POSSESSION IX

3.1K 70 2
                                    

POSSESSION IX

Natigilan kami pareho ni ma'am Margaret. Agad siyang napabitaw sakin at parang takot na dumistansya habang nakatingin doon sa lalaking nasa harapan namin

"O-oh... Sorry" Takot na saad ni Margaret at agad tumakbo paalis. Akmang susunod na ako pero napatili ako nang agad akong harangan ng nakakatakot na lalaki. Hindi ako nakaimik at parang estatwa lang na nakatayo habang nakatitig sakanya.

Habang tinitingnan ko siya ay nakikita kong parang walang buhay ang mga mata niya. Kulay gray ang mga ito. Nabaling ang tingin ko sa hawak niya, doon nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang Isang matalim na kutsilyo. Maraming dugo ito maging ang damit niya ay may bahid rin ng dugo.

Bigla akong nanginig sa takot nang unti unti siyang lumapit sakin. Wala akong nagawa kundi ang sumiksik nang walang ingay dahil baka saktan niya ko.

Huminto siya mismo malapit sa harapan ko at sandaling tumigil. Nagulat ako nang dahan dahan niyang hinawakan ang mukha ko gamit ang duguan niyang mga kamay. Hindi ako makagalaw at hindi rin ako makapagsalita dahil gulat sa ginawa niya

"I wonder who's toy are you but you're beautiful... Sadly, my victim is more beautiful than you so, sorry" Malamig at walang buhay niyang saad. Napakunot ang noo ko pero hindi na ako nagsalita pa

"I think I saw you somewhere? If I'm not mistaken you're one of my cousin's ex-girlfriend am I right?" Ngumisi siya kalaunan nang hindi ako sumagot

"And... If I'm not mistaken you're also the girl who hurt his playful heart" Bigla siyang tumawa nang malamig at sarkastiko pagkatapos nun

"Akalain mo iyon... Isang babae lang pala ang magpapalambot sa t*r*nt*do kong pinsan. Well, he deserves it too. It's his beautiful karma" Nakakilabot niyang bulong habang hindi mawala ang ngising nakapaskil sa labi. Biglang nanginig ang katawan ko nang itutok niya sakin ang kutsilyo at ilapit sakin

"What do you want now? Why did you came back? To win his heart again? Or to stole the heart of my other cousin? Which one?" Hindi ako umimik at takot na umiling sakanya. Natawa naman siya at napalabi

"Oh. You're scared. I remember someone... But sadly, she's now married to my cousin" Malamig at walang kwenta niyang saad.

"Get lost Mariel. I don't want you here" Saad niya sakin. Hindi ako umimik

"Don't come back here again or else-- Argh! F*ck!" Napaigtad ako sa pinaghalong gulat at takot nang makitang may humampas sa likuran ng lalaki.

Nang tingnan ko iyon ay nakita ko si Luke kasama si Mr. Salvo. Walang emosyon ang mukha ni sir Salvo

"W-what the heck did you did Luke?!" Galit nitong saad

"Sorry na insan... Inutusan lang ni Kuya Salvo" Sagot naman ni Luke at pinatayo ang lalaki. Winakli naman siya nito at masamang tiningnan kaya napangiwi siya at lumayo

Napaigtad ako nang maramdaman ang paghawak ni Sir Salvo sa braso ko

"What did you do to her Psalm?" Malamig niyang tanong. Narinig ko ang pag asik at ang pagngisi ng lalaki at napatingin sakin

"I didn't hurt her. I'm just giving her a warning. I swear I didn't do anything" Saad niya habang nakangisi.

"T*r*nt*do ka talaga kahit kailan Psalm. Kahit sino nalang tinatakot mo" Reklamo ni Luke habang naiinis ang mukha

"Why do you care id*ot? Could you please mind your own business will you?" Sarkastiko nitong Sagot at isiniksik ang matulis na kutsilyo sa bulsa niya.

"I gotta go. My victim is waiting for me" Saad niya at nawala nang parang bula. Naiwan kaming tatlo habang si Mr. Salvo ay hindi parin humihiwalay ng hawak sa braso ko

"Bakit may dugo yang pisngi mo? Wag mong sabihing yung g*gong Psalm ang nagpahid niyan sayo? Y*ck.." maarte niyang Reklamo at kaagad na iniwan kaming dalawa ni Mr. Salvo.

"You okay? Did he hurt you?" Naramdaman ko ang paghawak ni Mr. Salvo sa mukha ko at bakas sa mga mata niya na nag aalala siya at kinakabahan sa kung ano man ang sinabi sakin nung lalaki. Umiling ako bilang pagtugon.

Nagulat ako nang yakapin niya ko ng mahigpit at may ibinulong na nakakapagpataka sakin "Oh my God... I thought I'm going to lose you again..." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya at hindi nakaimik habang puno ng katanungan sa isipan ko.

Dahil sa nangyari ay isang araw akong umabsent sa skwela at sa trabaho. Hindi naging maganda ang pakiramdam ko dahil sa nangyari kahapon kaya nandito si Dalia at binisita ako

"Nako dae. Naglipana na talaga ang mga k*ller ngayon. Kahapon daw, may natagpuang p*t*y doon sa kabilang bayan. May gilit sa leeg at may saksak sa iba't ibang parte ng katawan" Bigla akong kinilabutan dahil sa sinabi niya at natakot

"Sabi pa nga ng isang nakaligltas eh kulay gray daw yung mata nung lalaki tsaka matipuno iyong katawan. Jusko... Sana naman hindi natin yan makita o makasalubong sa daan dahil nako... Marami pa komg gusto sa buhay" Hindi alo nakaimik dahil sa sinabi niya at napaisip.

Biglang pumasok sa isipan ko ang duguang lalaki kagabi na nakita ko. Pagkatapos ng pangyayaring iyon ay hindi ko na ito nakita pa. Hinatid na rin ako ni Mr. Salvo kagabi at hindi na ako nakaangal dahil natakot ako bigla at baka makasalubong ko sa daan ang lalaking iyon.

Natigilan ako nang maalalang, kakilala iyon ni Mr. Salvo. Isa rin kayang Montillan iyon? Kamag anak ba nila iyon? Mas lalo akong natakot nang maalalang binanggit niya rin ang pangalan ko kagabi. Ibig sabihin, kilala niya ko


Tulog na si Jaze at si mama. Pasado alas diyes na rin ng gabi pero gising pa ko dahil ginagawa ko ang ibingay saking assignment para sa pagiging absent ko ngayon sa klase.

Tumayo ako at niligpit ang gamit ko para sana matulog nang biglang may nakita akong lalaki na nakatayo sa labas ng bahay.

Kumunot ang noo ko at agad na sinarhan ang bintana ng kwarto saka kumuha ng flashlight at lumabas.

Natigilan ako nang mamukhaan ko ang lalaki. Si Mr. Salvo. Nakatingin lang siya doon sa bintana ng kwarto ko na sinara ko kanina. Nakapamulsa siya at nakaputing polo habang nakatingala.

"S-sir... Good evening po..." Napalingon siya sakin at halatang nagulat. Nilapitan ko siya na ngayon ay naestatwa sa kinatatayuan niya

"Ano pong ginagawa niyo dito? Bakit hindi niyo po sinabing pupunta kayo dito? Tulog na po si Jaze kung siya ang binisita niyo--

"I'm actually here because I want to see you Mariel... Tell me, are you okay now?" Natigilan ako sa tanong niya at napaiwas ng tingin dahil parang iba ang ibig sabihin sakin ng sinabi niya

"O-okay lang po ako... Papasok na po ako bukas. Kayo po? May kailangan kayo?" Hindi siya umimik at nanatiling nakatitig sakin. Bigla akong nailang dahil sa uri ng titig niya sakin.

Maya maya pa ay may kinuha siya sa likuran niya at binigay sakin.

"Flowers for you... Sana magustuhan mo" Mahina niyang saad sakin. Tiningnan ko iyon . Isang kulay pulang rose.

"I know you love color yellow, just want to share that I also love color red. I hope you like it, pinitas ko iyan kanina sa garden namin" Para namang natunaw ang puso ko dahil sa sinabi niya at napangiti

"T-thank you po..." Saad ko at inamoy ang bulaklak habang pinipigilang mapangiti habang nag iinit ang pisngi

"Sana alam mo kung anong gusto kong ipahiwatig sa bulaklak na iyan. At sana Mariel hayaan mo kong makapasok sa..." Napakunot ang noo ko nang putulin niya ang sasabihin niya at nag iwas ng tingin

"A-alam komg sobrang bilis pero kase... U-uhm... P-pwede bang--

"Tss. Courting a girl in the middle of the dark? Mahina ka pala eh" Natigilan kami pareho at agad na napatingin sa kung saan.

Hindi na ito umimik pagkatapos Kaya nagkatinginan kami. Biglang lumungkot ang ekspresyon ni Mr. Salvo at napayuko.

"Get inside Mariel. Sleep well, I must go. Bye" Mahina niyang saad at iniwan ako na nakatulala habang dala dala ang bulaklak na binigay niya sakin.

Napatingin ako dito at hindi alam kung bakit bigla akong nalungkot nang tuluyan na siyang umalis

His Beautiful Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon