CHAPTER 22

28 5 0
                                    

Chapter 22: Hide and Moan

Today is Wednesday! Ang pinakapaborito ko sa lahat ng school days. This is the only day na hindi masyadong mahigpit ang schedule ko.





Papunta ako ngayon sa rooftop. Balak ko ding ibigay ang panyong pag-aari pala ng bruha na sigurado akong pinakainiingatang panyo ni Pareng Aedan. Buti at nagawa niya itong ibigay at hindi niya ipinalaminate?





Hindi ako sigurado kong nand'on ba siya ngayon. Pero pansin kong napapadalas na siya sa rooftop. Everytime I went there kadalasan ay nandoon din siya. Kaya naman ay nagdala na din ako ng snack. Secret celebration dahil ibabaon na siya sa limot ni Zach.





Tahimik akong naglakad papunta sa pinto ng rooftop at sinilip muna kung nandoon nga ba siya. Mukhang wala naman siya? Well, walang problema. Sosolohin ko nalang 'tong snacks na binili ko.






"You're really crazy." Napatalon ako ng may biglang nagsalita sa likuran ko. Paglingon ko ay nakita ko ang pares ng napakaitim at napakaganda niyang mga matang mukhang nauubusan ng pasensya.






Ang hilig talaga nitong manggulat. "Aatakihin ako sa puso ng dahil sayo Pareng Aedan. Please be careful with my heart bro." Pabiro kong sabi sa kaniya. Nilagpasan lang niya ako at nauna nang pumasok kaya sumunod na ako sa kaniya.





Nang umupo na siya ay inilapag ko na din ang dala kong snacks sa tabi niya. "Ito yung panyo, nilabhan ko 'yan ng maayos at nilagyan ng pabangong galing pa sa kabilang kaharian, promise. Ingatan mo 'yan,  hindi man siya napasayo at least may panyo kang karamay kapag hindi mo na kayanin ang mapait nating daigdig." Mapaglarong sabi ko. Tinitigan niya muna ito at tinanggap naman kalaunan.





I sat beside him after that. Malaki naman talaga itong inuupuan niya at may sapat na distansya parin naman kami kung allergic siya sa mga magaganda. Nasa gitna yung snacks namin. Hinihintay kong magwala siya at paalisin ako pero mukhang okay lang naman sa kaniya.





"Ito nga pala, bilang diyosa ay libre ko 'to dahil sa busilak mong puso. Actually, social experiment lang 'yon pero salamat pa din sa panyo." Sabi ko sa kaniya at iniabot ang isa pang burger. Hindi naman ako umaasang tatanggapin niya 'yon pero wala yata siyang ganang magpakipot at tinanggap niya ito.





Natahimik kami muli. Kita kong kinain nga niya yung binigay kong pagkain. "Actually may lason 'yan." Seryosong sabi ko pero napahagalpak ako nang tawa nang makita kong tumigil nga siya sa pagsubo at napatingin sa pagkain.






Nakakatawang may ganitong side din pala siya. Ang dali niya sigurong lukuhin. Pinitik niya lang ang noo ko at nagpatuloy na siya sa pagkain. He's very different from the Aedan that I've got to know before. Mukha siyang walang pakialam sa lahat o hindi marunong magsalita at makisama dati pero ibang-iba naman siya ngayon.





Napatingin na naman siya sa akin at hindi ko namalayang matagal na pala akong nakatingin sa kaniya kaya tinaasan niya ako ng kilay but in a manly way. Pero pa'no kung may tinatago din pala itong si Aedan? Tiyak na map-postpone talaga ang pagbabalik loob ni Zach sa pagiging Zachary. Pero mukhang malabo din 'cause I know the fact how this guy being head over heels kay Maegan. This time, siya naman ang pinitik ko sa noo. Wala na man siyang violent reaction kaya kinuha ko nalang ang soft drinks na dala ko din.






Napatigil ako sa pagkain ng may narinig akong kung ano. Napalingon naman ako sa may pinto dahil mukhang doon nanggaling ang tunog. Narinig din ata ni Pareng Aedan iyon nang makita kong tumayo siya at agad akong hinila at dinala sa kung saan bago pa man tuluyang mabuksan ng kung sinoman ang lapastangang pumunta dito.






Guy or Gay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon