Chapter 30

148K 3K 278
                                    


"Ok na ba lahat, wala na tayong nakalimutan?" Tanong ni Timothy habang chinicheck yung mga gamit na dadalhin namin patungo sa beach resort kung saan kami magbabakasyon.

"Ok na lahat" sagot ko sa kanya.

Isinara niya ang likod ng sasakyan kaya naman pinunasan ko muna ang pawisang si Thomas. Hawak nito ang laruang naliligo nanaman sa kanyang laway.

"Safety first..." nakangiting sabi niya habang kinakabitan kami ng seatbelt.

Tahimik lamang ako habang nasa byahe, paminsan minsan ay niloloko ko si Thomas sa pagkuha ng laruan sa kanyang kamay. Naaliw naman kami ni Timothy dahil hindi namin malaman kung maiiyak ba ito o matatawa.

"Hanggang kailan ba tayo duon, kailan tayo uuwi?" tanong ko.

Napabaling ito sa akin dala na rin ng traffic, kinuha niya ang aking kamay at mahigpit itong hinawakan.

"Hind pa nga tayo nakakarating, paguwi na kaagad ang iniisip mo" pagbibiro niya dahilan para mapakagat labi ako. Oo nga naman.

Humingi ako ng paumanhin kaya nginitian niya lamang ako. Nakatulog na si Thomas sa byahe, pinagmasdan ko ang mukha nito nakumpirmang kamukha niya talaga si timothy.

"Ang daya naman, kamukha mo si Thomas. Wala naman ata siyang nakuha sa akin" pagtatampo ko.

Natawa siya. "Malakas lang talaga ang dugo ko" pagmamayabang niya na ikinanguso ko.

Nakita kong bahagya siyang napasulyap sa akin. "Oh wag ka ng malungkot diyan, malay mo naman yung next baby natin kamukha mo na" sabi niya na ikinabato ko.

Naramdaman ko ang pagpula ng aking pisngi. Kaya naman napayuko ako.

Sa kalagitnaan ng byahe ay dumaan kami ng drive thru para sa aming pagkain. Mas pinili namin ni Timothy na sa jollibee at bumili ng burger at fries. Sinadya naming damihan ang fries dahil kahit kasi si Thomas ay kumakain.

"Kung gusto mong umidlip, ok lang" sabi niya.

Ayoko naman naiwan siyang magisa, nakakapagod magdrive ng mahaba tapos wala ka pang kausap. Kaya naman nilabanan ko ang antok hanggang sa nakarating kami sa resort. Lagi daw nilang binibisita ang resort na ito lalo na pag may family gathering nila.

Medyo malayo ang mga resthouse sa main house ng buong resort. Malayo din ang pinagparkan ng sasakyan namin kaya naman dala ni Timothy ang lahat ng gamit. Ang hindi niya kinaya ay babalikan na lang daw niya.

"Tara na, Tine" pag agaw ni Timothy ng atensyon ko. Tsaka ko napansin ang kabuuan ng rest house. Sa labas pa lang ay makikita mo ng malamig at presko sa loob. Magaan siya sa pakiramdam.

Nakatanaw ako sa dagat habang dinadama ang malakas na pagihip ng hangin sa may veranda. Tulog na si Thomas at nasa banyo naman si Timothy. Mas lalong napahigpit ang yakap ko sa aking sarili ng muli kong naramdaman ang malimig at malakas na hangin na tumama sa aking balat.

Hanggang ngayon ay nangungulila pa din ako kay Nanay. Huli kaming nagkita bago ako mag birthday. Ang sabi niya uuwi siya pero hindi iyon nangyari. Kahit nung mamatay si Tatay ay hindi na din siya nagpakita.

Napabalikwas ako ng may mainit na katawan ang yumakap sa mula sa likuran.

"Nakakalunod. Ang lalim ng iniisip mo" bulong ni Timothy. Halos makiliti ako dahil sa kanyang hininga.

"Pinapagalitan ko kasi si Nanay sa isip ko. Madaya siya, alam kong mali pero galit ako sa kanya, nangiwan siya" sumbong ko at hindi ko na napigilang pumiyok.

"Baka may dahilan ang Nanay mo, Tine" mahinang sabi ni Timothy.

Mabilis ako napailing. "Sabi niya, uuwi siya para sa birthday ko. hinintay ko siya buong araw kasi kala ko tutupad siya sa pangako niya. Tapos nung araw ding iyon namatay si Tatay, tumawag siya para sabihing uuwi siya dahil sa nangyari ni hindi nga niya nalalang batiin ako..." pagtatampong kwento ko pa.

The Pain Of Loving You (Great Bachelor Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon