Chapter 41

122K 2.7K 395
                                    


Nakatingin ako kina Thomas at Tammie na naglalaro sa rubber mat. Naglalaro na ang mga ito at the same time nakasalang pa yung cartoons sa dvd. Hindi ko alam kung bakit napapangiti ako habang pinapanuod ko silang dalawa.

"Tama na baby Tammie...busog na si Kuya" natatawang saway ni Thomas. Walang ginawa si Tammie kundi bigyan siya ng cookies at kung ano anong tinapay na binake ko.

Natutuwa ako kay Thomas dahil mukhang seryoso talaga ang batang ito na panindigan ang pagiging Kuya niya sa anak ako. Ngayon ko lang naramdaman yung saya na ganito. Nararamdaman ko to pagnakikita ko yung anak ko pero parang mas doble ngayon. Siguro dahil masaya siya ngayon dahil sa may kalaro siya.

"Mommy...pwede po bang papuntahin din natin si Daddy dito?" Tanong ni Thomas ng nilapitan niya ako.

"Ha eh..." hindi ako kaagad nakasagot. Hindi ko din naman kasi alam ang dapat kong isagot sa kanya.

"Sige na po Mommy. Sigurado akong miss na miss ka na din ni Daddy. Tapos mas magiging masaya pa siya dahil may little sister na ako" pagbibida ni Thomas.

Kinarga ko siya at pinaupo sa lap ko. "Sorry baby Thomas, Hindi ko kasi kilala ang Daddy mo..." paumanhin ko sa kanya.

"Isusulat ko po yung name niya Mommy..." sabi nito at kaagad na bumaba sa akin para kuhanin yung ballpen at papel sa side table.

"Ganito yung pangalan ni Daddy, tinuro niya kasi ito sa akin eh..." pagbibida niya habang nagsusulat siya.

Napatingin ako kay Thomas ng matagal. Para kasing may kahawig siya na kilala ko. Pero hindi ko lang mapangalanan. May nararamdaman akong awa para sa kanya. Kailan pa kaya nung huli niyang makita ang Mommy niya? Ganuon ba kami magkamukuha para akalain niyang ako iyon?.

"Ang Daddy mo lang ba ang magisang nagpalaki sayo?" Malambing na tanong ko habang sinusuklay suklay yung malambot niyang buhok.

"Opo...si Daddy ang palagi kong kasama, sabi kasi niya nasa trabaho kayo Mommy. Sabi ko nga sa kanya pauwiin ka na dahil rich naman tayo eh" kwento nito habang nagsusulat pa din.

"Mabait ba yung Daddy mo?" Tanong ko pa.

"Opo. Siya ang pinaka-best na Daddy sa buong universe!" Masiglang sambit niya.

"Kamukha mo ba siya?"

"Opo, nakalimutan mo na po ba ang mukha ni Daddy, Mommy?" Nakakunot noong tanong nito.

Napatawa ako at kaagad kong inayos ang nakalukot niyang noo. "Paano pag nalaman mong hindi ako ang Mommy mo? Paano kung kamukha ko lang siya?" Tanong ko sa kanya.

"Sigurado po akong ikaw ang Mommy ko. Sayang, hindi ko nadala yung picture mo Mommy" nanghihinayang na sambit pa nito.

"Ano bang pangalan ng Mommy mo?" Tanong ko pa.

"Ano po bang pangalan niyo?" Balik na tanong niya sa akin.

"Cristina..." nakangiting sagot ko.

"Edi, Cristina po ang pangalan ng Mommy ko" natatawang sagot niya at alam niyang ang kalokohan niya.

Nakatulog silang dalawa nung bandang hapon. Dahil siguro sa pagod nila sa paglalaro. Bumaba ako sa may sala at duon ko nakita sina Thessa at Yohan.

"Saan mo siya nakuha?" tanong ni Yohan sa akin.

"Nakita ko siya nung bumili ako ng pasalubong para kay Tammie. At siya din kasi yung nakita namin sa mall nuong isang araw...diba Thessa?" Baling ko sa tahimik lamang na si Thessa.

"Bakit? May problema ba? May naghahanap na ba sa kanya?" Tuloy tuloy na tanong ko.

Iniisip ko din naman kasi yung pwedeng maramdaman ng Daddy ni Thomas lalo na't mukhang tatlong araw na itong hindi nakakauwi sa kanila. Kung sakali mang malaman ko kung sino ang Daddy ni Thomas ay kaagad ko siyang ibabalik. Mahirap malayo sa anak, isipin ko pa nga lang na mangyari iyon kay Tammie ay hindi ko na alam ang aking gagawin.

The Pain Of Loving You (Great Bachelor Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon