(Flashback)
"Siguradong masaya doon. Ano bang ginagawa niyo karaniwan pag pasko?" excited na tanong ko.
Bisperas ng pasko at aattend kami ng kanilang family reunion. Excited akong mas makilala pa ang pamilya nila Timothy.
Nagtaas siya ng kilay at napangisi. "Sino bang nagsabi sayo na isasama kita? Family gathering iyon, hindi kita pamilya" madiing sabi niya.
Hindi ako nakaimik. Nagawa pa niya akong tingnan mula ulo hanggang paa. "Kahit Dela Vega na ang apelyido mo, hindi kita itinuturing na parte ng pamilya ko" patuloy niya.
Sa bawat araw na magkasama kami ay ipinapamukha niya sa aking ayaw niya talaga sa akin. Hindi ko na din alam kung paano ko natatanggap ang masasakit na salitang iyon.
Sinigurado kong maayos ang pagkakalock ng gate pagkaalis ni Timothy. Mapait na lang akong napangiti ng tumingin ako sa aming bahay, ako nanaman magisa ang naiwan.
Malungkot akong napatingin sa regalo ko para sa kanya. Ito sana ang unang pasko namin bilang magasawa. Hindi kami magkasama.
Hindi din naman ako makapunta kina Tiya Hilda dahil hanggang ngayon ay may tampo pa din ito sa akin dahil sa pagpapakasal ko kay Timothy. Nagpadala na lang ako ng pera sa pinsan kong si Thessa para may ipang handa sila.
Nakatulog ako dahil sa lungkot at naalimpungatan ng makarinig ako ng sunod sunod na pagbusina. Nang sumilip sa bintana ay nagulat ako ng makita kong si Timothy iyon. Tumingin ako sa wall clock at nakitang masyado pang maaga.
"Bakit napaaga ata ang uwi mo?" tanong ko sa kanya.
"Dalian mo at magbihis ka" tamad na sabi niya sa akin.
"Ha?"
"Magbihis ka na! tangina naman." naiiritang bulyaw niya.
Mabilis ko siyang sinunod. Sinuot ko ang dress na dapat sanang susuotin ko sa reunion nila. Malakas ang pakiramdam ko na doon din ang punta namin.
"Isasama mo na ako doon?" tanong ko.
"Hinahanap ka nila" tamad na sagot niya.
Nakaramdam ako ng tuwa dahil sa kanyang sinabi. Iba ang pakiramdam na hanapin ako ng pamilya niya. Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ko.
May lalaking kasing edad niya ang sumalubong sa amin pagdating namin sa kanilang mansyon. Kahawig niya ito kaya naman nakumpirma kong isa ito sa mga pinsan niya. Bumaling sa akin ang lalaki, napahigpit tuloy ang kapit ko sa braso ni Timothy. Hindi nagtagal ay nakaramdam ako ng sakit ng pinilit niyang tanggalin ang pagkakahawak ko sa kanya.
Kita kong nagiwas ng tingin ang pinsan niya ng makita ang ginawa ni Timothy. Napayuko na lamang ako dahil sa hiya.
"Nasa garden silang lahat" sabi na lang nito para basagin ang katahimikan.
Naunang naglakad si Timothy at iniwan nanaman ako. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.
"Ikaw si Cristina?" nakangiting tanong ng isang babaeng sumulpot sa kung saan.
Tipid akong ngumiti at tumango sa kanya. Maganda siya at mukhang mas bata sa akin.
"Ako naman si Pat, pinsan ako ni Kuya Timothy" pagpapakilala niya.
Nailang akong ngumiti ng tiningnan niya ang kabuuan ko. "Parang magkasing edad lang tayo ah, ang laki na din niya tiyan mo" puna pa niya.
Hindi pa man ako nakakabawi ng kaagad niyang kinuha ang kamay ko at hinila ako kung saan. Ipapakilala niya daw ako sa iba pa nilang pinsan.
BINABASA MO ANG
The Pain Of Loving You (Great Bachelor Series #4)
Romanceang inakala kong sarili kong Love Story.-Di pala ako ang bida. -Story of Timothy Josh Dela Vega and Cristina Andrea Cruz