POSSESSION XXIV
Pagkatapos naming mamasyal ay pagod kaming umuwi sa bahay. Hindi ko napigilan ang mumunting ngiti sa labi ko habang inaamoy ang Isang pompon ng bulaklak na hawak ko. Sinadya niya itong bilhin para sakin kanina.
"I see that you really love color yellow flowers. Maybe I need to send you that flowers every day" Ngiti niyang saad. Nag iwas ako ng tingin at ngumiti nalang ng palihim. Hindi ko alam kung bakit kinilig ako
"Nakatulog na po pala iyan. Ako na po ang magdadala papasok, nakakahiya naman" Natatawa kong sabi at akmang kukunin si Jaze pero inilayo niya ang bata
"No it's okay..." Tanggi niya at kinarga ang anak ko papasok sa bahay. Wala akong nagawa kundi ang sumunod nalang at hindi na makipagtalo pa.
Hinatid niya si Jaze sa kwarto habang ako ay nagdesisyong magbihis. Bumalik ako sakanila at agad na napatingin kay Salvo na ngayon ay nakaupo sa tabi ng anak ko. Nakita ko kung paano niya lagyan ng kumot ang katawan ng bata
Napalingon siya sakin kalaunan. Siguro naramdaman ang presensya ko
"Can we talk for a while Mariel?" Mahina niyang tanong sakin. Napalunok naman ako at dahan dahang tumango. Nakita ko ang pagtayo niya at ang dahan dahan niyang paglakad papunta sa bintana ng kwarto. Binuksan niya iyon ng konti dahilan para makita namin ang labas. Maliwanag iyon dahil sa liwanag ng buwan
Dahan dahan naman akong tumabi sakanya at hinintay siyang magsalita. Medyo kinakabahan ako sa itatanong niya sakin.
"Jaze told me earlier that he misses his real father..." Hindi ako makapagsalita at napatingin ng gulat kay Salvo. Nakayuko siya at bumadha ang lungkot sa mga mata niya
"Akala ko kapag binigay ko na lahat ng gusto ng bata ako na ang kikilalanin niya pero hindi pala..." Mahina niyang dagdag saka tumulala
"I just pretend to be okay earlier but honestly I'm hurting inside knowing that he still consider me as his temporary dad... How lucky his father to have him" Parang naiinggit niyang saad at napatingin sa anak ko na ngayon ay mahimbing na natutulog. Napalunok ako dahil parang kumirot ang dibdib ko dahil doon. Para akong nakonsensya
"I'm just thinking if who is he. Why did he left the two of you? Muntik ko nang isiping siguro g*go siya dahil iniwan niya kayo pero parang ganun na nga... Pero sana wag na siyang magpakita pa" Saad niya at sumeryoso ang mukha nang tumingin sakin.
"Alam kong hindi ka pa handang aminin sakin ang nakaraan mo Mariel. Pero handa akong maghintay hanggang sa kusa mong sabihin sakin ng lahat... Maghihintay ako " Masuyo niyang saad. Kitang kita ko ang deteminasyon niya. Kitang kita ko ang senseridad sa mga mata niya na nagpapatunay na handa siyang maghintay sa kung kailan ko sasabihin sakanya, ang totoo kung sino ang tatay ni Jaze
Nagpapahinga ako ngayon sa mini library dahil kakatapos lang kanina ng final exam namin. Napabuga ako ng hangin at hinilot ang balikat ko na ngayon ay biglang sumakit. Napatingin ako nang may biglang maglapag ng bulaklak sa harapan ko na ikinatigil ko
Dahan dahan kong tiningnan kung sino ang may gawa nun at nakitang si Niro pala iyon. Nakangiti siya ngayon sakin
"Hi Mariel... Congratulations! Ikaw ang highest kanina. I'm so proud of you" Mahina niyang saad. Tipid naman akong ngumiti sakanya
"Salamat" Maikli kong saad at hindi ko na siya pinansin pa dahil ramdam ko ang mga schoolmates namin na nandito na napapatingin samin
"Uhm Mariel... Hindi ka na ba busy mamaya? O sa mga susunod na araw? Just want to hang out with you sana... Libre ko" Nakangiti niyang saad. Tiningnan ko lang siya
BINABASA MO ANG
His Beautiful Possession
Romance"I love every flaws and imperfections you have" -Salvo Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest