Chapter 13

205K 4.2K 2.3K
                                    


"Sumabay ka na sa akin" Yaya ni Sir Yohan kinaumagahan.

"Hindi na po, sasakay na lang ako ng jeep" pagtanggi ko.

Sumimangot ito. "Wag kang maarte, Sakay na!"

Dahil sa pagtaas ng boses niya ay mabilis akong napasakay sa passenger seat. Nakaupo na ako ng maayos ng dahan dahan itong lumapit sa akin.

"S...sir?"

Kumunot ang noo niya, papikit na sana ako ng bigla siyang mapangisi. Nagtaas siya ng kilay sa akin matapos niyang ikabit ang seatbelt ko.

Panay ang ngisi nito buong byahe. Hatalang nangaasar pa dahil sa naging reaction ko kanina. Akala ko talaga ay manghahalik nanaman ito.

"Sa akin ka ulit sasabay mamaya ha" sabi niya ng makarating na kami sa restaurant.

Nagulat ako. "Sir wag na po. Baka akalain niyo umaabuso na ako" pagmamatigas ko.

"Wala ka ng choice, gusto kong isabay ka" laban pa niya.

"Hindi niyo naman po responsibilidad na isabay ako Sir"

Hindi na siya umimik pa, pero nakita ko ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. Bababa na sana ako kung wala na siyang sasabihin pa.

"Hindi porket hindi pa ako nanliligaw ay hindi ko na pwedeng gawin iyon. Let's just say, meron lang tayong malanding ugnayan" sabi niya na ikinakunot ng noo ko. Napangisi naman siya ng lingonin niya ako.

"Ma...malanding ugnayan po?" pagtataka ko.

"Oo, kasi naghalikan na tayo diba? pero hindi pa naman tayo. Kasi hindi naman kita liligawan eh, kasi for sure ikaw ang manliligaw sa akin" pagmamayabang niya.

Magsasalita pa sana ako ng hindi na natuloy ng iharang niya ang hintuturo niya sa labi ko.

"Wala kang karapatang magreklamo. Hindi ka maganda, pasalamat ka pa nga at pumasa ka sa napakataas na standard ko" nakangising sabi pa niya at lalong lumaki ang mata ko ng nawala ang hintuturo niya sa labi ko at pumalit ang kanyang malambot na labi.

Sandali lamang iyon. "Oh ayan bayad ka na sa pagsabay ko sayo. Bukas mo na lang ako ligawan ha, busy kasi ako mamaya" nakangiting sabi niya at nauna pang lumabas sa akin.

Napailing na lang ako. Hindi ko din talaga maintindihan ang trip niya minsan.

"Cristina nagpapahatid si Sir Yohan ng coffee sa office niya" sabi ng isa sa mga katrabaho ko.

Tumango ako at dinalhan siya.

"Sir ito na po yung coffee niyo" sabi ko dito.

Halatang busy talaga siya, madaming dokumento ang nasa harapan niya ngayon. Sandali siyang sumulyap sa akin, kinilabutan pa ako ng ngumiti siya sa akin.

"Thank you" tipid na sabi niya pero ang lakas ng impact sa akin.

Tsaka ko lang narealize na halos hindi ako humihinga habang nasa loob ako kanina. Napahawak na lang ako sa aking dibdib pagkalabas ko ng office niya.

"Kalma Tine, kalma"

Pag dating ng lunch break ay tahimik akong kumakain sa may kitchen ng marinig ko ang paguusap ng mga katrabaho ko.

"Para atang bumait si sir yohan ngayon" banggit ng isa.

"Oo nga, napansin mo rin pala iyon" medyo kinikilig pang sagot nung isa.

Napahinto ako, iba ang pakiramdam ko ngayon. Simula ng hinalikan niya ako ay para bang lahat ng gagawin niya ay iba ang epekto sa akin.

"Don Fernando..."

The Pain Of Loving You (Great Bachelor Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon