Chapter 33: Sun, Moon, and Star
"I never expect you to smile." Napaigtad ako nang bigla-bigla namang nagsalita itong lalaking 'to.
He's sitting comfortably na parang kanina pa siya nakaupo, nakatukod ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid. Naiilang ako sa tingin niya, parang tagos ata hanggang kaluluwa.
"W-why are you still here? Kanina ka pa?" May something ba sa mukha ko? Para kasing isa itong specimen na pinag-aaralan niya ng mabuti.
"Do you expect me to leave you alone here after seeing you cried? Baka tumalon ka pa dito." My jaw dropped upon hearing what he just said. Mukha ba akong suicidal?
"Hoy grabe ka na ha! Dati inakala mo ding tatalon ako nang makita mo ako sa rooftop, tapos ngayon...Wait lang ha! Hindi ako suicidal and will never be. Kaya nga ako umiyak para ilabas ang lahat ng sama ng loob ko." Pagpapaliwanag ko sa kaniya.
He looked away at tumingin sa harap. "Why are you hurting?" Tanong niya na hindi ko naman nasagot. Bigla ata akong natahimik. Nang mapansin niyang wala akong balak na sumagot ay napabalik ang tingin niya sa akin at parang doon niya malalaman ang sagot nito. He sighed again but kita ko ang paggalaw ng panga niya, galit ba siya? "Here!" May iniabot siya sa akin.
Napakunot ang noo ko, hindi ko din kasi gets kahit ang nakasulat dito. "Ano to? Facial cream? Toothpaste?"
For the nth times ay narinig ko siyang bumuntong hininga. So I gave him my sweetest smile dahil mukhang matagal nang nauubos ang pasensya niya na pinagsisisihan ko din dahil may sugat nga pala ang labi ko. Agad naman niyang kinuha ang binigay niya. Ayan, ibibigay tapos babawiin din naman pala.
Kita kong binuksan niya ito. Pinagmamasdan ko lang lahat ng ginagawa niya. "Come." Napakurap ako dahil hindi ko na naman nagets ang gusto niyang iparating pero baka magalit na talaga siya at lunurin pa ako dito sa dagat ay sinunod ko nalang siya.
May kaunting inilagay siya sa daliri niya at napasunod ang tingin ko doon nang makita kong lumapit din siya sa akin.
I can't process everything after what he did next. I see how his index finger moved papunta sa labi ko. Kaya ko naman itong gawin, sana ipinaliwanag nalang niya.
"A-ahm! Ako na." Balak kong kunin ang kung ano man iyon na mukhang gamot ata pero inilayo na niya ito sa akin.
Kita kong sobrang seryoso siya sa ginagawa niya na para bang takot siyang masaktan ako. Hello? Tapos na, nasaktan na ako.
"Let me." Naninibago ako sa kinikilos niya. Ganito ba siya ma heartbroken? Nagiging mabait sa iba?
Hinayaan ko nalang siya magmagandang loob kahit naw-weirduhan ako sa kaniya ngayon. As far as I remember mukhang pinoproblema niya ang existence ko kasi nga mukha daw akong baliw, tapos ngayon para siyang nanay ko o si Zach kung makaalaga sa akin...dati.
"That beautiful eyes of yours... doesn't deserve to cry." He said not breaking the contact. Nakatulala lang pala ako kanina at hindi ko namalayang tapos na pala siya sa ginagawa niya pero pansin kong natigilan siya sa nasabi niya at biglang lumayo.
"I-i mean, I hate seeing a woman cried." Pagpapaliwanag niya habang nakaharap na sa dagat.
Sinilip ko ang mukha niya at naniningkit ang matang tumingin sa kaniya. "Tss, aminin mo na kasi. Hoy crush mo ako noh? Nagbibinata na si Pareng Aedan." Biro ko sa kaniya, masyado kasi siyang seryoso.
BINABASA MO ANG
Guy or Gay?
RomanceHe is Zachary Levi Dawson in front of others. But he is the other way around when he's with Airah Zuiney Dela Vega-his bestfriend ever since. Everyone believes the said truth-he is a Guy. But Airah knows the truth very well-her friend is a Gay. Who...