CHAPTER 34

25 5 0
                                    

Chapter 34: Worried

I sighed nang makita ko na ang condo namin. Andiyan na kaya siya? I look at my wrist watch only to found out that it's almost 8 PM. Nilibre ko kasi muna itong kasama ko bago umuwi dahil bigla nalang naging mabait, baka once in a lifetime lang.

I look at him and smiled. "Thank you for today. Hindi ko alam kung anong Yukai ang sumapi sayo pero salamat talaga, after everything that happened today, I managed to feel at ease before the sunset."

I don't know what's on his mind. Pero parang may gusto siyang itanong. I had this feeling na mukhang ayaw ko munang sagutin kung ano man iyang tanong na 'yan kaya tinanggal ko na ang seatbelt ko at akmang lalabas na nang pinigilan niya ako.

"Airah." Agad akong napahinto when he hold my arms to stop me. Nilingon ko siya at hinintay ang gusto niyang sabihin.

Napataas ang kilay ko nang makitang napakamot siya sa kaniyang ulo at mukhang hindi naman alam kung ano ang sasabihin niya.

"W-welcome." I blinked for several times at nakatulala lang ng ilang segundo. Nang magsink in na sa utak ko ang mga nangyari ay napahagalpak na naman ako ng tawa. 'Yon lang pala sasabihin niya pero mukha siyang nakapatay ng ilang populasyon sa nga kinikilos niya.


Agad naman akong napahinto ng makita ko ang poker face niyang mukha. I smiled again at him while nodding my head. "Okay thank you ulit, ingat ka pauwi. Bye!" Nang nakababa na ako ay hinintay ko munang umalis siya.


Bakit pakiramdam ko isa akong anak na may malaking kasalanan dahil ginabi ako ng uwi? Anyways, wala pa naman siguro siya.


Mabibigat ang hakbang ko papunta sa condo namin. Nang makarating na ako ay agad kong binuksan ang pinto at halos mabingi yata ako sa katahimikan.


I see! Wala pa nga siya. Mabuti na rin para hindi niya alam na ginabi ako ng uwi. Tinahak ko ang room ko at kinuha ang phone para icharge. Kung alam ko lang sanang dadalhin ako doon ni Pareng Aedan edi nakapaghanda sana ako at pumasok ng nakafull charge ang phone. 'Di bale, marami naman akong nakuhang pictures using his phone. Subukan niya lang burahin lahat nang iyon nang hindi sinend sa akin, makakatikim talaga siya ng impyerno. Kidding! Pero pwede din hindi.

I immediately turn my phone on while charging. Baka sapian na naman ng masamang espiritu at burahin 'yon. Agad nanlaki ang mga mata ko nang bumungad ang napakaraming missed call at texts. May ilang galing kina Mitch at Melay pero karamihan ay kay Zach.

From: Melay Suarez

Airah asan ka ba kasi? Kinakabahan na ako ayusin mo buhay mo! For pete's sake nabugbog ka kanina tapos ngayon hindi ka sumasagot sa tawag at texts namin! BABALIWIN MO BA KAMI?!


Ang dami ding text ng dalawang 'to. I did not expect na aabot kami sa ganitong point. Buong akala ko ay hanggang kaibigan na parang wala lang kami, yung basta magkakilala lang kayo at magkasama dahil nagkataon. I smiled nang maramdaman kong nag-aalala nga talaga sila. Melay Suarez ha, kinareer niya talaga ang Suarez.

From: Mitchyeosseo

Hoy bruha sagutin mo tawag namin ano ba? Are you alright? Pinapakaba mo kami, pero pakiusap magparamdam ka na nababaliw na 'tong ubod ng gwapo mong kaibigan mo at mukhang magwawala na ata. Baka magselos na naman 'tong kasama niyang ubod ng pangit na higad na 'to.

Agad akong nakonsensya ng pinag-alala ko sila kahit okay naman ako. Pero anong ubod ng gwapo at ubod ng pangit? Wait. Is it Zach and Maegan? Pumunta siya kina Mitch, kasama niya si Maegan? Imposible namang doon sila nagdate.

Guy or Gay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon