Chapter 46

134K 2.8K 431
                                    


Timothy's Pov

Dama ko ang pagkailang at ang piling galaw ni Tine sa harapan ng hapagkainan. Nasa kanan ko si Thomas na nakasimangot katabi si Arabella na bukod tanging nagsasalita. Sa kaliwa naman si Tine na katabi si Tammie.

"Enough na, Dad" suway sa akin ni Thomas habang nilalagyan ko siya ng pasta sa kanyang plato.

Bumaling ako ng tingin kay Tine para lagyan din sana ang plato niya pero kaagad niyang hinirang ang kamay niya indikasyon na tumigil ako.

"Unahin mo na siya" mahinang sabi niya tukoy si Arabella.

Nagtiim bagang ako. Binalingan ko si Arabella na malaki ang ngiti sa akin.

"Thank you" sabi niya ng inabot ko sa kanya ang pasta.

"Mommy ang sarap po ng luto niyo" puri ni Thomas dito.

Agad kong nakita ang ngiti ni Tine, yung ngiting walang halong kaplastikan na maraming beses ko ng napapansin kay Arabella o sa kahit na sinong babaeng kinakausap ang anak ko.

"Kumain ka pa ng marami" sabi niya kay Thomas na kaagad namang tinanguan nito.

"Thomas...bakit mo siya tinatawag na Mommy?" Nagtatakang tanong ni Arabella dito.

"Because, she is really my Mom. We are celebrating family time. Do you even know that, Tita Arabella?" Dirediretsong sagot ng aking anak na tila mo ba'y napakinosente niya para sabihin ang bagay na iyon.

Kita ko ang pagsilay ng ngiting aso sa mukha ni Arabella na para bang natamaan siya duon sa sinabi ni Thomas sa kanya, kaya naman nalipat ang tingin niya sa akin na sumisigaw ng malaking question mark sa lahaT ng mga nangyayari.

"You are Cristina, right?" Maarteng tanong nito kay Tine na busy magpakain kay Tammie.

"Ah...Oo" mahinang sagot nito at tumango.

"Hindi mo kamukha yang baby mo. Siguro yung tatay niyan, Asaan ba ang asawa mo?" Tanong niya dito sabay inom ng wine.

Nahihiyang napatingin din sa akin si Tine at napaayos ng upo. "Arabella, I think hindi naman..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita na si Tine.

"Wala...wala akong asawa" sagot ni Cristina dito.

Kita ko ang sinadyang pagkasamid ni Arabella at ang magarteng pagpunas niya sa kanyang labi. Naikuyom ko tuloy ang aking kamao.

"I'm sorry to hear that. So you mean, nabuntis ka at hindi pinanangutan?" Pauusisa pa niya.

"It's fine, hindi ko naman kailangan ng asawa para buhayin ang anak ko. Kaya ko siyang alagaan magisa" matapang na sagot ni Tine sa mababang tono.

Napatawa si Arabella. "That was not the point. The point is, hindi ka pinanagutan. Hindi mo lang ba siya papaakuin ng responsibility niya?" Patuloy na tanong niya.

Hindi na ako nakapagpigil. "Anong pakialam mo doon?" Mapanuyang tanong ko sabay ngisi, para itago ang pagkairita ko din sa kanya.

"I'm just asking. Nakakaawa naman kasi yung baby niya kung walang Tatay, diba?" Kunwaring concern na sabi pa niya.

Sandali kaming natahimik. Pero mukhang hindi pa ata tapos si Arabella sa kanyang mga tanong.

"So, Hindi mo ba siya hinabol or something?" Patuloy na tanong niyo.

Nakayuko lamang si Tine. "Hindi ko siya kilala" sabi nito na naging dahilan kung bakit napatawa si Arabella ng malakas.

"Oh my gahd. I'm sorry!" Natatawang paumanhin niya.

The Pain Of Loving You (Great Bachelor Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon