Tine's Pov
"Napagod siguro si Baby Tammie sa byahe" medyo paos na sabi ni Thessa.
"Magpahinga ka na din Thessa, ako na bahala sa mga gamit natin" sabi ko dito.
"Hayaan mo na ang mga kasambahay diyan, Andeng. Siguradong pagod ka din, mas mabuti siguro kung magpahinga ka na" suwestyon ni Thessa habang parang zombie na naglalakad patungong kama kung saan natutulog din ang anak ko. Mabilis itong tumabi kay Tammie tsaka ito niyakap.
Pagod ako pero ayokong matulog. Kaya naman ako na ang nagbukas ng mga maleta namin para din pagnagising si Tammie mamaya ay may maisuot siyang mas komportableng damit.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbubukas ng mga maleta ng may kumatok sa may pintuan kaya naman kaagad akong tumayo para pagbuksan iyon.
"Lolo...akala ko po ay nagpapahinga na din kayo, may kailangan po ba kayo?" Tanong ko dito.
"Wala akong kailangan Apo, pumunta lang ako dito para icheck kung ayos na kayo." Nakangiting sagot niya.
Mas lalo kong binuksan ang pinto para sana papasukin siya pero nanatili ito duon sa may pinto lamang. "Natutulog po sina Thessa at Tammie mukhang pagod na pagod talaga sa byahe yung dalawa" nakangiting kwento ko sa kanya.
"Mukha nga, ikaw Hija...hindi ka ba magpapahinga?" Tanong niya sa akin.
Umiling ako. "Medyo pagod po pero hindi rin naman po ako makakatulog" sagot ko dito.
"Ganuon ba. Oh edi sige aalis na muna ako kailangan ko lang puntahan yung isang hotel natin sa Alabang" paalam niya na kaagad ko namang ikinabahala.
"Pero Lolo, dapat nga po ay kayo ang magpahinga" suwestyon ko dito.
"Ayos lang ako Apo, kayang kaya ko pa ito" pagbibida niya.
"Samahan ko na lang po kayo, Lolo..." sabi ko. Ayoko naman kasi na umalis ito ng magisa at driver lang ang kasama dahil kung minsan ay pinapaiwan niya lamang ito sa parking lot.
"Sigurado ka ba diyan?" Tanong niya na kaagad kong tinanguan.
"Opo Lolo, aayusin ko lang po sandali yung pagkakahiga ni Tammie" paalam ko sandali para siguraduhing hindi malalaglag ang anak ko.
Pagkatapos nuon ay umalis din kami kasama ang isang driver. Marami ding kinikwento si Lolo sa akin tungkol sa mga dinadaanan namin. Nabanggit din niyang kay Thessa pala mapupunta ang hotel na pupuntahan namin ngayon. Ngayon ko lang talaga napatunayan na parang tatlong beses o higit pa na parang nanalo ang pinsan ko sa lotto, pamana pa lang iyon sa kanya. Ang ibang pinsan daw kasi nito ay stable na, kaya naman sila na lang dalawa ni Yohan ang inaasikaso ni Lolo.
"Sa tabi nung hotel na pupuntahan natin ay may bagong tayo na restaurant, pinagawa ko talaga iyon para sa inyo ni Tammarie..." sabi niya.
"Naku po Lolo, hindi niyo na po dapat iyon ginawa. Sobra sobra na po ang natulong niyo sa akin at kay Tammie,. Sobra na po iyon, gayong si Thessa lang naman po ang kadugo niyo" nahihiyang sabi ko.
"Cristina...Apo" tawag niya sa akin kaya naman napatingin ako sa kanya at agad na sumalubong sa akin ang matamis niyang ngiti.
"Lahat ng ginagawa ko para sa inyo ay ikinasasaya ko, kaya sana naman ay wag mo ng tanggihan yung mga iyon..." pakiusap niya kaya naman tumango ako.
"Maraming salamat po, Lolo" pasasalamat ko at tsaka yumakap sa kanya.
Sa basement na kami ibinaba ng driver kung saan nanduon ang parking lot. Naglakad kami patungong elevator na kaagad din naman naming sinakyan patungo sa opisina nito. Maganda ang buong hotel. Nakasakay kami sa glass elevator, kaya naman kitang kita namin ang kabuuan nito.
BINABASA MO ANG
The Pain Of Loving You (Great Bachelor Series #4)
Romanceang inakala kong sarili kong Love Story.-Di pala ako ang bida. -Story of Timothy Josh Dela Vega and Cristina Andrea Cruz