CHAPTER 10

44 6 0
                                    

Chapter 10: My rest, My home

Napagod ako sa team building activities kaninang umaga kaya nakatulog ako sa orientation. At ngayon, hindi ko alam kung buhay at humihinga pa ba talaga ako. Saktong 3pm kasi ay nagstart yung campus tour pagkatapos ng orientation. At talagang nilibot kami sa campus. Eh hindi pa nga sa buong campus, mostly ay sa mga parts lang na related sa program na kinuha namin.


And at last. I'm here na with Zach. Pauwi na sa pinakainaasam ko ngayon, which is ang condo. Layunin kong makahiga sa minamahal kong kama.




"Urgh! Ang sakit talaga ng katawan ko! Literal na from the top of my head to the souls of my feet." Naiiyak na sumbong ko kay Zach.



"You're too obedient Aih. Hahaha, campus tour is actually not compulsory. I never attended that when I was freshman though I am still fresh until now and will always be." Ayan na naman siya sa makatutuhanang pagyayabang niya.





"Woah! Biglang humangin ha. Bahala na, ang importante ay tapos na. Ayaw kong maligaw noh! Ang laki pa naman ng university na 'to at tsaka pinilit din kasi ako ng bago kong kakilala, wala siyang ibang makakasama." Pangangatwiran ko. Talagang ipinaglaban ko ang rason kung bakit ako sumali. I also tried to convince myself that I did the right thing. Na hindi ako dapat magsising sumali ako sa campus tour kaya ako ngayon pagod na pagod na pagod na pagod.



Biglang napalingon si Zach sa akin at he raised his thick and perfect eyebrow. "What?" Ang taray nito.


"Really? You did that for someone? That person might be special 'cause he manage to let the prominent lazy girl who seemed to be always tired, Airah Zuiney Dela Vega to participate in campus tour." Pati ba naman siya gumagawa na ng haka-haka?




"Sige lang Zach, ilabas mo na lahat ng mahiwagang opinion mo. Kabilang ka na pala sa mga haka-haka manufacturers. Gosh! SHE kasi SHE, babae okay? She seems nice at nakakakonsensya kapag iniwan ko siya. You viewed me in different perspective kasi. I'm not always lazy. I have a soft heart and a generous woman." I defended my self 'cause that's what I deserve.


"Hmm. Okay." Parang walang paki niyang sabi. Ito talagang baklang 'to.



"By the way, kabwesit ka talagang bakla ka. Gumawa pa ng issue eh I already did my best na nga para maging low key lang, tss." Sabi ko sa kaniya patukoy ko about sa eksena namin sa cafeteria.




His forehead creased and he look confused. "What?" What mong mukha mo. "Ah, you're talking about that video? Will, I told you that I'm demonstrating how rumors and fake news started. Didn't know it will went viral. Anyways, we both know the truth and there's nothing wrong about what I did. You blame those paparazzi who always love to interpret things in a wrong way." Sabagay tama nga naman siya. Kapag  kusang nagtagalog 'to magc-celebrate talaga ako ng bungga.



"Hmm. You said there's nothing wrong with what you did. Maybe you should've do it with the guy in your dream. Uso ngayon yung bromance." I said and laugh hard. Yah alam kong mababaw ako.




"Stupid, dad will surely kill me. And there's no need to do that. I don't care about anything." Ouch! Nanunuot sa buto yung stupid niya ha. Ang taray talaga nito. "One more thing is I'm not desperate. Anyways, no one can resist my beauty. Just watch me Aih and watch them falling for me." He confidently said. Ang laki talaga ng ulo ng baklang. Sabagay, totoo namang marami ngang nagkakandarapa sa kaniya pero karamihan nga lang babae, though marami rin ang humahanga sa kaniyang lalaki pero wala namang ibang meaning. Meron din namang mga baliko din pero hindi naman niya type.



One thing that I found out is known pala si Zach as snob sa campus namin.  Though medyo snob naman talaga siya mula elementary and high school pero mas lumala ngayon. Ayaw niya din kasing mapalapit talaga sa iba dahil na nga rin sa tinatago niyang katauhan. Zach doesn't deserve it, only if I could do something.




Saktong nakarating na din kami kaya madadagdagan na naman ang problema ko. Ayaw ko pang maglakad.






"Aish lakad na naman! Zach nagkaka abs na yung paa ko." Naiiyak at nagrereklamo kong sabi. Sa buong buhay ko ngayong araw yata yung pinakanakakapagod sa lahat. "You go first, susunod na lang ako."



I'm so damn tired kaya mamaya nalang muna siguro ako papasok sa condo. I'll stay here in the car for awhile. I close my eyes at sumandal sa upuan. Mukhang ang sarap magteleport.






I heard a clicking sound which is obviously sa pagbukas ng pinto ng sasakyan kaya minulat ko yung mata ko.



"I told you, you go fir–” Hindi ko na natapos ang dapat ko sanang sabihin when I saw Zach's back. Nakaluhod siya patalikod and I know what it means so I give my widest smile kahit hindi siya nakatingin.





Pero he look back at me. "What? You're just going to keep on smiling like an idiot there? Okay fine I'll leave you." He said and was about to stand up.



"Hep, hep, hep. Stop! Okay sige. Baka mahulog ako ha. Hehe ang bait mo talaga Zandra my beshie." Pang-uuto ko sa kaniya pero syempre I minimized my voice sa bandang dulo. Mabuti nang maingat.




Nawalan na ako ng paki sa lahat ng nilalang na napapatingin sa gawi namin. Bahala na sila, hindi naman sila ang naglakad ng thousand miles.




Ang sarap sa feeling na hindi ko na kailangan maglakad. Kaya kakantahan ko nalang si Zach bilang pasasalamat."Zandra my friend?" Bulong ko may Zach.



"Hmm?" Ang bigat ko siguro at mukhang hindi na makapagsalita si Zach.



"This song is for you since mabait ka ngayon. Taos pusong inihahandog ko sa'yo. Ehem!
If I could fall, into the sky~
Do you think time? Would pass me by~
'cause you know I'd walk for a thousand miles~
Kaya heto ako't parang namamatay~" I laughed at my own joke. Yah that's a joke.



"The best thing you can do for now is to shut up Aih. I swallowed my pride just for you to shut your mouth since you keep on complaining how tired you are so please, all you have to do is to breath and that's it." Mukhang hindi niya kinaya ang maganda kong boses. But really, I have a nice voice noh.




"Aye aye captain. I'll zip my mouth. Diretso mo na ako sa room ko. Next life na ako magbibihis at talagang I am supercalifragilisticexpialidociously tired." Totoo yan. Mukhang nagsasalimuang na yata ako. Malapit ko nang magamit ang pambansang line na 'everything went black'.




Hindi naman na nagreklamo si Zach. Magaling, masunuring bata at may takot sa diyosa.



Nang nakarating na kami sa room ko ay nagdiwang yung buong pagkatao ko.




"Wow! I miss you my dearest bed." I said at padapang humiga. "Kamsahamnida Gozaimasu! My best childhood friend. Muah" I said and I thought lalabas na siya pero humiga din pala siya sa kama ko at nakangiti pa.





"Uyy! Anong meron? Na touch ka sa pasasalamat ko?" Biglang nawala yung ngiti niya and he rolled his eyes. Aba't tinarayan pa ako.




"Nah! You're crazy and assuming. It's just that..." Huminto siya sandali at mukhang nagd-daydream. Eh siya nga 'tong baliw. "I spent almost all of my time with him today. That's why I thank all of the freshmen earlier for giving me this opportunity."



"Ayy ang daya. Who's that guy ba kasi? Kainis ka. Ay wait! Nand'on ba siya kanina kasama mo n'ong nagspeech ka?" He just shrugged his shoulders. Ayaw niya talagang sabihin.




"You're getting weaker nowadays. I expect you to find it out as soon as possible." Aba! Anong weak?


Bumangon ako at binato siya ng unan. "For your information, you just told me about that yesterday. Anong akala mo sa akin the greatest chismosa? Duh." Kaloka 'to. "Anyways, I'll take a nap muna. Kapagod 'tong araw na 'to bahala ka diyan."



Yung pinakaayaw ko sa lahat ay yung may hindi ako nalalaman. I know they said 'curiosity kills the cat' pwes, I am not a cat. I can surely find it out pero matutulog muna ako.








Guy or Gay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon