After 5 years
Nakatanaw ako sa mga batang lumalabas sa gate ng paaralan. Hawak sila ng kani-kanilang bantay. Napaayos ako ng tayo ng makita ko na ang aking hinihintay.
"Daddy!" Tawag nito at tumakbo patungo sa akin. Naglahad ako ng kamay para salubungin siya.
"How's school?" Malambing na tanong ko dito.
"It's fine, Dad. And look..." taas niya sa kamay niyang may tatak na star.
"Wow! ang galing talaga ng baby ko, anong gusto mong reward?" Tanong ko.
Mabilis itong pumalakpak. "Fries!" sigaw niya.
Dinala ko siya sa pinakamalapit na fastfood para bilhan ng fries. Iniwan ko siya sa isa sa mga table at ako na ang pumunta sa counter para umorder. Pagkatapos umorder ay bumalik na din ako kaagad pero kumunot ang aking noo ng makitang halos mabali na ang leeg ng anak ko sa kakalingon.
"Thomas, sinong hinahanap mo?" Tanong ko.
Ngumuso ito at tumingin sa hawak niyang litratro, para akong nanghina dahil sa paulit ulit na senaryong ganito.
"May nakita akong kamukha ni Mommy" malungkot na saad niya.
Umupo ako sa kanyang tabi. Simula ng magkaisip ang anak namin ay hindi ko ipinagkait sa kanya na makita si Tine, kahit sa litrato lang. Halos limang taon na din at hindi man dapat ay halos mawalan na kami ng pagasa na mahanap pa namin siya. Kung gagamit ng kapangyarihan nila Don Fernando ay sigurong kayang kaya nilang harangin lahat ng nais kong makuhang impormasyon.
"Daddy...kailan po ba uuwi si Mommy? Palagi niyo naman pong sinasabing uuwi siya pero hindi naman"
"Thomas, nagusap na tayo tungkol diyan diba?"
"Family day na namin next week, aasarin nanaman ako ng mga classmate ko dahil wala akong kasamang Mommy" mangiyak ngiyak na dugtong niya.
Bumigat ang aking dibdib. Inaamin kong kasalanan ko, naging tanga ako, gago at mahina. Ni hindi ko man lang napanindigan lahat ng responsibilidad ko bilang isang lalaki, ama at asawa para kay Tine.
"Malapit ng dumating si Mommy" labas sa ilong na sabi ko dahil ito nanaman ako magsisinungaling sa anak ko habang ako din ay umaasa na sana nga makita na namin ulit siya.
"Nanaman..." pagsagot niya na may kasama pang paghalukipkip.
Natawa na lamang ako sa naging reaksyon nito at ginulo ang buhok niya. "Wala ka na sa mood, edi ayaw mo na nitong fries mo?" Pangaasar ko pa.
Mabilis niyang kinuha ang fries. "Sa bahay ko na lang po ito kakainin Daddy, ayoko na po dito" yaya niya sa akin samantalang hindi pa din ako tinitingnan na wari mo'y galit siya sa akin.
Hindi ako nito pinapansin sa buong byahe. Sunod sunod naman ang subo niya sa fries na hawak.
"Daddy, music please..." request nito.
Binuksan ko ang aking cellphone na naka connect sa speaker. Nakashuffle ang mga kanta kaya naman ililipat ko na lang sana sa iba pero pinigilan ako nito.
"Wag ng palipat lipat Daddy..." suway niya sa akin.
Naiinis kasi ito minsan pag hindi ako nakakatapos ng kanta dahil sa paglipat ko nito. Humahanap lang naman ako ng kanta na pwede sa kanya,yung bang appropriate para sa edad niya sana.
Hinayaan kong magplay ang kantang Superman na sinasabayan ni Thomas kahit hindi niya kabisado ang lyrics.
Napatingin ako sa labas ng bintana at napangiti, naalala ko tuloy si Kervy ng kinanta niya ito kay Grace para lang mapatawad siya. Napaisip tuloy ako, kung dumating kaya yung oras na magkikita kami ulit ni Tine, ano kayang kanta ang pwede ko ding kantahin para sa kanya?
BINABASA MO ANG
The Pain Of Loving You (Great Bachelor Series #4)
Romanceang inakala kong sarili kong Love Story.-Di pala ako ang bida. -Story of Timothy Josh Dela Vega and Cristina Andrea Cruz