Napatakip ako sa aking bibig ng may inilabas siyang maliit na kahapon. Napasinghap ako kasabay ng binuksan niya iyon at nakita ko ang isang diamond ring.
"Alam kong masyadong mabilis Tine. But please, give me a chance. I want to marry you again, Cristina" ramdam ko ang sinderidad doon.
Napatingin ako sa paligid. Ang lahat ay nakangiting nanunuod sa amin, naghihintay din ng aking sagot.
"Will you marry me, Tine?" tanong niya ulit.
Mariin akong napapikit at umiling. Nang muli akong dumilat para tingnan si Timothy ay nakita kong nakaawang ang bibig nito, ang kanyang mga mata ay namumula na din.
"Sorry. Sorry, Timothy" paulit ulit na sabi ko sa kanya.
Narinig ko ang pagsinghap ng ibang mga bisita. Bumigat ang aking dibdib, nasaktan din ako sa naging desisyon ko, pero hindi pa ako handa. Masyadong mabilis, hindi ko pa kaya.
"Bakit Tine?" wala sa sariling tanong niya habang unti unting tumulo ang luha mula sa kanyang mata.
"Sorry" paguulit ko.
Nagkabulungan ang iba, nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ng mga kaibigan ni Timothy. Nang hindi ko na kinaya ay tumakbo na ako papasok sa bahay at nagkulong sa kwarto.
Bumuhos ang luha sa aking mga mata. Mahal ko pa si Timothy pero hindi ko pa kaya. Masyado pang maagawa, natatakot na ulit akong masaktan. Hindi ko alam kung may mukha pa akong ihaharap sa kanya. Nasayang ang lahat ng effort niya.
Nakarinig ako ng katok mula kay Thessa. Maging ang boses nina Samantha ay narinig ko sa labas. Pero hindi ko binuksan iyon. Ayoko pa ng kausap.
Nakatulog ako sa gitna ng aking pagiyak. Ni hindi pa nga ako nakapagpalit ng damit. Nagising ako dahil sa maliliit na kamay na naglalaro sa aking mukha. Nang dumilat ay ang mukha ni Thomas ang sumalubong sa akin. Tinawag ko siya at mahigpit na niyakap habang humahalik ito sa aking pisngi.
Napaayos ako ng upo ng pumasok si Thessa sa aming kwarto. "Hindi ka nakapagpalit ng damit" puna niya. Kita ko pa din ang lungkot sa kanyang mukha dahil sa nangyari kagabi. Batid kong suportado niya si Timothy ngayon, samantalang nung una ay ayaw niyang sumama ako dito.
"Si Timothy?" Nahihiyang tanong ko.
"Nasa kabilang kwarto, hindi pa din lumalabas. Ang daming ininom kagabi" kwento niya.
Lalo akong nakunsensya. Mahal ko pa din si Timothy, takot lang talaga akong sumugal ulit. At mayroon talagang bagay na pumipigil sa akin.
"Ano ba talagang nangyari Andeng?" Tanong ni Thessa.
Hindi ako sumagot. Ayoko munang sumagot sa kahit anong tanong, hindi ko pa din kayang magpaliwanag. Masyado pang mabigat ang dibdib ko.
"Kailangan niyong magusap" sabi pa niya na tipid kong tinanguan.
Sandali akong nagayos ng aking sarili. Tahimik akong pumasok sa kwarto kung nasaan si Timothy. Natutulog pa ito hanggang ngayon. Hindi maayos ang pagkakadapa niya sa kama. Maging ang suot niyang long sleeve ay bukas na pero hindi niya nahubad.
Matapos kong pulutin ang ilang bote ng alak ay umupo ako sa kanyang tabi. Marahan kong hinaplos ang kanyang buhok. Kita ko sa mukha niya ang sakit na nararamdaman at ang tanda na magdamag din siyang umiyak.
"Timothy, I'm sorry" marahang sabi ko.
Dahan dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata. Inaasahan kong magagalit siya sa akin pero nagulat ako ng niyakap niya ako at umiyak.
"Ok lang kahit tinanggihan mo yung propasal ko, Tine. Basta wag niyo lang ako iwan. Please Tine, wag niyo lang akong iwan." Pagmamakaawa niya.
(Maria_CarCat)
BINABASA MO ANG
The Pain Of Loving You (Great Bachelor Series #4)
Romanceang inakala kong sarili kong Love Story.-Di pala ako ang bida. -Story of Timothy Josh Dela Vega and Cristina Andrea Cruz