Tine's Pov
"Anong problema Apo?" tanong ni Lolo habang nakaupo ako sa may kitchen counter. Malalim na ang gabi kaya naman nagulat ako dahil gising pa ito
"Lolo bakit gising pa po kayo?" Nagaalalang tanong ko dito at tsaka ko siyang iginaya para makaupo din.
"Ikaw Hija...bakit gising ka pa?" Balik na tanong niya sa akin.
Tipid akong ngumiti. "May iniisip lang po"
Nakita ko ang bahagyang pagtango ni Lolo. "Si Thomas ba Hija? Akala ko ba ay gusto mong maibalik na siya sa totoo niyang pamilya" tanong niya.
"Opo...masaya po ako dahil nakabalik na siya sa totoo niyang magulang..."
Naibalik namin si Thomas sa totoo niyang magulang sa tulong ni Matteo. Gusto ko din sanang ma-meet ang Daddy ni Thomas pero hindi na ako nagkaroon pa ng magkakataon. Si Matteo na ang gumawa ng lahat. Sinundo niya sa bahay si Thomas at tsaka ibinalik sa totoong pamilya nito.
Ayaw pa nga nitong sumama nung una at iyak pa ng iyak. Natigil at pumayag lamang siya ng sinabi kong dadalawin ko siya at pwede din siyang dumalaw dito sa amin pag nagkataon.
"Hindi lang siguro si Thomas ang iniisip mo ano?" Tanong niya na may halong pangaasar.
Agad akong napatingin kay Lolo tsaka kumunot ang noo ko. Hindi ko kasi maintindihan ang ibig niyang sabihin.
"Kamusta na nga pala yung nagyaya sayo ng dinner date" muling pangaasar pa nito na ikinalaki ng aking mata.
"Lolo naman eh..." daing ko.
Lalong lumaki ang ngisi nito. "Siya marahil ang iniisip mo ano?"
Mabilis akong umiling. "Hindi po lolo..." pagtanggi ko.
"Gusto mo siya..." pahayag niya.
Matagal akong napatitig sa kanya. Gusto ko nga ba si Tj? Hindi ko alam...
Napansin ko kasing medyo parang nanlamig ito sa akin, hindi ko maexplain yung feeling. Pero kasi simula ata nung nabanggit kong may anak na ako ay nagbago na ang pakikitungo nito sa akin at medyo parang ilag siya sa akin na hindi niya ako matingnan sa mata. Nagmamadali pa nga itong umalis nun pagkatapos naming kumain, na para bang balisa siya at wala sa sarili. Malalim ang iniisip.
"Hindi ko po alam Lolo..." halos pabulong na lamang iyon.
"Gusto mo na nga siya" seryosong sabi pa nito.
"Pero Lolo sandali pa lang kami nagkakilala" laban ko.
"Apo Cristina, wala namang kaso iyon kung matagal na kayong magkakilala o hinde eh. Ang mahalaga eh yung nararamdaman mo ngayon" pagpapaliwanag niya.
Sinabi ko na lamang na inaantok na ako ng medyo natagal na ang paguusap namin ni Lolo. Hindi rin naman kasi siya pwedeng magpuyat at yun na lamang kasi ang naisip kong palusot. Nakatitig lamang ako sa kisame at kung minsan ay kay Tammie na din. Hindi ko masisisi si Tj kung lalayuan niya ako dahil sa nalaman niyang may anak ako at mas grabe pa dahil ni hindi ko man lang kilala ang ama nito.
Pwedeng pwede nga niya akong akusahang kaladkarin, isipin mo ba naman, dahil lang sa epekto ng alak ay sumama ako sa hindi ko kakilalang lalaki. Pero sa lahat ng pagkakamali kong iyon si Tammie lang ang nagiisang tama. Mahal ko ang anak ko kaya naman kahit anong isipin ng iba sa akin ay hindi ko na lang sigurong dapat pansinin.
"Why don't you try to seek new sport" suwestyon ni Yohan sa kanyang pinsan na wala ng ginawa kundi ang magmukmok sa kwarto niya.
Hindi ko alam kung may sikreto ba tong boyfriend si Thessa o may love life na ewan. Matamlay kasi ito at palagi na lamang wala sa mood.
BINABASA MO ANG
The Pain Of Loving You (Great Bachelor Series #4)
Romanceang inakala kong sarili kong Love Story.-Di pala ako ang bida. -Story of Timothy Josh Dela Vega and Cristina Andrea Cruz