POSSESSION XVI
"Hala totoo?! Oh my God! Sabi na sayo eh!" Ngumisi si Dalia sakin at kumuha ng Isang chichirya sa lalagyan at kinain iyon.
"Tama ang hinala ko noh? Tsk! Malamang, ako na to eh. Sa pagiging matalino ko about sa pag ibig, ako naman ngayon ang hindi tinamaan ang love life. Hayy buhay" Saad niya. Hindi ko siya masyadong pinakinggan dahil abala ako sa pag iisip tungkol dun sa sinabi ni Mr. Salvo
"Wag kang magpapahalata na iniisip mo siya Mariel. Alam ko din naman na iniisip mo siya at unti unti ka nang naf-fall sakanya" Pang aasar niya sakin dahilan para kumunot ang noo ko
"Hindi ko siya gusto" Pagtanggi ko. Halata parin sa mukha niya ang pang aasar sakin. Nginisihan din niya ko na para bang alam na alam niya ang nilalaman ng iniisip ko
"Hindi mo gusto pero iniisip mo? Ano tawag diyan? Nako, wag ako Mariel... Hindi mo pa naramdaman na gusto mo siya ngayon pero kalaunan kapag tinamaan ka din, nako... Baka nga marealize mo na mahal mo na pala " Napailing iling ako dahil sa sinabi niya. Hindi ako naniniwalang gusto ako ni Mr. Salvo
Sandali akong natigilan at biglang dinaganan ng lungkot nang maisip na hindi niya nga ako gusto. Biglang bumigat ang dibdib ko dahil doon. Dahil sa pag amin ni Mr. Salvo ay hindi na siya nawala sa isipan ko
"Ma'am ang bilin po ni sir wag na po muna kayo pumasok ngayon, day off niyo raw po sabi niya" Natigilan ako sa naging balita ni Kuya Guard sakin. Hindi ako nakapagsalita
"P-pero bakit po? Sa linggo pa po ang day off ko Miyerkules palang ngayon ah?" Nagkibit balikat ang guard
"Iyon po ang bilin sakin ma'am. Wala rin po si Sir ngayon eh. May importante pong lakad baka bukas Meron na po, pero s ngayon mas mabuti po umuwi nalang muna kayo" Napabagsak ang balikat ko at nakaramdam ng pagkadismaya. Bigla akong nalungkot at parang maiiyak dahil hindi ako makakaduty.
Matamlay akong naglakad pauwi pero bago iyon ay tiningnan ko muna ang itaas kung saan nandun ang opisina niya nakalagay. Nakasarado ang kurtina nito at halatang walang tao. Napahinga ako ng malalim dahil hindi ko siya makikita ngayon
Wala akong nagawa kundi ang umuwi nalang sa bahay. Wala akong ganang umuwi ngayon dahil wala man lang si Mr. Salvo. Nakaramdam ako ng sobrang lungkot dahil doon.
"Jaze! Andito na si mama!" Sigaw ko at ngumiti nang makapasok sa bahay namin.
"Oh Mariel andito ka na pala. Oh, may bisita ka" Nawala ang ngiti sa labi ko nang mapatingin sa sinasabi ni mama na bisita ko raw. Natulala ako at hindi nakagalaw sa kinatatayuan
"Hi Mariel. Ang tagal mo umuwi, kanina pa ko nag aantay sayo dito" Nakangiting saad ng lalaking naging laman ng isipan ko magmula pa kanina. Napalunok ako at nag iwas ng tingin nang maramdaman ang hindi normal na pagtibok ng puso ko
"P-pasensya na po... Akala ko kase may duty ngayon kaya dumaan ako sa kompanya" Mahina kong saad at nagpilit ng ngiti saka nag iwas ng tingin dahil nakatitig siya sakin
"Mabuti naman at nandito ka na. Mag dadalwang Oras na kong nag antay dito" Nagulat ako dahil sa sinabi niya at napatingin kay mama. Nagkibit balikat naman si mama bago nagsalita
"Malay ko sa lalaking iyan. Nagulat nalang ako at kandong na si Jaze pagpasok ko" Saad niya at naghain ng pagkain sa maliit na mesa sa sala
"Kumain na kayo... Ikaw din Mariel" Saad ni mama at agad na umalis para pumunta sa kusina. Nakaramdam na naman ako ng ilang dahil kami na naman dalawa
"A-asan pala si Jaze? Sandali, tatawagin ko muna ang--
"He's sleeping Mariel. Come, sabayan mo kong Kumain" Nagpilit ako ng ngiti at inilagay ang bag ko sa Isang upuan bago dahan dahang kumuha ng plato at dahan dahang umupo sa tabi niya saka akmang magsasandok ng sariling pagkain pero naunahan niya ko.
Bigla niyang kinuha ang dala kong pinggan at nginitian ako ng tipid. "Ako na" Mahina niyang saad. Bigla naman akong nakaramdam ng hiya dahil sa ginawa niya at hinayaan nalang siya
Nagsimula na kaming Kumain dalawa. Hindi ko alam kung bakit hindi ako komportable dahil sa lalaking nasa tabi ko. Ako lang siguro ang nakaramdam ng ilang sa ing dalawa dahil siya ay abala naman sa pagkain niya
"I brought home the adobo that you cooked for me yesterday Mariel and guess what? My mom loves it. Ang sarap daw, well, she's telling the truth though" Napangiti ako na may kahalong gulat dahil sa sinabi niya.
"P-pinatikim mo sa mama mo? Nako, nakakahiya naman... Baka nga kulang pa sa timpla iyon eh, baka hindi pasok sa panlasa niya" Nag aalala kong saad na ikinangiti niya
"She loves it and demanded for you to cook her again that adobo. It's your fault Mariel and not mine" Nagulat ako sa sinabi niya at nang makitang Ngumisi siya sakin at nagpatuloy sa pagkain
"N-nakakahiya naman... Pero sige, susubukan ko ulit at papasarapin ko pa lalo para magustuhan ng mommy mo" Tumango siya at tumingin sakin
"Don't forget about me... I like your adobo too" Paalala niya na ikinaiwas ko ng tingin.
"But of course, I like you more" Nagulat ako dahil sa sinabi niya at natawa ng palihim dahil sa simpleng banat niya. Napailing naman ako at di nalang siya tiningnan dahil baka hindi ko na kayanin
"Iho, napalakas ng ulan sa labas. Sigurado ka bang uuwi ka na?" Tanong ni mama Kay Mr. Salvo na ngayon ay naghahanda na sana pauwi. Matagal siyang nakauwi dahil naglalaro pa sila ni Jaze na tuwang tuwa din na nandito siya kaya nagabihan sila
"Opo. Hindi pa naman po masyadong malakas" Magalang niyang Sagot kay mama. Napatingin ako sa labas at nakitang sobrang lakas ng ulan sa labas at parang may konting unos pang dala
"Dito ka nalang kaya muna matulog? Tutal malaki naman ang bakante sa kabilang kwarto. Pwede ka doon, kaysa naman sa pilitin mong umuwi baka mapano ka pa sa daan" Agad akong lumabas at bumaba
"Tama si mama Sir Salvo. Dito nalang po muna kayo, may kwarto pa pong bakante pwedeng pwede kayo matulog don" Dagdag ko pa. Sandali namang napatingin si Mr. Salvo lalong lalo na sakin.
Tumingin siya sa labas at balik kay mama
"Sige po... I'll stay" Saad niya habang nakatingin sakin.
Pasado ala una na ng madaling araw nang magising ako. Binalot ko ng kumot ang sarili at ang natutulog na si Jaze sa tabi ko. Naimulat ko ang mga mata ko nang maalala si Mr. Salvo. Biglang pumasok sa isip ko na hindi ko siya nabigyan ng kumot
Agad akong bumangon at pinuntahan siya sa kwarto niya. Binuksan ko ng dahan dahan ang pintuan nun at napaigtad nang makita siyang nakaupo sa kama.
"P-pasensya na po... Pumasok ako basta basta, gising po pala kayo" Saad ko. Napatingin siya sakin at napatingin sa kumot na dala ko
"I can't sleep, it's very cold" Nakonsensya naman ako bigla dahil tanging unan at kutson lang ang meron siya at walang ibang pwedeng gawing kumot kundi ang suot lang niyang t-shirt. Napaiwas ako ng tingin dahil nakahubad siya
Naramdaman niya sigurong hindi ako komportableng tingnan siya kaya nagsuot siya ng damit
"I-ito po ang kumot niyo oh. Ginawa ko pong dalawa para hindi kayo masyadong ginawin" Saad ko at binigay ang mga iyon. Agad niyang binalot ang sarili doon at humiga.
Akmang aalis na ko at balik sa kwarto nang magsalita siya. "Mariel..." Napatingin ako sakanya. Mataman siyang nakatingin sakin ngayon
"P-po?" Napahikab siya at mapupungay ang mga matang tiningnan ako, halatang inaantok na na sobra
"Goodnight..."
BINABASA MO ANG
His Beautiful Possession
Romance"I love every flaws and imperfections you have" -Salvo Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest