Chapter 34

120K 2.4K 677
                                    


Timothy's Pov

It was almost 2 weeks. Wala pa din akong makuhang impormasyon kung nasaan si Tine. Ginawa ko na ang lahat para mahanap siya pero ni isa ay walang makapagturo sa akin.

"Dadada...dada..." umiiyak na habol sa akin ni Thomas.

Lumapit ako sa kanya para halikan siya sa noo. Basa ito ng pawis at namumula sa kakaiyak.

"Baby, sandali lang si Daddy...hahanapin ko lang si Mommy" naiiyak na paalam ko sa kanya.

Ni halos hindi na kami umuuwi ni Thomas sa sarili naming bahay. Naaawa na nga din ako sa anak ko dahil kung saan saan ko siya iniiwan. Minsan kina Samantha at Luke. Ok naman daw sa kanila na duon na lang muna ang anak ko pero syempre nahihiya din naman ako kaya minsan kina Grace at Kervy o kaya naman ay kay Zyrene at Matteo.

"Dada!...Dada" umiiyak na tawag nito sa akin at naglalahad ng kamay para magpabuhat.

Malambing siyang inalo ni Zyrene.

"Timothy pahinga ka naman, kaya mo pa bang bumyahe patungong koronadal?" Nagaalalang tanong ni Matteo.

Tumango ako sa kanya. Pagod na ako pero kaya ko pa, hindi ako titigil hangga't hindi ko nakikita ang asawa ko.

"Pasencya na kayo, sa inyo muna si Thomas" nahihiyang sabi ko.

"Ano ka ba Timothy wala yon" si Zyrene.

Tinanguan ako ni Matteo. "Kamusta na nga pala, nakumpirma niyo na ba yung sinabi nila Luke?" Tanong nito.

"Oo, sa tingin ko ay sina Thessa nga iyon. Pumunta sila kina Samantha para kuhanin si Thomas, buti na lamang at kasama ko ang anak ko, pumunta kami sa hospital pero wala na kaming naabutan. Kahit papaano ay maswerte pa din ako dahil nasa akin ang anak namin" kwento ko dito.

Tinapik ako nito sa balikat. "Wag kang magalala Timothy, hindi rin naman tumitigil ang mga tauhan namin sa paghahanap kay Tine, makikita mo din siya..."

Dumiretso ako ng airport patungong Koronadal south cotabato. Hindi rin naman gaanong matagal ang naging byahe. Kahit kasi busy ako sa paghahanap kay Tine ay kailangan ko pa ding asikasuhin ang negosyo namin. Kailangan ko ding tumungo doon para sa pagpapatayo ng ilan pang mga bars.

"Good afternoon, Sir. Enjoy your stay" pagbati sa akin ng receptionist.

Kinuha ko ang card para sa pintuan. Bukas pa ang schedule meetings ko kasama ang napili kong team para sa pagpapatayo ng mga bagong bars.

"Long time no see bro! Grabe na miss kita!" Natatawang bati sa akin ni Ephraim.

Nginisian ko lang siya. Childhood friend ko siya. Isa kasi siya sa mga Architect na kinuha ko.

"Narinig ko yung nangyari sa asawa mo. I'm so sorry to hear that"

"No, its ok. Mahahanap ko din naman siya" paninigurado ko pa.

Bahagya lang itong tumango.

"Eh ikaw kamusta ka na, may asawa ka na din ba?" Tanong ko.

Napailing ito. "No, aalukin ko pa lang ng kasal ang girlfriend ko" sagot niya.

Buong gabi lang din ako sa suite dahil sa mga trabahong kailan ko pang tapusin. Nami-miss ko na din ang anak ko, hindi ko man lang siya makasama ng matagal dahil sa sobrang busy ko.

"Is this final?" Tanong ni Ephraim.

We're having a lunch meeting. Nasabi ko na din sa kanila ang mga desenyong gusto ko. Sila na ang bahala sa iba pa. Wala na din naman akong iba pang gagawin kaya naman napagpasyahan kong munang uminom at pagpahinga kahit sandali.

The Pain Of Loving You (Great Bachelor Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon