POSSESSION XXX
Pagpasok at pagkapasok ko palang sa loob ay narinig ko na ang sigawan sa kung saan. Agad akong napatakbo nang makita ko na may nag aaway sa harapan ng kwarto ni Jaze.
"Napakakapal ng pagmumukha niyang anak mo! Ipapaako pa talaga sa anak ko ang anak niya!" Sigaw ng pamilyar na tinig. Natigilan ako at na lumapit nang makita ko si mama na inaaway ng babaeng lumapit sakin kanina na sa pagkakahula ko ay ang mommy ni Salvo
"Hoy! Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan ang anak ko na para bang kilalang kilala mo siya! Hindi mo alam ang totoo!" Sigaw naman ni mama. Kaagad ko silang inawat
"M-ma. Tama na po..." Mahina kong saad. Napatingin naman silang dalawa sakin.
"Iyan! Ang babaeng iyan ang dahilan kung bakit nasasaktan ngayon ang anak ko. Kung hindi dahil sa anak mo, hinding hindi mapapahamak ang anak ko!" Sisi niya sakin. Napayuko naman ako. Gusto kong lumaban pero tila nawalan ako ng lakas para magsalita
"Ang kapal naman ng mukha mong pagsalitaan ng ganyan ang anak ko!" Balik na sumbat ni mama. Nakita kong napahinga ng malalim ang mommy ni Salvo at napahawak sa dibdib niya.
"M-ma'am... Ayos lang po ba kayo?" Mahina kong tanong dito. Inawat naman ako ni mama at sinaway
"Hayaan mo siya diyan! Halika na sa loob..." Saad niya at naunang pumasok. Hindi ako gumalaw at napatingin lang sa mommy ni Salvo na ngayon ay patuloy parin sa paghilot ng dibdib niya
"Ma'am ayos lang po ba kayo? Ano pong nararamdaman niyo?" Nag aalala kong tanong at kaagad itong inalalayan at hinawakan. Napakapit naman siya sakin
"A-ang gamot ko... My God! My medicine!" Nahihirapan nitong saad. Hindi ko alam ang gagawin ko at nataranta na din ako saka agad na tiningnan ang itinuturo niya. Ang bag
Nanginginig ko itong kinuha at tiningnan ang loob saka binalingan siya ng tingin
"Ano pong gamot? Asan po dito?" Tanong ko sakanya. Nakita ko ang panginginig nito at ang pag abot ng isang bote saka ito ininom. Kinuha ko ang nakita kong tubig na nasa loob nito at kaagad na inalalayan itong uminom.
"O-okay na po ba kayo?" Tanong ko sakanya kalaunan. Napahilot pa ito sa dibdib niya. Nakita kong kumalma na ito kaya naman ay inayos ko na ang bag nito para alalayan itong tumayo
"Oh my God! Tita are you okay?! Hey you! What did you do?!" Napaigtad ako nang marinig ang matinis na boses ni ma'am Margaret. Nauna na niyang alalayan ang mommy ni Salvo kaya naman hindi ko na ito nalapitan
"Akin na ang bag niya! Sinubukan mo pa talaga siyang nakawan at saktan?!" Nagulat ako sa pag aakusa nito. Halata sa mukha nito ang inis habang nakatingin sakin
Akmang magpapaliwang na ko nang maunahan ako ng babae
"Don't be so over reacting Margaret and please bitawan mo ko" Malamig na saad ng babae. Nakita kong natigilan si ma'am Margaret at napalayo ng konti dito
"Y-you okay na po ba tita?" Mahinahon niyang tanong dito at kaagad na lumapit pero kaagad na lumayo ang babae
"Thanks" Maikli niyang saad nang bumaling sakin at kaagad na umalis. Hindi ako umimik at ngumiti lang ng tipid dito saka tiningnan ang papalayo niyang bulto
"Hindi ka pa pala umaalis?" Napapikit ako at walang emosyong binalingan ng tingin si Margaret na ngayon ay nasa harapan ko pa pala.
"Are you waiting for Salvo to check you and your son? No. Wag ka nang umasa pa at umalis nalang kayo dito" Mataray niyang taboy sakin. Napahinga ako ng malalim at akmang papasok na sa loob nang hawakan niya ang braso ko ng mahigpit dahilan para matigilan ako
BINABASA MO ANG
His Beautiful Possession
Romance"I love every flaws and imperfections you have" -Salvo Montillan THE BOOK PHOTO IS NOT MINE, CREDITS TO THE RIGHTFUL OWNER SOURCE: Pinterest