CHAPTER 38

18 5 0
                                    

Chapter 38: Babe


Days have passed and I barely talk with Zach. Ngayon, hindi ko na kayang lukuhin ang sarili kong okay pa rin talaga ako. Last weekend, umuwi si Zach sa bahay nila, tapos lagi din daw siyang busy sa practice niya sa basketball. Pero sa tingin ko ay palusot niya lang 'yon, talagang iniiwasan niya lang ako.

Nakabusangot ako habang naglalakad. Think Airah! Ano ba kasi ang gagawin ko para magkaayos ulit kami? Wala talaga akong maisip, dagdag pang ang daming chismosa sa paligid. I badly want to go to rooftop para makapag-isip ako ng mas maigi. But the last time I went there, I got myself and even Zach in trouble kaya 'wag nalang siguro.

And then it popped up in my mind. Ano nga ba ang kadalasang tahimik na lugar sa isang paaralan? Oo nga, bakit ngayon lang pumasok sa isip ko.

Nakarating ako sa library gamit ang nakabusangot pa rin na itsura. Akmang uupo ako sa isang bakanteng upuan ng may humila sa aking impakto? I immediately give that person a deadliest glare but then agad ding nawala ng makita kong si Matt ito.

"Dito ka na umupo. Baka mag super sayan ka doon." Tss, mukha mo San Guko. I mentally rolled my eyes at him. Hindi ko kakalimutang siya ang nagligtas sa akin mula sa bumugbog na iyon kaya mabait muna ako sa kaniya.

"What's with that face?" Agad akong napatingin sa nagsalita at ngayon ko lang napansin ang presensya ni Pareng Aedan. Sana lahat. Pansin kong mukhang maaliwalas na ang mukha niya, may maganda bang nangyari dito at mukhang good mood at hindi na mukhang binagsakan ng langit at lupa.

"That day, you're asking if my smile is real?" Tanong ko sa kaniya at bumuntong hininga bago magpatuloy. "Utot ko lang ata ang totoo. Si Zach ewan ko, dinamay ba naman ako sa LQ niyo. Hindi ako pinapansin. Bakit? Dahil gusto niyang layuan kita?"

Mahinan siyang tumawa habang umiiling. "You mean you can't smile because he's avoiding you?"

"Oo, sarap sabunutan." Pagmamaktol ko pa rin.

Sandaling namayapa ang katahimikan. "Is he the reason for your smile?"

"Hoy g*go 'to, hindi ah." Madaling tugon ko naman kasi iba ang tuno nang pananalita niya, yung parang may bintang.

"REMAIN QUITE!"

Napalakas ang boses ko dahil sa gulat kaya ngayon ay medyo lumapit ako sa kaniya para magpaliwanag.

"I mean of course isa siya kasi kaibigan ko siya at importante sya sa akin, pero hindi kagaya ng iniisip mo."

"Hmm, good." Tanging sagot lang ni Aedan.

"Andito ako, bakit kayo lang nagchichismis diyan?" Sabat naman ni Matt pero tumayo lang si Aedan at niligpit ang gamit.

"Saan ka Pre?" Tanong ni Matt.

Nilingon muna kami ni Aedan bago tuluyang tumalikod. "I have something to do."

"Ayos 'yan, lumayas ka na bro." Natawa ako sa narinig pero nawala din iyon ng makita ko si Zach palabas ng library dala-dala ang libro. Lagot, kanina pa siya andito? Narinig kaya niyang pinagchichismisan namin siya?

Anyways, hindi naman namin siya siniraan kaya no problem. Hindi ko alam na napatulala na pala ako nang agad na ginulo ni Matt ang buhok ko.

"Ako ang kasama mo pero hindi naman ako ang nasa isip mo." Kunwaring nagtatampo niyang sabi.

"Bakit naman kita iisipin?" Sakay ko naman sa kalukuhan niya kaya natawa ako ng hinawakan niya ang puso niya at umaktong nasasaktan.

"Kasi gwapo ako, natural na kapag nasilayan ako ay hindi na mawala ang gwapo kong mukha sa isip niyo." Mahangin na talaga ang isang 'to.

Guy or Gay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon