Chapter 19: Rooftop Guy
Papuntang langit ako ngayon. Wala akong kinikilalang batas kaya report na kung report. I don't care!
Sana hindi pa nilock ang rooftop. I don't want to see anyone. Gusto kong mapag-isa at ang rooftop lang naman ang alam kong payapa dito.
Nang marating ko na ang pinto dito sa rooftop ay laking tuwa ko nang makitang hindi ito nakalock. Eh nakabukas nga ito nang kaunti.
I am crying while heading here. I don't want to cry pero naiinis ako kaya hindi ko mapigilang pumatak ang luha ko. Hindi sa pagiging OA but I felt betrayed right now.
Wala namang tao pero nakayuko ako habang tinatahak ang inupuan ko dati. Inaamin kong nasaktan ako. Matibay ang pananalig at buong akala ko ay hindi maniniwala si Zach sa bruhang 'yon. Parang may bumagsak na kung ano sa akin at nanghina ako nang makita ko siyang galit sa akin at tinalikuran ako habang ipinaglaban niya ang maling tao. Bwesit na bakla, magpakasal na kayo.
Patuloy na tumutulo ang luha ko at wala sa sarili akong naglalakad. Hinayaan ko nalang bakit ko pa pipigilan.
"Architectural Department." Napatalon ako ng kaunti nang may narinig akong nagsalita. Hindi ako nagkakamali, ang boses na 'yon ang nagpaalis sa akin dito nang mga nakaraang araw. Napapikit ako, bakit nandito na naman siya?
Huwag siyang magkakamali at wala ako sa mood ngayon. I look at him and he was looking at me too.
"If you want to jump. Architectural Department is the highest building in this campus." Sabi niya gamit ang malamig at malalim na boses.
Napakurap ako dahil sa sinabi niya. He never look away from me at naalala kong umiiyak nga pala ako kaya pinahiran ko muna ang luha ko. Pumunta ako dito dahil gusto kong mapag-isa pero andito din pala siya. Akala ko ba bawal, alam kong hindi siya pumunta para magbantay ng estudyante dahil komportable siyang nakaupo sa inuupuan ko dati.
Pinagsasabi nito? Nagbibiro ba siya? Marunong din pala siyang magbiro. I look at him again but this time tinaasan ko na siya ng kilay. I don't want to let anyone see me crying and being weak.
Hinihintay kong pagalitan at paalisin niya ako pero lumipas ang ilang segundo ay wala akong narinig mula sa kaniya. I don't understand too but he's just looking at me. Maya-maya ay napansin kong napatingin siya sa bandang leeg at mga braso ko kaya napatingin din ako at doon ko lang naalalang kinalmot nga pala ako ng bruha. May kaunting dugo ito kaya pinahiran ko at mapangiwi ako ng makaramdam ng hapti.
Bawal pala dito huh! Eh bakit mukhang dito nga siya mahilig tumambay. I smirked at him and get my phone tsaka ko siya kinunan ng litratong komportableng nakaupo. Pangblackmail ko 'to, subukan niya lang magreport at parehas kaming malalagot. This is me being brat!
Napakunot ang noo niya and I was about to say something at tanungin siya kung bakit dito siya tumatambay kung bawal naman dito when I realized something.
I look at him again. The r-rooftop guy, siya ba?
"I-ikaw?" Gulat na saad ko. Mas napakunot ang noo niya. Binatukan ko ang sarili ko.
"Ang slow mo t*nga." Pabulong na sabi ko sa sarili. Zach once told me after orientation and campus tour that it's the best day of his life kasi halos buong araw niyang nakasama ang lalaking gusto niya. And I can clearly remember na tabi silang nakaupo sa stage n'ong orientation.
BINABASA MO ANG
Guy or Gay?
RomanceHe is Zachary Levi Dawson in front of others. But he is the other way around when he's with Airah Zuiney Dela Vega-his bestfriend ever since. Everyone believes the said truth-he is a Guy. But Airah knows the truth very well-her friend is a Gay. Who...