"I insist, Hija. Para naman sa iyo yun" pagpupumilit ni Don Fernando.
"Salamat po talaga Don Fernando, pero mas gusto ko pong magtrabaho na at wag ng bumalik sa pagaaral" sagot ko.
Isang linggo na ang nakalipas simula nang nakalabas kami ng hospital. Hindi na kami nakauwi sa aming apartment at doon na pinatira sa mansyon ni Don Fernando.
Masaya ako para kay Thessa. Hindi man niya nakasama ng matagal ang ama niya, makakasama naman niya ang Lolo niya. Hindi kagaya ko na maagang iniwan ni Inay at Itay.
"Lolo Hija. Lolo na ang itawag mo sa akin para na rin kitang apo" pagtatama niya.
"Nakakahiya naman po"
Umiling ito. "Wala ka dapat ikahiya. Dapat nga ako pa ang magpasalamat sayo dahil sa sakripisyo mo para sa apo kong si Thessa"
"Wala po iyon. Pinsan ko po si Thessa kaya ko ginawa iyon tsaka siya na lang po ang natitira kong kapamilya" paliwanag ko.
Nagtaas siya ng kilay. "Pamilya mo na din kami, kaya nga Lolo na ang itawag mo sa akin" nakangiting sabi niya.
Sinuklian ko ang ngiti niya, napayuko ako ng bigla nanamang sumabat si Sir Yohan.
"Hindi siya parte ng pamilya" giit nito.
"Yohan hindi kita kinakausap" bato sa kanya ni Don Fernando.
"Lolo, hindi pa din ako payag na dito siya tumira sa bahay natin" maktol nito.
"Yohan naman, napagusapan na natin iyan. Malaki ang bahay na ito para sa ating dalawa at malaki ang utang na loob natin kay Cristina. Ginawa niya ang lahat para sa pinsan mo" paliwanag ni Don Fernando.
"Bayaran na lang. Si Thessa lang naman ang pamilya natin, bakit kasama pa siya?" inis na sabi nito.
Nagiwas ako ng tingin. Nasaktan ako nang marinig ang salitang bayaran. Bukal sa loob kong ginawa ang lahat ng sakripisyo para sa aking pinsan na walang hinihintay na kapalit. Hindi ko alam kung bakit ganon kadali sa kanya para isiping lahat ng bagay ay pwedeng bayaran.
"Nakapagdesisyon na ako. Dito titira si Cristina at ang anak niya" pinal na sabi ni Don Fernando bago kami iniwan.
Hahakbang na sana ako palayo ng kaagad akong magulat ng mabilis nitong hinaklit ang aking braso.
"Masaya ka na ba? Tandaan mo to, gagawa ako ng paraan para mawala ka dito" gigil na banta niya sa akin.
Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang mahigpit na nakahawak sa akin. Naginit ang gilid ng aking mga mata ng muling bumalik sa akin ang mga pananakit ni Timothy sa akin noon.
"W...wag po kayong magalala Sir. Sa unang sahod ko po ay maghahanap ako ng pwede naming lipatan ng anak ko" sabi ko.
Hindi na siya umimik pa at marahas na binitawan ang braso ko para umalis. Imbes na isipin pa iyon ay bumalik na ako sa kwartong ibinigay nila para sa amin.
"Grabe Andeng. Ang himbing ng tulog ko, ang lamig kasi dito iba na talaga pag naka-aircon"
Humiga ako katabi ng anak kong mahimbing na natutulog sa malambot na queen size bed. Ayaw ni Thessa na mag isa lang siya sa napakalaking kwartong iyon kaya nakiusap siya sa akin na dito na lang din kami ni Thomas.
Unti unting napawi ang ngiti niya. "Sana naranasan din ito ni Inay" malungkot na sabi niya.
"Kung nandito si Tiya Hilda, panigurado ayaw non na malungkot ka. Masaya siya ngayon para sayo"
Napanguso ito at mabilis na nagpahid ng luha. Gumapang ito sa kama at yumakap sa amin ni Thomas.
"Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka Andeng"
BINABASA MO ANG
The Pain Of Loving You (Great Bachelor Series #4)
Romanceang inakala kong sarili kong Love Story.-Di pala ako ang bida. -Story of Timothy Josh Dela Vega and Cristina Andrea Cruz