Chapter 8

195K 4K 260
                                    


Nalungkot ako para kay Timothy. Pinili niya si Agnes dahil mahal niya ito. Ipinaglaban niya lang kung saan siya masaya. Kahit pa ang kapalit noon ay kami ng anak ko. Pero iniwan ulit siya ni Agnes. Kung kailan buo na din ang desisiyon kong magpakalayo layo at wag ng magpakita sa kanya.

"Thessa..." nanlulumong tawag ko.

Nagulat pa siya ng makita ako. Pagkayakap niya sa akin ay pareho na kaming napahagulgol.

"Andeng, Wala na si Inay..." umiiyak na sumbong niya. Mahigpit ko siyang niyakap para patahanin.

Kahit ako ay nalulungkot sa pagkawala ni Tiya. Ramdam ko ang sakit na dinadama ng aking pinsan ngayon. Hindi ko tuloy lubos maisip kung paano nakayanan ni Thessa ang lahat ng iyon ng magisa.

"Kumain na tayo, Thessa" tawag ko sa kanya.

Tipid itong ngumiti sa akin at sumunod sa may hapag.

"Papasok ka na ba bukas? Kailan ang susunod mong pagbayad ng matrikula? Sisimulan ko ng mag hanap ng bagong trabaho" sabi ko.

"Hindi na ako papasok, Andeng. Ayoko na" tamad niyang sabi.

"Pero Thessa. Ikaw na lang ang inaasahan naming makakapagtapos. Hindi man kami nakapagtapos, gusto namin kahit ikaw man lang. Wag mong alalahanin ang gatos hahanap naman ako agad ng trabaho" paniniguro ko sa kanya.

Marahan siyang umiling. "Wag na Andeng, Tsaka tingnan mo, may anak ka na. Ako na lang ang magtratrabaho, kailangan ka ng anak mo"

"Pero Thessa..."

"Andeng, Ako naman ang magtratrabaho para sa atin. Sobra na ang sinakripisyo mo para sa akin. Wala na si Inay, ang isa't isa na lang ang meron tayo tsaka si Baby Thomas, Dapat tulungan na" paliwanag niya.

"Thessa, Ako na ang magtratrabaho. Kung yan ang gusto mo, ikaw na lang ang maiwan kay Thomas. Kung ayos lang sayo" suwestyon ko.

Kaagad sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "Oo naman. Pero Andeng, salamat talaga sa lahat. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka" emosyonal na sabi niya bago niya ako niyakap.

Kagaya ng nagpagdesisyonan namin dalawa. Naghanap kaagad ako ng trabaho kinabukasan. Malambing kong hinalikan sa pisngi ang aking anak. Karga siya ni Thessa ng ihatid nila ako palabas.

"Aalis na ako Thessa, ikaw na muna ang bahala ha..." paalam ko.

Magkikita kami ni Helga sa may Monumento dahil sabay kaming maghahanap ng bagong trabaho, umalis na din siya sa may fastfood na pinagtratrabahuhan namin noon.

"Grabe, parang hindi ka nanganak ah!" puna niya sa akin. Tinawanan ko na lang siya.

"Kamusta na si Baby Thomas? Ano ba yan! Akala ko ba kakalimutan mo na yung walanghiya mong asawa eh bakit ganon ang pangalan na anak mo?" naiiritang tanong niya.

"Bakit? Cute naman ah. Thomas, napakabait diba? pangalan pa lang" pagbibida ko.

"Bakit? Mabait din naman pakinggan ang Timothy ah! Mabait ba!?" mataray na laban niya.

"Pwede ba Helga. Tigilan mo na nga siya, iba ang anak ko" laban ko.

Ilang fastfood at restaurant na ang pinuntahan namin pero walang bakante.

"Kain na muna tayo! nagugutom na ako" reklamo niya.

Kung ano ano na ang nasabi ko sa kanya para lang palakasin ang loob niya. Si Thomas at si Thessa ang nagpapalakas ng loob ko ngayon.

"Pasencya na. Isa na lang kasi ang kailangan namin ngayon" sabi sa amin nung guard ng restaurant na napuntahan namin.

"Idalawa niyo na" pamimilit ni Helga.

The Pain Of Loving You (Great Bachelor Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon