POSSESSION XIX
"What are you doing here?" Nawalan ng emosyon ang mukha nito at naging malamig ang boses. Napatikhim ako dahil sa tono ng boses niya. Nakaramdam din ako ng kaba
"D-dito ako nagtatrabaho..." Halos naging pabulong iyon nang sabihin ko. Natigilan ito at maya maya lang ay narinig ko ang pag asik nito
"Really? In my cousin's office? Dito ka nagtatrabaho? So ano namang trabaho mo dito?" Tanong niya na para bang ininsulto ako
"S-secretary..." Natigilan siya ng marinig iyon ngunit kalaunan ay tumawa lang saka napakagat ng labi at nag iwas ng tingin sakin
"Secretary huh? Bakit dito pa Mariel? Nananadya ka ba?" Galit nitong tanong at galit akong tiningnan. Hindi ako nakaimik agad. Akmang magsasalita na sana ako nang biglang may pumasok
"Isaac? What are you doing here?" Napaigtad ako nang makita si Mr. Salvo. Kunot ang noo niyang nakatingin sa lalaking kaharap ko rin.
Napatingin siya sakin at natigilan. "Hey? Why are you crying?" Tanong niya at nilapitan ako saka hinawakan sa balikat at pinahiran ang luha na hindi ko napansing kumawala kanina. Hindi ko rin naramdaman na umiiyak ako, ngayon lang na biglang sumikip ang dibdib ko
"Wow. Nice view huh..." Rinig kong saad ni Isaac. Narinig ko ang pagtawa nito ng sarkastiko
"Hey man what are you doing here?" Baling ni Mr. Salvo kay Isaac. Hindi ko ito tinapunan ng tingin dahil hindi ko kayang tingnan ang pagmumukha niya
"I'm here to surprise you for something kaya lang parang ako iyong nasurprise..." Pinitik pa nito ang mga daliri niya at saka narinig ko ang pag aayos niya ng tayo.
"I gotta go" Saad nito at agad na lumabas at umalis.
"Mariel are you okay?" Nag aalalang tanong ni Mr. Salvo sakin. Napatikhim ako at nagpilit ng ngiti saka tumango sakanya.
"Why are you crying then? Sinaktan ka ba ng lalaking iyon?" Mabilis akong umiling at ngumiti nalang
"H-hindi po..." Napasinghot ako at bigla nalang napahikbi kaya naman ay napayakap ako sakanya. Halatang nagulat siya dahil sa inasta ko pero kalaunan ay ginantihan din ako ng yakap.
"Ihatid na kita?" Tumango ako at ngumiti kay Mr. Salvo saka lumabas para maghintay sakanya sa lobby. Gabi na rin at off ko na sa trabaho kaya naman ay sinabayan na ako ni Mr. Salvo pauwi. Umuwi na rin ang iba pang mga empleyado. Iilan nalang ang nandito dahil yung iba ay nasa night shift na hanggang alas tres
Napabuga ako ng hangin. Tinatanaw ko mula dito ang ibang empleyado na pumapasok na sa kompanya. Naglakad ako ng ilang dipa at doon muna tumulala saglit. Natigilan ako nang may marinig na boses ng dalawang tao na nag uusap sa may di kalayuan lang. Hindi ko Sila maaninag dahil medyo madilim
"Iyon nga ang sinasabi ko sayo kaso ayaw mo maniwala" Kumunot ang noo ko nang parang pamilyar ang boses na iyon
"Yeah I saw her earlier. I just can't believe it" Biglang bumadha ang lungkot sa dibdib ko nang marinig ko ulit ang boses na iyon. Hindi ko alam kung bakit ako hanggang ngayon ay nasasaktan parin ako. Dapat hindi na kase sobrang tagal na nun at alam kong nakalimutan na din niya ko
"Mariel? Let's go?" Napatingin ako kay Mr. Salvo na ngayon ay nakatitig sakin. Naglakad ako papunta sakanya ng dahan dahan.
"Wear this for a while... Maglalakad lakad muna tayo bago kita iuwi" Malumanay niyang saad at hinubad ang coat na gamit niya at dahan dahang nilagay sa balikat ko.
Sandali akong napatitig sakanya. Hindi ako makapaniwala na magpinsan silang dalawa. Napahinga ako ng malalim
"What's wrong with my face? Gwapo parin naman di ba?" Natawa ako dahil sa sinabi niya at napailing iling. Ngumiti naman siya nang makita akong napatingin sakanya
"Ayan tumawa ka na... You should laugh as always Mariel... That's what makes you beautiful..." Makahulugan niyang saad na nakapagpatigil sakin. Napatitig din ako sakanya nang dahan dahan siyang lumapit sakin at dahan dahang inipit ang maliliit kong buhok sa tenga
"You're so beautiful Mariel... Please, allow me to court you" Hindi ako umimik at tinitigan lang siya. Mabait siyang tao. Halata naman na may maganda siyang intensyon sakin
"Sige" Sagot ko na ikinatigil niya. Wala naman sigurong masama kung subukan ko ulit ang magmahal. Wala naman sigurong masama kung susubukan ko ulit
"R-really?" Nginitian ko siya dahil kitang kita sa mukha niya na hindi parin siya makapaniwala
"I must not missed this opportunity. Thank you for giving me a chance Mariel. Promise, I won't waste it" Ngiti niyang saad at halatang masayang masaya
Pasado alas nuwebe na ng gabi pero nandito parin kami naglalakad lakad sa may park. Nakapamulsa siya habang ako naman ay nakahawak sa sling bag na dala.
"I didn't experience this kind of late night talk with someone... Sayo lang" Biglang sabi niya. Napatingin ako sakanya pero kalaunan ay ibinalik din ang tingin sa harapan
"Ako din... Gusto mo araw arawin natin?" Tanong ko. Napatingin ako sakanya na ngayon ay sumulyap lang sakin.
"You sure? Araw araw? Baka mapagod ka?" Saad niya. Nginisihan ko siya at napailing iling
"Sanay kaya ako sa ganito. Ito ang reward ko sa sarili ko kapag pagod ako at gusto ko mapag isa. Maglakad lakad saglit bago umuwi. Mas masarap yung moment kapag ikaw lang mag isa... Pero hindi ko inakalang mas masarap pala kapag kasama ko kayo" Ngiti kong saad. Sinulyapan ko siya at nakita kong napakagat siya ng labi, halatang pinipigilan ang ngiti
"E-ehem..." Naramdaman ko ang pagdikit niya sakin pero hindi ako nagpahalatang iba ang dating sakin ng ginawa niya.
"You want an Ice cream? Bibili ako" Nakangiti akong tumango at hinampas siya braso ng konti na ikinagulat niya
"What was that for?" Umiling lang ako at ngumisi ng konti na kinailing niya. Nawala ang ngisi sa labi ko nang mataman niya kong titigan at dahan dahang nilapitan. Napalunok ako dahil doon
"Wait me here" Bulong niya sa tenga ko. Wala sa sarili akong napatango. Siya naman ang ngumisi sakin at iniwan ako.
Nahugot ko ang hininga ko pagkatapos. Ang lakas ng kabog, akala ko kung ano ang gagawin niya. Hinimas himas ko ang dibdib ko at napailing iling dahil sa hindi normal na pagkabog nun. Wala sa sarili akong napangiti nang makita siyang nakatalikod at naghihintay sa pila. Napapatingin ang iba sakanya
"He's very lovely isn't he?" Napaigtad ako at natigilan nang makarinig ng boses. Napatingin ako doon at siniklaban ng takot nang makilala kung sino ang nagsalita
BINABASA MO ANG
His Beautiful Possession
Romance"I love every flaws and imperfections you have" -Salvo Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest