Chapter 3

192K 4.1K 484
                                    


Simula nang malaman ko ang kalagayn ni Agnes ay napansin ko din ang pagiging abala ni Timothy. May mga araw nga na halos hindi ko na siya makita. Hindi ko alam kung nasaan siya.

"Timothy, handa na ang almusal" yaya ko ng minsang siyang umuwi.

Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. "Hindi na. Doon na lang ako kakain sa pupuntahan ko"

"Saan ka ba pupunta?" tanong ko habang hinahabol siya. Nagdirediretso siya palabas ng garahe.

"Anong oras ka uuwi? Magluluto ako" sabi ko pa. Pero ni isa ay wala siyang pinansin sa mga sinabi ko. Sumakay siya ng kanyang sasakyan at iniwan ako.

Malungkot akong napahawak sa aking sinapupunan. "Sa ibang araw na lang natin yayaing mamili si Daddy ng mga gamit mo, Anak" pagkausap ko dito.

Iniligpit ko na lang ang pagkaing inihanda ko para sa kanya. Matapos iyon ay nagayos na ako para pumasok sa fastfood restaurant na pinagtratrabahuhan ko. Alas syete pa lang naman at alas nuebe pa ang pasok.

"Congratulations! Hindi ka late, Muntik lang" nakangising salubong sa akin ni Helga, isa sa siyang matalik kong kaibigan sa trabaho.

"Mabuti at hindi masyadong traffic" kwento ko sa kanyang habang ipinapasok sa locker ang mga gamit ko.

"Hindi ka pa ba nahihirapan? Malaki na si baby" nahimigan ko ang pagaalala sa kanyang boses. Nagawa pa niyang hawakan ang sinapupunan ko.

"Para din naman ito sa kanya, kailangan" sabi ko.

Umirap siya at pinalo ako sa braso. "Kailangan? Eh kung tutuusin nga dapat nakahiga ka na lang sa pera eh!" laban niya. Pinagkatiwalaan ko siya sa parteng iyon ng buhay ko. Alam niya ang tungkol sa amin ni Timothy at ang trato nito sa akin.

Hindi na lang ako umimik. Naging abala ako sa pagtao sa kaha. Maraming customer dahil enrollment sa katabing university.

"Tine, palinis naman nung table don" nagmamadaling pakiusap ng isa sa mga kasamahan ko. Break ko na sana ngunit kulang talaga kami sa tao. Tumango ako at kumuha ng panlinis, nginitian ko ang mga estudyanteng naghihintay na malinis ko iyon, kararating lang nila.

"Burger? Yun lang?"

Hindi ko sana papansinin ang narinig ngunit pamilyar ang boses na iyon sa akin. Nanggaling iyon sa mga nakapila, nang hanapin ko ay doon ko nakita ang aking asawa. Nakangiting nakatingin sa menu habang may kausap sa phone.

"Mabubusog ka ba dun Baby? Ano pa? You should eat more, Agnes" sabi pa nito.

Ilang segundo akong hindi nakagalaw. Ngunit imbes na lapitan siya ay binilisan ko na lang ang ginagawa ko. Ayokong magkita kami doon.

"I'll be right there in a minute. I love you" sabi pa niya dito na hindi nakaligtas sa pandinig ko,

"I love you more. Ayaw mo talagang magpatalo. Lagot ka sa akin pagdating ko diyan" huling dinig ko bago naghari ang tili ng mga babaeng estudyante ng mabitawan ko ang dala ko.

Paulit ulit akong humingi ng paumanhin habang nililinis iyon. May ilang nagalok ng tulong na kaagad kong pinasalamatan.

"Kawawa naman si Ate nagtratrabaho kahit buntis" dinig kong sabi ng iilan.

Sinalubong kaagad ako ng sermon ng manager namin pagpasok ko sa kitchen. "Ano ba naman yan Cristina! Tinanggap na nga kita dito kahit buntis ka pero sakit ng ulo pa din ang ginagawa mo"

Humingi ako ng paumanhin at sinabing hindi na mauulit. Hindi ako pwedeng mawalan ng trabaho ngayon. Kailangan kong magipon.

Dahil sa dami ng kumakain ay alas dos ng hapon na kami nakakain ng tanghalian. Nauna na ang iba kaya naman dumiretso na ako sa may kitchen.

"Naku po! Cristina hindi ka pa pala kumakain. Pasensya na at nakalimutan ko" problemadong sabi ni Ate Jhing. Siya ang head cook namin dito, nagsisilbing Nanay na din namin.

Binuksan nito ang lahat ng kaldero na para bang may hinahanap. Halos awayin na din niya ang ibang staff sa paghahanap ng pagkain para sa akin.

Natawa na lamang ako. "Naku, Ate Jhing, ayos lang po"

"Hindi pwedeng hindi ka kakain, Cristina. Buntis ka pa naman " nagaalalang sabi niya.

Hindi pa din nakakakain si Helga kaya naman sabay kaming lumabas para maghanap ng makakainan. May mga araw talaga na nagkakaubusan ng pagkain. Sanay na din naman kami. Minsan naman ay nakakakain kami ng sobra, depende lang talaga sa pagkakataon.

"Buti pa yung ibang tao, natatanong ng asawa mo kung ano ang gustong kainin. Samantalang ikaw, Ni hindi nga siguro niya alam ang pinaglilihian mo!" inis na sabi ni Helga ng ikwento ko sa kanya ang nangyari kanina.

Naglalakad kaming dalawa pauwi. Panay ang suway ko sa kanya dahil sa lakas ng boses nito, galit na galit siya kay Timothy.

"Kung ako asawa niyan. Kakalbuhin ko yan!" gigil na habol pa niya at may pagsuntok pa sa hangin.

"Huminahon ka nga. Kumain na lang tayo ng halo halo" yaya ko sa kanya ng bigla akong matakam doon. Hinila ko si Helga sa kanto kung saan nakahilera ang street food vendors.

"Kung hindi ka lang buntis, Sasabunutan kita dahil diyan sa katangahan mo!" inis na sabi niya pa sa akin.

Inakbayan ko siya. Buti na lang talaga at may mga tao pang nagmamahal sa akin at sa baby ko.

Hindi ko na din naman inasahan na uuwi si Timothy ng araw na iyon. Sigurado akong kasama niya si Agnes.

Tumunog ang phone ko sa isang tawag mula sa unknown number. Nang sagutin ay doon ko lang nalaman na si Zyrene iyon, asawa ni Matteo isa pa sa mga kaibigan ni Timothy. Tumawag siya para imbitahan ako sa kanila. Birthday ni Matteo ay may kaunting salo salo sa kanila.

Ako ang tinawagan niya dahil hindi daw nila macontact na magasawa si Timothy. Sinabi ko naman na susubukan kong pumunta bilang naging kaibigan ko din naman sila

Maaga akong umuwi galing sa trabaho kinabukasan. Dinner ang kainan kila Zyrene kaya naman hindi ako nagahol sa oras. Hanggang ngayon ay hindi ko alam kung nasaan ang aking asawa. Hindi ko din alam kung bakit hinahayaan kong ganito kami.

Sinalubong ako ni Zyrene sa labas ng bahay nila pagkadating ko. Pansin kong may problem ito.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong pa niya kahit ramdam kong may mali. Pilit niyang pinapasigla ang kanyang boses, pero iba na ang naramdaman ko.

Lumabas din sina Grace at Samantha. Kagaya ni Zyrene ay masaya silang nakita ako pero may pumipigil sa kanila.

"Pasok na tayo?" alanganing yaya ni Grace sa amin. Nagkatinginan pa silang tatlo.

Ipinagsawalang bahala ko iyon. Tinanong pa nila kung ano ang gender ng baby ko.

Marahan akong napahawak sa aking sinapupunan. "Hindi ko pa alam. Busy pa si Timothy, gusto ko sana kasama ko siya pag nalaman ko"

Matapos kong sabihin iyon ay hindi na sila umimik. Tipid na ngumiti si Zyrene sa akin at inaya na ako papasok sa loob ng kanilang bahay.

Si Luke at Kervy ang una kong nakita. Si Kervy lang ang nakapansin sa pagpasok namin, nakatalikod sa gawi namin si Luke.

"Ang gago ni Timothy. Dinala si Agnes kahit alam niyang pupunta si Tine." rinig kong pagpapatuloy ni Luke. Tinapik si ni Kervy, kiya ko ang gulat niya ng lingonin niya kami.

Hindi ako kaagad nakapagreact. Naramdaman ko na lang ang panlalambot ng aking tuhod. Nandito sila? Sa ilang araw na hindi siya nagpakita ay makikita ko siya ngayon kasama ang babae niya.

Mas lalong hindi nakaimik ang lahat ng lumabas sina Timothy mula sa kusina. Nakangiti ito ng tawagin niya si Luke.

Unti unting nawala ang ngiti sa kanyang labi ng makita niya ako. Ilang paglunok ang nagawa ko para lang pigilan ang nagbabadya kong pagluha. Unti unting tumulo ang luha ko ng makita ko ang kamay niyang nakayakap sa bewang ni Agnes. 


(Maria_CarCat)

The Pain Of Loving You (Great Bachelor Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon