Chapter 16

184K 3.9K 822
                                    


Araw ng sabado ng sumama ako sa lakad nina Grace. Ilang beses na nila akong niyaya pero ngayon lang ako nakasama. Busy kasi sa restaurant at maraming naging events sa hotel na kami ang nag cater.

"Text mo ako paguuwi ka na para masundo kita"

"Sir Yohan, wag na po" tanggi ko.

"Sabing Yohan na lang" giit niya.

"Sige po,Yohan" naninibagong sabi ko.

"Mag enjoy ka. Wag mong tipirin ang sarili mo. You should learn to reward yourself" paalala niya.

Napakagat ako sa aking labi at tipid na tumango.

"Don't bite your lips, It's tempting" sabi niya at nagiwas ng tingin.

Napaawang lang ang labi ko.

"Don't bite your lips, again"

Tumango ako, pero hindi sinasadyang nagawa ko ulit kaya naman napamura na siya at ganon na lang ang gulat ko ng kinabig niya ang batok ko at hinalikan ako.

Pinagdikit niya ang noo naming dalawa matapos ang halik.

"Bye. Ingat ka" paalam niya bago ako hinalikan sa noo.

Nanatili akong nakatingin sa paglayo ng sasakyan nito. Bumalik lang ako sa wisyo ng marinig ko ang pagtikhim mula sa aking likuran.

"Kanina pa ba kayo?" kaagad na tanong ko. Mapangasar na umiling si Grace.

"Ang ganda ng lips mo ah, Anong lipstick mo?" tanong ni Samantha.

"Anong lipstick? Parang nahalikan eh" pangaasar ni Zyrene.

Naginit ang aking magkabilang pisngi dahil sa pangaasar nila. Kahit nasa loob na kami ng fine dinning ay hindi pa din sila tumigil.

"Sumama ka na, Please. Ipapaalam kita kay Yohan" Si Zyrene.

"Tsaka minsan lang kasi mangyari to. Lalo na ngayon na uuwi yung pinsan ni Kervy na si Zach na dating naka-affair ni Grace" kwento pa ni Zyrene.

"Hoy, Bakit ako nasama diyan" suway sa kanya ni Grace.

"Saan ba?" tanong ko.

"Sa resort nila Kervy" sagot ni Grace.

Wala sa plano ko ang pagsama hanggang sa nakita ko na lang ang sarili kong kasama na sila papunta sa resort na iyon. Overnight lang naman kaya pinagbigyan ko na. Kagaya ko ay hindi din nila kasama ang mga anak nila.

"Dalawang villa lang ang gagamitin natin, wala munang asa-asawa ngayon." natatawang sabi ni Grace.

"Fuck. Akala ko pa naman makakapag-honeymoon kami ng sweetheart ko" malungkot na saad ni Matteo.

Sinamaan siya ng tingin ni Zyrene. Sa takot na magaway silang magasawa ay inalo na lamang ito ni Matteo.

Sumigaw si Grace at sinalubong ang isa pang lalaki.

"Zach!"

Napamura si Kervy dahil sa ginawa ng asawa. Tawa ng tawa si Matteo ng makita ang nakabusangot na kaibigan. Tumuloy kami sa may open cottage na tinakbuhan ni Grace.

"Ako na" nagulat ako ng biglang sumulpot si Timothy at tinangkang kinuha ang bag na dala ko.

Pinilit kong alisin ang kamay niya sa bag ko. Nang magtagumpay ay kaagad ko pa siyang iniwanan.

Kagaya ng mga kaibigan ay may itsura din si Zach. Mukha nga lang talagang pilyo. Si Kervy ay masungit na misteryoso. Mas mukhang approachable si Zach kesa sa pinsang si Kervy.

"Stop staring at him" malamig na untas ni Timothy.

Tumalim lalo ang tingin nito sa akin pero tinaasan ko lamang siya ng kilay.

"Sino ka para sundin ko?" masungit na sabi ko bago ako lumayo sa kanya at pumunta kina Zyrene.

Naguusap kami ni Zyrene ng magulat ako ng biglang may malaking bulto ang humarang sa harap ko. Tumambad ang ganda ng katawan nito. Dahan dahan akong tumingala sa kanya at natapunan pa ng tingin ko ang tattoo niya.

"Hi" bati niya.

Naiilang akong ngumiti sa kanya, tumayo ako para magpakita ng respeto.

"I'm Zach, Ikaw?"

"Ah...Cristina, Tine na lang" sagot ko.

Mas lalong lumapad ang ngiti niya.

"Nice to meet you" sabi niya at gulat ako ng yumakap siya.

"Alonzo!" galita na tawag ni Timothy sa kanya.

Nakangising bumaling si Zach dito.

"Sorry Lolo Timothy, Yakap na ang uso ngayon" pangaasar niya dito.

"I'm sure wala ka pang boyfriend o asawa. Ako pwedeng pwede"

"Zach" banta ni Timothy.

"Shut up Timothy, ako ang nauna sa kanya" naiiritang baling ni Zach dito.

Bumaling muli siya sa akin."You can love me today, Just don't leave me tomorrow"

Natawa ang iba dahil sa kalokohan niya.

"Leave her alone" matigas na banta ni Timothy.

"Asawa ko yan" laban ni Timothy na ikinatawa ko. Pinagsasabi nito?

Kumunot ang noo ni Zach. "Akala ko ba, Forever kayo ni Agnes?"

Yan. Edi nanahimik ka ding gago ka.

Pumasok kami sa aming villa para makapagpalit ng pang swimming. Dalawang queen size bed ang nasa loob kaya naman si Samantha ang makakatabi ko.

"Minsan nga gusto ko na lang sapukin iyon eh." daing ni Zyrene tukoy sa asawa.

Nakita ko ang pilyang ngiti ni Grace."Nakaka-ilang round kayo?" tanong niya na ikinalaki din ng mata ko. Parang ako ang nakaramdam ng hiya. Sinuway din siya ni Samantha.

Hindi niya pinansin ang suway ni Samantha sa kanya. "Ano na, ilang rounds?" pangungulit pa nito.

Sandaling nagbilang si Zyrene sa kanyang kamay kaya naman napasapo na lang kami sa aming noo ni Sam.

Nagasaran sila tungkol sa bagay na iyon. Nakikitawa na lang ako at napapailing. Ramdam ko din ang hiya ni Samantha ng kulitin siya ng mga ito.

"Kami ni Kervy? Para kami palaging nasa boxing ring. 12 rounds, But hindi naman straight, minsan nga sa office pa niya pag nagdadala ako ng lunch" proud na kwento niya.

Lumabas din kami ng makapagbihis. Excited silang lumanggoy. Nagpaiwan ako sa pampang dahil hindi pa ako lalangoy.

"Magusap tayo" si Timothy.

"Wag ngayon" tamad na sabi ko at hindi man lang siya tinapunan ng tingin.

"Come back to me, please. I'm begging you" namamaos na sabi niya.

"Sure" nakangiting sabi ko sa kanya.

Bahagyang kumunot ang noo niya. Marahil ay nabigla sa aking sinabi.Tinangkang yayakapin sana ako ng muli akong magsalita dahilan para matigilan siya.

"Die first"







(Maria_CarCat)

The Pain Of Loving You (Great Bachelor Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon