Tine's Pov
Hindi pa rin matigil ang mga hikbi ko habang nasa loob na kami ng sasakyan ni Timothy. Karga ko si Tammie habang nakaupo ako sa may backseat kasama si Thomas. Mahimbing pa din ang tulog ng aking anak na walang kamalay malay sa mga nangyayari.
Kanina pagkababa galing sa kwarto ay yung mga kaibigan na lamang nila Matteo at Timothy ang nasa may sala. Kaagad namang sumangayon si Matteo na sa kay Timothy muna kami tumuloy at siya na daw ang bahalang magsabi kay Lolo na dinala na sa kanyang kwarto para magpahinga.
"Mommy, Stop crying na..." pagaalo sa akin ni Thomas na katabi ko sa back seat.
Tipid ko siyang nginitian. Kita ko sa rear view mirror ang pag silip sa amin ni Timothy. Pinakalma ko ang aking sarili, kung ano ano ang kinikwento ni Thomas sa akin habang nasa byahe pero nangingibabaw sa kanya ang kasiyahan na magkakasama sama na daw kami sa iisang bahay.
"Yehey! Nakauwi na rin si Mommy sa wakas!" Sigaw nito at nagtatatalon ng gumarahe na ang sasakyan ni Timothy.
Agad siyang dumiretso sa likod ng kanyang itim na everest para kunin ang mga gamit namin ni Tammie. Sinalubong ko siya at tangka ko sanang kunin ang isa sa mga iyon pero pinigilan niya ako.
"I can handle, pumasok na tayo sa loob" nakangiting sabi niya sa akin kaya naman napatango na lamang ako.
Mabilis na hinawakan ni Thomas ang aking kamay para hilahin papasok sa kanilang bahay. "Sa master's bedroom na kayo magstay" sabi niya na ikinagulat ko.
"Hindi na, Timothy...kahit sa guest room na lang" pagtanggi ko.
"Mas magiging komportable kayo sa master's bedroom, Tine" laban niya at nagtuloy tuloy na sa pagakyat.
Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. "Daddy pwede po bang dito na lang ako kay Mommy matulog?" Tanong ni Thomas.
Napatingin sa akin siya Timothy na para bang humihingi siya ng permiso. Agad akong ngumiti para sabihing ayos lang sa akin. "Kung ok sa Mommy mo, bakit hindi" nakangiting sagot sa anak.
Agad niyang binuksan ang pintuan ng sinasabi niyang master's bedroom. Bumulaga sa amin ang queen size bed na kama niya. Kulay grey ang comforter nito. Fully carpet din ang kanyang sahig, may sofa din kaharap ng napakalaki niyang flat screen tv na nakakabit sa dingding.
"Ilapag mo na si Tammie dito" turo niya sa kama.
Maingat kong inilapag ang anak ko duon at tsaka hinalikan siya sa noo.
"Daddy...mas better kung dito ka na din matulog diba!?" Magiliw na sabi ni Thomas.
"Shh...Thomas natutulog si Tammie" malambing na suway ni Timothy sa anak.
Napatakip ng bibig si Thomas at bumaling sa akin. "Diba Mommy...mas maganda kung sama sama na lang tayo dito sa room" sabi niya sa akin.
Nahihiya akong napatingin kay Timothy na nakatingin din pala sa akin kaya naman ibinalik ko ang tingin ko kay Thomas. "Kung ano ang gusto mo, ok lang..." nakangiting sagot ko sa kanya kaya naman kaagad itong napapalakpak.
Sinabi sa akin ni Timothy na pwede ko na daw gamitin ang banyo para makapagbihis na ako ng pantulog. Lumabas siya sa kwarto dahil kukuha daw siya ng mga extrang unan. Nabanggit din niyang wala silang kasambahay at minsan lamang pumupunta dito para maglaba, magplantsa at maglinis ng bahay. Kung minsan din pagkailangang may magbantay kay Thomas tuwing may kailangan siyang lakarin.
Pagkalabas ko ng banyo ay nakita kong natutulog na si Thomas sa may kama katabi ni Tammie. Umaandar pa din ang tv na may cartoons kaya naman iniayos ko muna sandali siya ng higa bago pinatay iyon. Nakaramdam ako ng uhaw kaya naman naisipan kong bumaba. Nagtataka din kasi ako dahil hindi pa bumabalik si Timothy.
BINABASA MO ANG
The Pain Of Loving You (Great Bachelor Series #4)
Romanceang inakala kong sarili kong Love Story.-Di pala ako ang bida. -Story of Timothy Josh Dela Vega and Cristina Andrea Cruz