POSSESSION XXI
"Sir, you have a meeting to Mr. Finn Lazaro at 4pm sir" Saad ko habang nakatingin sa schedule ni sir Salvo. Nakatingin naman siya sa laptop niya at halatang may pinagkakaabalahan
"Cancel that meeting. I have a business party at exactly six in the evening. You should prepare Mariel. You're my date for today" Nagulat ako sa sinabi niya at hindi agad nakapagsalita
"P-po? Nako... Wag na po, dito nalang po ako--
"No. Sasama ka sakin. I don't have my date for today kaya naisipan kong Ikaw nalang ang isama. Save it as our date also. You can't say no, prepared na ang lahat, maging ang damit mo" Saad niya na mas lalong nakapagpatigil sakin
Tumayo siya habang nakatingin sakin. "I should introduce you to my other business partners. They should know you because soon you'll be my girlfriend" Saad niya na ikinaiwas ko ng tingin.
"Sige po... Kailan po ba ako maghahanda?"
Napatingin ako sa isang napakagandang salon na nasa harapan ko. Maganda ito at halatang napakamahal ang service na nasa loob. Hinawakan ni Mr. Salvo ang kamay ko at iginaya ako papasok. Masaya naman kaming sinalubong at winelcome ng mga stylist na nasa loob
"Hello Mr. Montillan good evening po " Abot langit ang ngiti na saad ng isang magandang babae. Friendly ang ngiti niya na bumati samin. "And also to you ma'am " Magalang nitong baling sa akin na nginitian ko lang
"How can we help you sir?" Tanong nito kay Mr. Salvo. Nagulat ako nang hawakan niya ang bewang ko at idinikit sakanya saka nagsalita
"Sandra can you please fix my wife? Make her the most beautiful girl in the crowd for tonight's party, she'll be my date" Ngumiti naman ang babae sakanya at bumaling sakin. Hindi ako kaagad nakapagsalita dahil sa sinabi ni Mr. Salvo
"Of course sir, kami na po ang bahala kay ma'am" Saad ng babae. Tumango naman si Mr. Salvo at hinarap ako
"I'm going to fetch you at 5:30. Make yourself pretty. See you around baby" Mas lalo akong hindi nakagalaw at nakapagsalita at tanging ang kabog ng dibdib ko ang naririnig ko dahil sa mga katagang binibitawan ni Mr. Salvo.
Hinalikan niya ang noo ko at kaagad akong iniwan doon sa salon. Kita ko pa ang sasakyan niyang papaalis na.
"Halika na po ma'am?" Ngiting tanong ng babae na tinanguhan ko lang at sinuklian din ng ngiti
Umupo ako sa kaharap na salamin. Una nilang ginalaw ang buhok ko habang may nag asikaso naman sa tig iisang kamay at paa ko. Naiilang ako dahil hindi ako sanay sa ginagawa nila sakin ngayon. Hindi ako sanay na may nag aasikaso sakin ng ganito. Para akong Isang prinsesa sa lagay ko na ito.
Pagkatapos nun ay sunod naman nilang nilagyan ng make up ang buo kong mukha at pagkatapos ay pinasuot sakin ang isang napakaelegante at napakagandang black gown.
Natulala ako sa ganda nun at hindi makapaniwalang nakatitig doon. Unang tingin palang ay halata nang mamahalin ang gown na ipapasuot sakin. Hinawakan ko ito at masasabi kong medyo mabigat.
"Wala bang ibang gown? O di kaya dress? Feeling ko kase di ko makakayang suotin iyan dahil medyo mabigat" Natawa naman ang mga stylist dahil sa sinabi ko
"Nako ma'am. Si Mr. Montillan po ang nagrequest po na ito ang suotin niyo para sa party mamaya. Hindi naman po ito masyadong mabigat ma'am. Sakto lang" Saad ng baklang nagmake up sakin kanina
"Sabi ko naman kase sakanya wag nalang akong sumama. Mukhang pang mayaman naman yung party na pupuntahan niya tapos ako pa ang date niya. Nakakahiya naman kung pupunta pa ko. Eh hindi naman ako mayaman" Reklamo ko sakanila. Nagsitinginan naman sila at ngumiti lang sakin
BINABASA MO ANG
His Beautiful Possession
Romance"I love every flaws and imperfections you have" -Salvo Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest