POSSESSION XVII
Sinadya kong maagang magising ngayong araw. Alas singko palang ng umaga ay nagluto na ako ng agahan para kay Mr. Salvo at para sa amin. Gusto ko siyang paglulutuan ngayon ng masarap na pagkain
Natigilan ako sa naisip nang mapuna ang kilos ko. Para akong asawa na kailangan mag luto ng maaga dahil pupunta ang asawa niya sa trabaho ng maaga. Napailing ako sa naisip at pinipigilan ang wag mapangiti sa naisip.
"Mariel anak. Ang aga mo naman atang nagluto?" Takang tanong ni mama nang makita akong maagang nagluluto sa kusina. Ngumiti lang ako sakanya at tiningnan ang adobo na niluluto ko
"Gusto ko lang na magluto ngayon ma" Saad ko sakanya na mas lalong ikinakunot ng noo niya.
"Gusto mong magluto? O may gusto kang paglutuan?" Dahil sa sinabi niya ay nagulat at hindi makapagsalita. Nahihiya akong ngumiti sakanya at itinuon nalang ang atensyon sa niluluto para iwasan ang nagtatanong niyang tingin
"M-ma naman... Malamang, gusto ko kayong paglutuan ano ba. Tsaka, paborito po ito ni Jaze" Tinitigan lang ako ni mama na para bang hinuhuli niya ang reaksyon ko o kung hinuhuli kung nagsisinungaling ba ako.
"Talaga lang ah? Sa pagkakaalam ko menudo ang paborito ng anak mo. Baka kako paborito ng isa diyan... Nga pala. Si Mr. Montillan umuwi na kanina" Mabilis akong natigilan dahil sa sinabi niya. Nabura ang ngiti sa labi ko at napalitan iyon ng pagkabigla.
"P-po? Pero bakit niyo po hinayaang umalis iyon ma? Hindi pa nga nakakapag almusal iyon eh" Saad ko at pinatay ang kalan saka parang nawalan ng pag asa nang marinig na umuwi na pala ito
"Mariel wag kang masyadong pahalata na nag aalala ka sakanya. Napaghahalataan eh" Saad pa niya at umayos ng tayo. Magsasalita na sana ako nang makita kong bumaba si Mr. Salvo. Magulo ang buhok nito at halatang bagong gising palang. Nagusot pa ng konti ang suot niya kagabi.
Nagtama ang mga mata namin kaya napaigtad ako at natulala. Halatang natigilan din siya nang makita ako ngunit kalaunan ay ngumiti na mas lalong nakapagpigil ng mundo ko
"Good morning Mariel" Paos niyang saad at lumapit sakin habang nakangiti. Napalingon siya sa gilid at natigilan nang makita si mama kaya naman ay natigilan din ako
"G-good morning po..." Para siyang maliit na aso na yumuko kay mama at nginitian ito ng tipid. Hindi umimik si mama at tumango lang sakanya saka tumingin sakin at umalis
Naiwan kaming dalawa ni Mr. Salvo kaya naman ay nagkatinginan kami pero parehas ding nag iwas ng tingin dahil hindi kinaya ang tinginan ng isa't isa.
Napatikhim ako at nagpilit ng ngiti sakanya
"N-nagluto na po ako ng agahan. Kumain na po kayo" Saad ko at kaagad na tumalikod para kumuha ng pinggan. Ramdam ko ang titig niya sakin kahit na nakatalikod ako
"Did you cook adobo? I want that one to be my breakfast for this morning Mariel... Baka pwede rin na paglutuan mo ko para tanghalian at hapunan" Natigilan ako sa sinabi niya at humarap saka ngumiti
"Gusto niyo po ba? Sakto po, marami akong niluto" Saad ko at binuksan ang niluto kong ulam. Kumuha siya ng kutsara at tinikman iyon
"As always, your adobo taste good... Kahit siguro araw arawin kong ulamin hindi ako magsasawa. Ang sarap kase..." Nahihiya akong napayuko nang maramdaman ang pag iinit ng pisngi ko dahil sa sinabi niya.
Ngumiti nalang ako at nagulat nang makitang nakatitig siya sakin. Ang buong atensyon niya ay nasa akin.
"Bakit hindi ka pa kumikilos? Mainipin ako Mariel. Ipaghain mo na ang amagiging asawa mo" Mas lalo akong nagulat dahil sa sinabi niya at hindi makapagsalita. Halatang nagulat din siya dahil sa lumabas sa bibig niya at nahihiyang ngumiti kaya naman ay natawa ako
BINABASA MO ANG
His Beautiful Possession
Romance"I love every flaws and imperfections you have" -Salvo Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest