POSSESSION III
"Mariel? What are you doing here?" Tanong niya at akmang lalapit sakin pero napatigil nang hilahin ko si Dalia at agad kaming tumakbo.
Hindi ko alam pero parang nangamgamba ako bigla nang makita siya. Napalunok ako habang Wala sa sarili na umalis sa lugar na iyon idagdag mo pa ang malakas na kabog ng dibdib ko dahil sa kaba
"Dae teka lang! Dahan dahan..." Ibinagsak ko ang dala kong mga libro sa lupa at naupo doon.
"Kung hindi ako nagkakamali Mariel si Salvo iyon noh? Hay nako... Ngayon ko lang naalala na may naikwento ka sakin na isang Montillan dati. Manliligaw mo slash naging boy---
"Dalia ayoko nang pag usapan iyan. Matagal tagal na rin mula nung huli ko siyang makita. Wala eh... Kailangan nating mag move on" Wala sa sarili kong Saad
"Weeh? So nakamove on ka na ba talaga? Kaano ano ba iyon ni Salvo? Kapatid?" Nagkibit balikat ako dahil sa sinabi niya at tsaka agad na tumayo
"Hindi parin ako comportableng pag usapan sila Lalo na kapag nababanggit ang pangalan niya. Medyo masakit pa Dalia" Tumango tango siya at hindi na ako kinulit pa.
Naniniwala ako na balang araw, magagawa ko ring kalimutan ang lalaking minsan ko nang minahal, at pinapahalagahan. Ang lalaking naging dahilan ng pagkadurog ng aking puso
"Ms. De Villa. Pinapatawag ka sa Dean's office. Pumunta ka na as soon as possible, may naghihintay sayo " Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko at napabuga ako ng hangin. Pasado alas sinco na ng hapon at papauwi na rin ako
"S-sige po..." Mahina kong sagot at dahan dahang tinahak ang building papuntang dean's office. Malayo palang ay kung ano ano na ang sumasagi sa isipan ko na mga posibilidad kung bakit ako pinatawag ng dean. Siguro dahil sa nangyaring gulo kanina
Alam kong unfair dahil hindi naman ako ang nauna pero ano ang magagawa ko? Eh scholar lang ako dito at Wala akong magagawa kung gawan ako ng kwento nina Sanya at ibato sakin ang sisi kanina. Sana lang talaga hindi ako matanggalan ng scholarship dito. Gusto kong sampalin ang sarili dahil hindi ako nakapagpigil kanina na siyang dapat ko sanang gawin. Kailangang ako Ang mag adjust dahil ako lang itong nakiki aral dito
Nang tumapat ako sa Dean's office ay agad kong nakita ang loob ng opisina. Gawa kase sa glass ito kaya kitang kita ang Dean sa loob na may ginagawa at halatang ako ang hinihintay
Agad akong pumasok "G-good afternoon po dean" Magalang kong Saad at halata sa boses na kinakabahan
Nakatingin sakin ang lalaking Dean at ngumiti ng tipid
"Oh good afternoon iha... Have a seat, we'll just wait talk about some matters" Ngumiti ako at umupo sa kaharap na upuan niya.
"T-tungkol po ba ito sa nangyari kanina Dean? Sorry po sa gulo na nagawa ko" Pagpapaumanhin ko. Siguro kailangan ko na talagang iwasan ng maigi ang mga iyon. Pahamak lang sila
"Actually about what happened earlier, I talked to Mr. Valdez and Ms. Perez parents para ipaalam ang ginagawang pambubully ng mga anak nila. They promised to talk to their kids. Wag kang mag alala" Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa narinig. Hindi ko na talaga alam ang gagawin kapag nalaman kong ginalaw nila ang scholarship ko dito sa school.
"G-ganun po ba? Pakisabi ho sakanila salamat ng marami" Ngumiti ang Dean at tumingin sa likuran
"Oh. I forgot to say, may naghahanap sayo" Napatingin ako sa likuran ko at hindi nakagalaw nang makita ang taong kanina lang ay tinakbuhan ko.
"Good afternoon sir Montillan. Andito na po siya" Nagtataka akong napatingin sa dean na ngayon ay nakangiti at bumaling ng tingin sakin
"Ms. De Villa, meet your new sponsor for your scholarship... Mr. Montillan" Napatitig ako sa lalaki na ngayon ay mataman na nakatitig sakin. Hindi ko alam pero hindi ako nakaramdam ng tuwa
BINABASA MO ANG
His Beautiful Possession
Romance"I love every flaws and imperfections you have" -Salvo Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest