"Bakit ba kailangan mo pang malaman?" Tanong ko kay Timothy habang nakahiga na kaming dalawa.
Niyaya ko na siyang matulog dahil madaling araw na. Inilipat ko na din muna si Thomas sa crib dahil amoy alak si Timothy.
"Gusto ko lang malaman kung ano yung mga nangyari sa inyo nung iniwan ko kayo" sagot niya.
"Hindi mo naman na kailangang malaman yon. Tapos na, mas mabuti kung wag na lang nating balikan" giit ko.
"Hindi ako matahimik, alam kong malaki ang kasalan ko sa inyo, lalo na sayo" nanlulumong sabi niya habang pinaglalaruan ang mga daliri ko.
"Timothy, wag na nating balikan iyon. Wag mo ng ipaalala sa akin lahat ng ginawa mo noon at naiinis lang ako" sabi ko na may kasamang pangaasar.
Pagod siyang ngunit. Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi. "I'm so sorry Tine. Alam kong hindi sapat, pero pangako ko babawi ako" paninigurado niya.
Nagiwas ako ng tingin. "Alam mo, dati ayoko na talagang maniwala diyan sa salitang babawi ako, kasi ilang beses na akong umasa diyan. Katulad na lamang nung ginawa ni Inay sa amin ni Tatay." kwento ko.
Uminit ang gilid ng aking mga mata."Wag na nga nating isipin yon. Basta ang mahalaga ngayon, ginagawa ko lahat ng ito para kay Thomas." dugtong ko pa.
Gumalaw siya, naramdaman ko ang braso niyang yumakap sa aking bewang. "Wag lang para sa anak natin, Tine. Gawin mo ito para sa kanya at sayo."
Nakiliti ako sa hininga niyang tumatama sa aking pisngi. "Sa tingin ko ay inaantok ka na, matulog ka na Timothy" sabi ko sa kanya.
Umiling ito kaya naman kumunot ang noo ko. Lalo ding humigpit ang yakap niya sa bewang ko.
"Ayoko, baka mamaya nagkukunwari ka lang na bati na tayo, tapos pag tulog na ako ay iiwan niyo na ako ni Thomas" dahilan niya na ikinatawa ko.
"Grabe naman yang imagination mo!" Natatawang sabi ko sa kanya at bahagya pa siyang tinapik sa braso.
Pero hindi ko inaasahan ang pagiyak nito, hindi ko tuloy alam kung ano bang nangyayari sa lalaking ito.
"Natatakot ako na iwan niyo ako. Baka maisipan mong gantihan ako at sumama ka kay Yohan" sabi niya habang umiiyak.
Mayroong bar si Timothy, hindi ito malalasing ng ilang can ng beer lang. Sa tingin ko ay naghalo halo na ang nararamdaman niya. Matapang niyang nailabas lahat ng problema niya.
Marahan kong itinaas ang kamay ko para pahiraran ang luha sa pisngi niya. "Kung gusto nga talaga kitang iwanan, wala sana ako ngayon dito. Hindi sana ako papayag na sumubok tayo ulit. Gaya ng sabi mo, hindi na lang para sa ating dalawa ito. Kasama na si Thomas sa mga desisyon natin" pagpapaintindi ko sa kanya.
Narinig ko pa ang ilang beses niyang paghingi ng sorry hanggang sa tuluyan na siyang kinain ng antok.
Sa pagkakaalam ko iniwan niya kami noon para kay Agnes. Wala naman akong maisip na ibang pangdahilan o mas malalim pang dahilan bukod doon.
Masaya ang gising ko kinaumagahan. Mas lalo akong natawa ng magsimula nanamang magingay si Thomas. Para bang kinakausap niya kami kahit hindi naman namin iyon maintindihan. Ang kanyang mga laruan ay basa na din dahil sa kanyang sariling laway.
"Nililinis mo nanaman yang toys mo" pagkausap ko sa kanya na sinagot niya ng hagikhik.
Sandali ko siyang iniwan para tingnan ang niluluto ko. Alas otso na ng umaga at tulog pa din si Timothy. Nailabas ko na nga kanina ang mga labahin dahil maglalaba ako pagkatapos ng almusal. Hindi naman umiiyak si Thomas para magpabuhat. Umiiyak lang ito pag gutom na o puno na yung diapers niya.
BINABASA MO ANG
The Pain Of Loving You (Great Bachelor Series #4)
Romanceang inakala kong sarili kong Love Story.-Di pala ako ang bida. -Story of Timothy Josh Dela Vega and Cristina Andrea Cruz