Tine's Pov
"Naku Mr. Mauubos ang lupa natin dito sa bakuran" natatawang daing ni Thessa habang pinagsasabihan ang nagwawalis na si Timothy sa aming bakuran.
Napairap na lamang si Timothy dahil sa mga reklamo ni Thessa sa lahat ng kanyang mga ginagawa. Napapangiti lamang ako habang pinapanuod silang dalawa.
"Mommy favorite ko po ito" nakangiting sabi sa akin ni Thomas habang tinuturo ang kalabasang hinihiwa ko.
"Very good si Kuya..." malambing na sagot ko naman sa kanya.
Si Tammie ay nasa kabilang gilid namin at naglalaro nanaman ng kanyang lutu-lutuan, may sariling mundo pa talaga ang mga batang katulad niya.
"Andeng ito na ang bangus...paihaw mo na lang sa asawa mong reklamador pagkatapos magwalis" natatawang sabi sa akin ni Thessa.
Kahit kailan talaga ang babaeng ito walang patawad. "Ikaw talaga..." nangingiting suway ko sa kanya.
"Aba...kailangan din naman niyang matuto ng mga gawaing bukid no. Hindi yung nakahilata lamang siya diyan at kala mo sinong Don na nagpapalaki lamang ng kanyang bet..." bago pa man sa sabi ni Thessa ang huli salita ay kaagad ko na siyang piigilan.
"Bunganga mo nga" suway ko.
Nagpeace sign ito at tsaka mahinang natawa. "Totoo naman eh" natatawang pagpupumilit pa niya.
"Maglinis ka na nga sa loob" sabi ko sa kanya na kaagad din naman niyang ikinairap.
"Problema sayo masyado mong mahal yang asawa mo sa papel..." wala sa sariling sabi niya na nakapagpatahimik sa akin.
Napansin naman kaagad niya iyon. "Ay...bastos na bunganga mo talaga Thessa, hala't maglinis ka na nga sa loob!" Sabi niya sa kanyang sarili at tsaka mabilis na pumasok sa loob ng bahay.
Tipid akong napangiti kay Thomas na para bang sinusubaybayan ang mga galaw ko. Kaagad naman niyang ginantihan ng totoong ngiti yung ibinigay ko sa kanya.
Tama ang sinabi ni Thessa, sa papel lamang kami magasawa ni Timothy. Papel na madaling matangay ng hangin, papel na walang kahirap hirap kung nais mong punitin o sunugin.
"Mommy baka po mahiwa ka" nagaalalang suway sa akin ng aking anak ng mapansin kong napatulala din pala ako at parang nawala sa aking sarili.
Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa paghihiwa ko ng gulay at ang pagsulyap kay Tammie na tahimik na naglalaro sa may gilid.
"Para na rin akong nag gym nito" nakangiting sabi ni Timothy pagkalapit niya sa amin. Nagpupunas siya ng pawis, tirik din kasi ang araw, pero hindi naman ito ganuon ka sakit sa balat. Hindi lang siguro sanay ang isang ito mabilad kaya ganyan kung tumagakgak ang pawis.
"Daddy, water" abot ni Thomas ng isang baso ng tubig sa kanyang Daddy. Kaagad namang nagpasalamat si Timothy sa akin bago muling bumaling sa akin.
"Ang bitter ng pinsan mo, palibhasa ay sawi sa pagibig" natatawang sabi ni Timothy at medyo mahina lang.
Kaagad ko siyang pinanlakihan ng mata dahil baka marinig siya ni Thessa. Batid ko pa din kasing naiilang at hindi pa komportable si Thessa pag nababanggit ang issue na iyon.
Pero nagkibit balikat lamang ito at tsaka kinuha ang isang pitsel ng tubig at walang sabi sabing tinungga iyon. Hindi naputol ang tingin namin sa kanya ni Thomas nang ginawa niya lamang isang lagukan ang isang pitsel na punong ng tubig at yelo.
"Ah...Sarap" hiyaw nito pagkatapos.
Tinaasan lamang ako nito ng kilay at tsaka ngumisi. Tumabi ito sa akin at tsaka umakbay. "Sino ba ang may ari ng buong lupa na iyan?" Tanong niya habang nakatanaw sa malawak na bukirin sa harap ng aming bahay.
BINABASA MO ANG
The Pain Of Loving You (Great Bachelor Series #4)
Romanceang inakala kong sarili kong Love Story.-Di pala ako ang bida. -Story of Timothy Josh Dela Vega and Cristina Andrea Cruz