"Hindi ko na kaya! Ang sakit na..." daing ko habang habol ko na ang aking hininga.
"Matteo, paandarin mo na!" sigaw nila.
Mariin akong napapikit. Napakasakit na talaga niya, hindi ko na kaya.
"Matteo dahan dahan lang. Manganganak na si Tine, baka mabangga pa tayo" paalala ni Zyrene sa kanya.
"Fuck. Ano ba talaga? Bibilisan o babagalan?" naguguluhang tanong niya.
"Just fucking drive!" hiyaw ni Luke.
"Tine humiga ka..." sabi ni Zyrene.
"Ayoko! Ayokong ilabas to!" sigaw ko.
"Ano!?" gulat na tanong nila.
"Ayoko! Baka kunin nila ang anak ko!" daing ko.
"Hindi namin hahayaang mawala sayo yung anak mo Tine. Basta magtiwala ka lang sa amin..." paninigurado ni Samantha.
Sumilip ako sa labas at nakitang parang hindi na kalsada itong dinadaanan namin. Parang isang liblib na lugar.
"Asaan na ba tayo?" tanong ni Grace.
"Sitio gipit" alanganing sagot ni Matteo.
"Teka! Alam ko to..." singit ni Samantha.
Tinanong siya ni Luke. "Yung kasambahay namin na nagalaga sa akin noon. Ang pagkakatanda ko ay banda dito lang sila nakatira" paliwanag niya.
"Matutulungan kaya niya tayo?" tanong ni Kervy.
"Hindi ko alam. Pero mabuti siguro kung subukan natin." determinadong sagot ni Samantha.
"Sige ituro mo yung daan" utos ni Matteo.
Halos Hindi ko na madinig ang paguusap nila. Ang alam ko lang ay nailigaw na ni Matteo ang mga humahabol sa amin kanina at abala sila ngayon sa paghahanap ng lugar na sinasabi ni Samantha.
Napasigaw ako sa sobrang sakit. Lalo akong nabahala ng may lumabas na tubig sa akin.
"Shit! Manganganak na siya!" hiyaw ni Grace at bigla nanaman silang nataranta.
Sabay na nagtuluan ang pawis, sipon at luha ko. "Ah! Ayoko na!" daing ko at namilipit na sa sobrang sakit.
"Ikanan mo!" nagmamadaling sabi ni Samantha.
"Ayan! Ayan na yung kubo!"
Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan. Si Luke ang bumuhat sa akin pababa.
Ilaw mula sa buwan. Ilaw ng sasakyan at lampara duon sa maliit na kubo lang ang nagsisilbing liwanag.
Si Samantha ang kumausap sa may ari ng kubo.
"Diyos ko po. Hala sige, ipasok niyo na siya" utos nung matandang babae.
Inilapag ako ni Luke sa isang papag. Doon ay namilipit nanaman ako sa sakit.
"May kilala po ba kayong kayang magpaanak?" tanong nila.
"Ako mismo ay kayang paanakin siya" sagot ng matanda.
Wala akong nagawa kundi ang sumigaw sa sakit. Nagkagulo sila sa labas, hindi nagtagal ay pumwesto na ang matanda sa aking harapan.
"Siguradong masakit ito Hija.Wala tayong anesthesia. Pero siguradong mapapawi ang lahat ng sakit at pagod mo pag narinig mo na ang iyak ng iyong anak" sabi niya sa akin habang inihahanda yung mga gamit niya sa may paanan ko.
Itinaas niya ang magkabilang binti ko at ibinuka iyon. "Pag sinabi kong umire ka, umire ka. Naiintindihan mo ba?"
Imbes na sumagot ay magkakasunod na tango lang ang ginawa ko. Mahigpit ang kapit ko sa kumot. Halos dumugo ang labi ko dahil sa aking pagkakakagat dito.
BINABASA MO ANG
The Pain Of Loving You (Great Bachelor Series #4)
Romanceang inakala kong sarili kong Love Story.-Di pala ako ang bida. -Story of Timothy Josh Dela Vega and Cristina Andrea Cruz