Chapter 26

138K 3K 425
                                    


"Ayos ka lang?" Nagaalalang tanong sa akin ni Thessa pagkabalik ko sa may dinning.

Marahan akong tumango at dumiretso kay Thomas para kuhanin ito.

"Uuwi na kami" paalam ko sa mga ito.

"Sigurado ka bang gusto mong umuwi? Ayaw mo bang dito na lang mag stay?" Tanong ni Sir Yohan.

"Hindi na, uuwi na kami"

Kita ko ang pagaalala sa mukha ni Thessa. "Magpahinga ka, wag mo masyadong pagurin ang sarili mo"

Matapos niyang sabihin iyon ay lumipat ang tingin niya sa aking likuran. Nakita kong palapit sa amin si Timothy, halata ang pamumula ng mata nito.

"Uuwi na kami Thessa" paalam niya sa pinsan ko tsaka niya kinuha sa akin ang baby bag.

Naramdam ko ang maingat niyang paghawak sa akin palabas ng mansyon.

"Timothy..." pahabol na banta ni Thessa dito, sinundan pa niya kami sa labas. Tinanguan niya lamang ang pinsan ko at muling nagpaalam bago sumakay ng sasakyan.

"Na miss mo ba si Daddy baby?" Nakangiting tanong niya sa anak ko.

Sumulyap pa muna siya sa akin bago tuluyang pinaandar ang sasakyan. Tahimik ang buong byahe namin pauwi, naipit pa kami sa traffic. Tanging ang music sa radio ang naging ingay sa loob.

Naagaw ng sumunod na kanta ang atensyon ko, lalo ng makita kong nilingon ako ni Timothy. Nothing's gonna change my love for you ang tumutunog ngayon sa radio.

"Gusto mo bang ilipat ko?" Tanong niya.

Umiling ako."Wag na ok na yan" sabi ko at nagiwas ng tingin.

Unti unting pumatak ang ulan sa may salamin. Lalo ding lumamig ang paligid kaya naman mas lalo kong niyakap ng mahigpit si Thomas. Ramdam ko ang paggalaw ni Timothy, hinubad niya ang suot niyang itim na jacket.

"Nilalamig ang mga baby ko..." nakangiting sabi niya at ikinumot iyon sa amin ni Thomas.

"Ik...ikaw ba hindi giniginaw?" Nautal pang tanong ko.

Tipid itong ngumiti sa akin at umiling. Nakaputing Vneck tshirt na lang siya. Natahimik na lang ako habang amoy na amoy ko ang bango ni Timothy sa kanyang jacket.

Malakas na ang buhos ng ulan pagdating namin sa bahay. Walang pagdadalawang isip na sumulong sa ulan ito at bumaba ng sasakyan para buksan ang gate namin. Medyo natagalan pa siya kaya naman tuluyan na siyang nabasa.

"Damn" mahinang sambit na lang niya ng makapasok sa sasakyan.

Pagkapasok sa garahe ay nauna kaming pumasok ni Thomas sa loob. Naiwan si Timothy para siguraduhing naka lock ang gate namin.

"Maligo ka na muna, baka magkasakit ka pa niyan" salubong ko sa kanya pagkapasok niya.

Tipid niya akong nginitian at nagpaalam na aakayat na muna siya. Nasa loob ng banyo si Timothy ng pumasok kami ni Thomas. Inilapag ko ang anak ko sa kama para palitan ng damit. Hindi nagtagal ay lumabas si Timothy na nakatuwalya lang, bagsak ang may kahabaan niyang buhok.

Matapos kong mapalitan si Thomas ay pumasok na din ako ng banyo para makapaglinis ng katawan. Paglabas ko ng banyo ay naabutan kong nakaupo si Timothy sa itaas ng kama, marahang tinatapik ang pwetan ng anak namin para patulugin.

"Mas gusto mo bang dito na lang siya sa tabi natin matulog?" Tanong niya sa akin.

Kaagad akong tumango. Dumiretso ako sa harap ng salamin para sandaling suklayin ang buhok ko bago sumampa sa kama. Hindi pa ako nakakahiga ng maayos ng bigla akong napasigaw ng kumidlat ng malakas kasabay ng pagpatay ng ilaw.

The Pain Of Loving You (Great Bachelor Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon