CHAPTER 30

28 4 0
                                    

Chapter 30: Save me!



Gusto kong aliwin ang sarili ko para makalimutan kong kinalimutan na niya ako. Bakit nga ba ngayon ko lang naisipang tumingin sa iba? I mean, puro pag-aaral ang inaatupag ko, totoo 'yan. Hindi ko na namalayang ang dami palang magagandang lugar dito. Busy ako kakaappreciate ng beauty of nature nang hindi ko namalayang may walking coloring book na pala sa harapan ko.









Nasa medyo tahimik na lugar na pala ako napadpad. Who are they? A gangstuh? Lalagpasan ko na sana ang tatlong mala mean girls ata 'to pero hinaharangan nila ang daanan ko.






"Pity you. Where's your best friend? Nag-iisa ata ang Airah Dela Vega ngayon?" Gusto niya atang makipagkwentuhan sa akin?








"May Zuiney pa kasunod ng Airah, second name ko." Dahil sa sinabi ko ay mukhang napikon ata siya. Why? Karagdagang kaalaman na din 'yon.








"I don't care, b*tch." Kampon ba 'to ni Maegan at ganiyan din ang tawag niya sa akin?









Umabante naman ang isa pa. Gosh! Anong problema nito? Hello college na kami anong pakulo 'to? Mga jejemon.










She smiled at me. A fake one. "We just want to accompany you. You look pathetic, bakit ka ba kasi nag-iisa? You look like a trash"






Napatawa ako kaya mukhang hindi sila masaya sa ginawa ko at wala akong pakialam doon. "Being alone doesn't mean I'm lonely and pathetic. You know what's pathetic is?" I stopped for awhile and looked at them one by one. "It is being surrounded with crazy creatures na kinulang ata sa chromosomes at nakikipag-usap sa taong wala namang pakialam sa existence niya. And I am worst than a trash. Within a snap, I can make a trash, I can make you a trash? Gusto niyong ipaligpit ko kayo?" I said with a satisfied smirk on my face when I see their reactions.









People called me an angel, pero bakit mukha silang nakakita ng multo ngayon? I can see the horror in their face at napaatras pa. Maya-maya pa ay naglakas loob pa rin ang coloring book na nasa gitna. "Hah! Are you threatening us?"









"Why? Are you threatened?" I teased them. Aalis na ulit sana ako ng mukhang papansin talaga ang mga ito.








"We are not! We're just here para ipamukha sa iyong ang lalaking lagi mong kasama ay iniwan ka at andon masaya kasama ang iba. Why are they turning their back? Because you are nothing, ni hindi ka nga nakakalahati kay Ms. Maegan. She's our friend and we know how you tried your best para lang maagaw sa kaniya si Mr. President at si Mr. VP..." Hindi, I know my worth at alam kong mahalaga ako kay Zach. At mas lalong wala akong inaagaw.








"...Matuto ka kasing lumugar. Best friend ka lang, hindi ikaw ang mahal. Huwag mo na ding ahasin pa si Mr. VP dahil kung ang best friend mo nga iniwan ka para kay Ms. Maegan lalong lalo na si Aedan na matagal nang patay na patay kay Ms. Maegan. Itigil mo na ang kakadikit sa kanila. Layuan mo na din yang best friend mo dahil obvious naman diba? Ayaw ka na niyang makasama pa a—" I can't hold myself anymore at malakas at nanginginig ang kamay kong nasampal ang pagmumukha ng babaeng nasa harap ko. It's not true, alam kong hindi iyon totoo. Pero hindi ko maiwasang masaktan, I don't want to think of anything bad about Zach. I don't want to doubt him. I don't believe what she said pero tumagos pa rin lahat sa akin, I tried my best to hold my tears, wala akong dapat iyakan dahil hindi naman iyon totoo.








We grow up together and I see how Zach loves to be with me. Siya pa nga mismo ang pumupunta sa bahay. He always told me how much I matter to him and I he never fails to prove it. I always feel it, ni ayaw nga niyang mahiwalay halos sa akin. N-ngayon lang, ngayon lang naman.








Guy or Gay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon