pinagtitinginan na kami ng mga tao lalong lalo na si Sir Salvo

"Mama! Bibilhan ako ni papa ng bagong toys ngayon mama sabi niya kase good boy ako kanina" Nakangiting saad ni Jaze. Nagpilit naman ako ng ngiti at lumuhod para pantayan ang anak.

"Anak marami ka nang laruan. Tsaka Wala pang pambayad si mama ngayon eh. Wala pang pera" Saad ko, kinukumbinsi ang anak na huwag nang bumili ng marami pang laruan dahil ayokong masanay siya na bibili ng mga laruan kahit marami pa naman sa bahay

"It's okay Mariel. I'll pay... Shall we go?" Tanong niya at lumapit samin Saka Inagaw sakin si Jaze at kinarga ang bata na ngayon ay tuwang tuwa na nagpakarga sakanya

Wala akong magawa lalo na nang mapatingin ako sa anak ko na masayang masaya. Napahinga ako ng malalim at inayos ang mga gamit ko bago sumunod sakanila sa kotse.

His Beautiful Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon