POSSESSION XXVI

2.6K 55 0
                                    

POSSESSION XXVI

Maaga palang ay sinundo na niya kami sa bahay. Gaya ng pangako niya ay tinupad niya ang pangako sa anak ko na magbakasyon kami.

"Good morning" Bati niya at hinalikan ang pisngi ko na ikinangiti ko. Hindi na ko nakaramdam ng ilang o nabigla man lang. Parang agad agad ay bigla akong nasanay.

"Good morning po papa!" Masiglang bati ng bata kay Salvo. Ngumiti naman ang lalaki at kinarga ang anak ko. Napangiti ako habang nakatingin sa kanilang dalawa

"Excited ka na ba sa vacation trip natin?" Malambing niyang tanong na ikinatango ng anak ko. Agad niya itong binaba ulit at may kinuha sa Isang kahon. Napatalon ang anak ko sa tuwa nang makita ang isang mamahaling laruan na avengers.

"Laruan na naman... Sana pagkain nalang ang binigay mo diyan" Saad ko. Ngumisi naman si Salvo sakin at may kinuha sa likod ng kotse niya. Natawa ako at napangiti nang makita ang isang bouquet na naman ng bulaklak

"Ang dami ko nang bulaklak ah? Hindi ka pa nagsasawang bigyan ako?" Tanong ko sakanya na ikinailing niya

"Kahit araw arawin ko pa ang bigyan ka, hindi ako magsasawa" Tinaas taas pa niya ang kilay niya at ninakawan ako ng halik sa pisngi na kinabusangot ko. Pero sa loob loob ay nagustuhan ko naman

Nakangiti akong pumasok sa loob ng kotse. Nasa likuran na si Jaze at abala sa paglalaro ng bago niyang laruan

"Ma alis na po kami ah? Padalhan po kita ng pasalubong" Ngumiti ito at tumango saka nagsalita

"Sige, mag iingat kayo. Ang vitamins ng anak mo Mariel wag mo kalimutan. Kumain ng maaga at wag magpapagutom at magpupuyat. Lalo ka na Mariel. Salvo iho, ang bilin ko. Ingatan mo ang mag ina mo" Nagulat ako dahil don pero hindi ko pinahalata. Ang sarap sa tenga nang marinig ko ang salitang 'mag ina'

"Yes ma'am. Ako na po ang bahala sakanila" Pagkatapos ng pagpapaalam ay kaagad kaming umalis at pumunta sa vacation trip daw namin.


Sa buong byahe ay si Jaze lang ang napaka ingay sa loob. Madalas niyang kinukulit kausapin si Salvo habang ang lalaki naman ay magalang itong sinasagot. Nakikinig lang ako sakanila habang nakatingin sa labas

"How's your lips? Maayos na ba?" Tanong niya sakin at tiningnan ito. Para naman akong napaso at nakuryente nang dumampi ang kamay niya malapit doon

"I'm going to treat that one when we arrive" Saad niya at sumeryoso ang mukha kalaunan

"Anong gusto niyong kainin? May gusto ba kayong daanan natin? Mahaba haba pa ang biyahe natin, baka magutom kayo" Tanong ni Salvo at napalingon sa anak ko na ngayon ay nag iisip ng gusto niya

"Papa mag Jollibee tayo papa. Gusto ko kumain ng chicken" Masayang saad niya kaya naman napangiti ang lalaki at tumango

Huminto kami sa Isang branch ng Jollibee at doon binili ang mga gusto ni Jaze. Ilang oras din ang naging biyahe namin at agad na kaming dumating sa vacation site.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang napakalaki at napakagandang Hotel sa harapan namin. Natulala ako dahil sa Ganda nun

"Welcome to Montillan 5 star Hotel!" Masayang bati saamin ng mga staff na mas lalong ikinatulala ko. Ito ang unang beses na makatapak ako dito. Sa pagkakaalam ko ay mahal dito. Natigilan ako sa pangalan nun at napagtanto na ito iyong famous na hotel na usap usapan ng mga kaklase kong mayayaman. Binibida nila na napakaganda daw dito. 15,000 daw ang isang gabing pags-stay

Napansin ko rin na hapon na. Maaga pa kaming bumiyahe at ngayon ay makulimlim na ang langit

"Yehey may swimming pool! Papa ligo tayo papa" Nabalik ako sa wisyo nang marinig ko ang matinis na boses ni Jaze. Nakita ko ang excited nitong mukha habang nakatitig sa napakalaki at magandang pool

His Beautiful Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon