"Cristina ano ba!?" sigaw ng aking asawa.
"Sandali lang" natatarantang sabi ko.
Tanghali na ako nagising kaya naman nagalit ito ng makitang wala pang nakahaing almusal. Matalim ang tingin niya sa akin ng lumabas ako sa may kitchen.
"Sorry" paumanhin ko.
"Makakain ko ba yang punyetang sorry mo?" mapanuyang tanong niya.
"Medyo masama kasi ang pakiramdam ko" paliwanag ko.
Ngumisi siya. "Wala akong panahon sa drama mo. Ginusto mo to, panindigan mo!"
Napayuko ako dahil sa kanyang sinabi. Napahawak na lamang ako sa limang buwan ko ng tiyan. Kahit nasaktan ay nagawa ko pa ding tipid na ngumiti sa kanya.
"Ginagawa ko nama ito para sayo at sa baby natin" marahang sabi ko. Nagulat ako ng marahas niyang hinila ang braso ko.
"Tigilan mo na ang kakasabi na anak natin yan. Sayo lang, dahil hindi ko matatanggap ang batang yan!" madiing sabi niya.
Tumulo ang aking luha. "Timothy naman..."
Hindi niya na ako pinatapos. Mahigpit niyang hinawakan ang panga ko. Napadaing ako sa sakit.
"Hanggang ngayon nga, hindi pa din ako sigurado kung akin ba talaga yan eh..." mapanuyang sabi pa niya kaya naman inipon ko na ang lahat ng lakas ko para makawala sa hawak niya.
"Ikaw ang nakauna sa akin! Halos araw araw mo kung ikama noon, tapos pagdududahan mo itong dinadala ko?" sumbat ko sa kanya.
Pagak siyang tumawa hanggang sa halos mabingi ako sa sampal na iginawad niya sa akin.
"Wag mo akong sumbatan! Bayad lahat ng yon, Cristina. Wag mong sabihin yan na parang labag sa loob mo dahil trabaho mo naman talaga yon! Punyeta ka!" sigaw niya na may kasama pang panduduro.
Hindi pa siya nahusto. Tinabig pa niya ang mga nakahain sa ibabaw ng lamesa.
"Putangina! Nakakawalang gana" galit na sabi niya at iniwan ako.
Tahimik akong umiyak habang nililigpit ang mga kumalat na pagkain sa sahig. Pinilit kong bumangon kanina kahit sobrang sama ng pakiramdam ko para lang paghainan siya.
Matapos kong iligpit iyon ay nagulat ako ng makita kong pababa ito, bihis na bihis.
"Saan ka pupunta?" tanong ko. Hapon ang karaniwang alis niya papunta sa high end bar na business niya.
"Anong pake mo?" walang ganang sagot niya sa akin. Tinabig pa ako nito para lang makadaan siya.
Hinabol ko ng hawak ang kanyang braso. "Magpapaalam sana ako, bibisita ako sa tiyahin ko"
Padabog niyang binawi ang braso niya sa pagkakahawak ko. "Wala akong pakialam. Kahit wag ka pang bumalik" sabi niya bago ako tuluyang iniwan.
Hindi ko alam kung hanggang saan ang kakayanin ko. Kung paano ko pa matitiis ang trato niya sa akin. Aminado akong kasalanan ko naman. Sex lang ang ugnayan namin nung una hanggang sa napamahal na ako sa kanya. Sinubukan kong tulungan siyang makalimutan yung ex niya. Hanggang sa naisip kong ayoko siyang mawala sa akin kaya naman hinayaan kong mabuntis niya ako. Buong akala ko ay magiging masaya siya pag nalaman niyang magkakaanak na siya. Nagkamali ako.
Dumaan ako ng grocery para sa tiyahin at pinsan ko. Habang namimili ay nakita ko pa si Samantha, asawa ng kaibigan ni Timothy na si Lucas. Nagulat siya ng makita ang aking mga pasa.
"Anong nangyari sayo?" nagaalalang tanong niya.
Tipid akong ngumiti. "Wala ito"
Bumaba ang tingin niya sa aking sinapupunan kaya naman nakita kong mas lalo siyang nagalala. Sa kanyang likuran ay lumapit si Luke, ang kanyang asawa.
BINABASA MO ANG
The Pain Of Loving You (Great Bachelor Series #4)
Romanceang inakala kong sarili kong Love Story.-Di pala ako ang bida. -Story of Timothy Josh Dela Vega and Cristina Andrea Cruz