POSSESSION XI

3K 60 0
                                    

POSSESSION XI

Hindi naging maayos ang tulog ko kagabi dahil hindi nawala sa isipan ko ang ginawang paghalik sa pisngi ni Mr. Salvo sakin.

"Miss excuse me? May nagpapabigay pala sayo" Natigilan ako sa pagsusulat at tinanggap ang Isang pompon ng bulaklak. Kulay pula ang mga ito. Itatanong ko na sana kung kanino galing pero nakita ko na may letter na nakasulat dlto.

Natigilan ako at nag init ang pisngi ko nang mabasa ang pangalan ni Mr. Salvo. Napatikhim ako pagkatapos saka natigilan nang makitang nakatitig sakin si Dalia

"Ang cringe mong kiligin eh no? Kanino ba galing? Patingin--

Natigilan siya at napangiwi nang ilayo ko sakanya ang bulaklak at nilagay sa lap ko. "Ay ang taray... Sino ba kase yan? Another admirer mo?" Hindi ako umimik at itinago nalang ng tuluyan ang bulaklak

"Wala..." Maikling Sagot ko sakanya.

Tumango siya at di na nangulit sakin pa. Pasimple kong tinitigan ang bulaklak at binasa ang handwritten letter na nakalagay. Pinigilan kong mapangiti dahil dun.

"Kay Mr. Montillan pala galing!" Napaigtad ako at siniksik ulit ang bulaklak Saka siya sinamaan ng tingin. Ngumisi naman siya sakin

"Kaya naman pala... Sabagay, gwapo din naman ang sponsor mo na yun. Wala pang asawa, tsaka mayaman--

"M-masama bang bigyan lang ako ng bulaklak kase? Wala namang ibig sabihin dun ah? At tsaka... May anak na ko Dalia" Tumango tango siya pero halatang hindi parin naniniwala sakin.

"Kakakilala niyo lang tas may pabulaklak na? Ikaw ah? Sabihin mo nga kung... Pinopormahan ka ng lalaking iyon?" Umiling ako at inayos ang mga gamit Saka tumayo na

"Tara na nga" Akmang aalis na ko nang makita kong papalapit ang grupo nina Sanya. Akala ko ay aasarin na naman nila ako pero nilagpasan lang nila ako at nagpatuloy sa paglalakad nang hindi kami pinapansin.

"Wow ah? Nakakapagtaka lang... Hindi ka na yata nabully ng ilang linggo dae? Nagbabago ba yun?" Hindi ako umimik at nagkibit balikat lang saka tiningnan sina Sanya. Mabuti naman at titigilan na nila ako. Magiging maayos na ang huling sandali ko dito




"What's my schedule now Mariel?" Napatayo ako at kaagad na kinuha ang envelope na nasa gilid ng table ko nang magsalita si Mr. Salvo at hinahanap ang magiging schedule niya ngayong araw

"Wait lang po sir" Saad ko at hinanap kung saan ko ba inilagay iyong lists ng mga schedule niya para ngayon. Nagprint nalang ako kase hindi ako sanay na ilagay ang schedule niya sa tablet kahit doon naman talaga dapat ilalagay. Pinanatili kong kalmado ang sarili ko

Bigla akong pinagpawisan at kinabahan nang makitang hindi na nakaipit doon ang printed schedule na hinanda ko nung nakaraan para sakanya. Bigla itong nawala.

"Where is it now Mariel?" Balik na tanong ni Mr. Salvo sakin. Ramdam ko ang hindi pag alis ng titig niya sakin, halatang naghihintay kaya napatikhim ako dahil sa hiya at kaba.

"U-uhm ano po... Saglit lang, hindi ko po kase makita" Sagot ko at nagpatuloy sa paghahanap. Wala naman siyang naging imik pagkatapos kaya nagpatuloy ako sa paghahanap

Nagulat ako nang may maramdaman akong Isang bagay sa gilid ko. Nang tingnan ko iyon ay nakita ko ang isang kamay ni Mr. Salvo na nakalusot sa bewang ko habang may hinahawakan na papel. Ramdam ko rin ang tigas ng braso niya

Naestatwa ako at di makagalaw. Bigla akong kinabahan dahil sa ginawa niya. Hindi ako gumalaw at pinakiramdaman lang siya na ngayon ay nasa likuran ko. Ramdam ko ang lapit ng katawan niya sakin dahil amoy na amoy ko ang pabango niya

"Here..." Mahina niyang bulong at inabot sakin ang papel. Hindi ako makapagsalita at hindi agad nakabawi. Kumabog ng malakas ang dibdib ko

Napatikhim siya at sinagi ako dahilan para mabalik ako sa wisyo. Nahihiya kong kinuha iyon at yumuko

"P-pasensya na po..." Saad ko. Hindi siya sumagot sakin at kaagad lang na bumalik sa inuupuan niya kanina.

"Now tell me what's my schedule for now" Saad niya at tiningnan ako. Napatikhim ako at nahihiyang tinakpan ang mukha ko ng papel saka napabuga ng hangin ng konti dahil sa hiya ko sakanya

"U-uhm. Y-you have a meeting po for Mr. Lucas Montillan and Isaac Montillan..." Napatigil ako nang mabasa ang mga pamilyar na pangalan sa papel. Bigla akong kinabahan at natulala saglit.

"Mariel? What's wrong?" Naramdaman ko ang pagtayo niya kaya naman ay hilaw lang akong ngumiti sakanya at umiling

"W-wala po..." Mahina kong sagot at nanginginig na binalik ang tingin sa papel saka sinubukang basahin iyon ulit pero nanginginig na ang labi ko

"You look uneasy... Tell me do you feel something?" Umiling ako ulit at tiningnan nalang ang papel na hinawakan ko at magpatuloy na sana sa pagbabasa nang hawakan niya ang kamay ko at kinuha ang papel mula doon.

Hindi ako makapagsalita dahil sa ginawa niya. "Just sit here. I just want to get some water for you" Mahina niyang saad at agad akong iniwan.

Naiwan akong tulala at biglang nanginig ng konti dahil sa nabasa ko. Kaano ano kaya siya ni Mr. Salvo? Pinsan? Kapatid? Bigla akong dinaganan ng konsensya dahil nasaktan ko siya dati. Gusto ko naman sanang humingi ng tawad pero hindi ko magawa dahil ayaw niyang tanggapin ang sorry ko

Nakita kong bumalik si Mr. Salvo dala dala ang Isang baso ng tubig at ibinigay sakin. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin at inumin nalang iyon dahil nanginginig na ko at parang may bara sa lalamunan ko.

"I'll just read my schedule on my own. Pahinga ka muna" Napatingin ako sakanya na ngayon ay nakaupo na sa sarili niyang upuan. Nakaharap siya sa laptop niya at kinuha ang printed schedule na ginawa ko saka siya na ang nagbasa doon. Hindi parin ako komportable dahil sa ginawa niyang paghalik sakin kagabi. Hindi pa kami nagkakausap simula kanina

Natulala ako habang nakatingin sakanya. Hindi ko alam kung bakit parang nakokonsensya ako habang nakatingin sakanya na ngayon ay matamang nagbabasa sa sariling schedule. Dapat ako ang gumagawa niyan para sakanya dahil ako ang secretary niya, at isa pa, hindi ko dapat dinadala dito ang kung ano man ang meron kami sa labas. Ang laki ng sweldo na binibigay niya pero ang maliit na trabaho ko ay di ko pa magawa.

Napapikit ako at napatingin ulit sakanya pero napaigtad ako nang makitang nakatitig din siya sakin. Nag iwas ako ng tingin at nagkunwaring inuubos ang laman ng baso

Nanatili akong nakayuko at nagtaka nang makitang tumayo siya at kinuha ang coat niya Saka isinuot iyon. Binitbit din niya ang suit case niya.

"S-saan po kayo pupunta sir?" Seryoso ang mukha niya habang inaayos ang mga gamit. Tumingin siya sakin, pero dahil hindi ko nakayanan ang titig niya ay ako na ang nag iwas ng tingin

"I'll go to the meeting by myself. Tell me if you're ready to face me and let's talk" Hindi ko alam ang gusto niyang iparating. Natulala lang ako at hindi nakapagsalita hanggang sa umalis siya at naiwan ako sa loob ng opisina.



Ilang oras na akong nandito pero hanggang ngayon ay Wala parin si Mr. Salvo. Hindi parin siya bumabalik hanggang ngayon kaya naman ay Wala akong magawa kundi ang linisin nalang ang opisina niya at iarrange lahat ng mga gamit niya dito

Napunta ako sa book shelves niya at nakita ang napakaraming libro. Nilinis at inarrange ko ang mga iyon ng maayos. Habang abala ako sa pag aayos ay biglang bumukas ang pinto

"Hey honey I brought you some-- What the h*ll?!" Napatingin ako sa pintuan at nakita si Ma'am Margaret na may dalang paper bag na may lamang pagkain

"Why are you here b*tch? Where's my boyfriend?" Mataray niyang tanong sakin. Napatikhim ako at ngumiti ng tipid sakanya

"N-nasa meeting po--

"Nasa meeting?! Di ba you're his secretary? And why are you here like nobody's happening?! Are you stealing something in his office?" Dahil sa sinabi niya ay napailing iling ako at biglang natakot dahil sa naging paratang niya

His Beautiful Possession Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon