Chapter 41: I will
Buti pa dito, kaya kong ilabas ang luha ko. Kung pwede ko lang din dito ilabas at ubusin ang lahat ng karumaldumal na nararamdaman ko sa lalaking 'yon ay ginawa ko na. Tapos haharapin ko ulit siyang tsada, kaibigan na lang ang tingin.
It's good to be back, rooftop! A hidden place for hidden feelings.
Intrams ngayon at dapat inienjoy ko sana ang araw na walang school works na aalalahanin pero nandito ako at nakayuko lang habang hinahayaang pumatak ang luha.
Aaminin kong tanga ako. Umaasa talaga akong may pag-asa kami, na darating ang araw na sa araw-araw naming pagsasama ay matutunan niya din akong mahalin na higit pa sa kaibigan. Pero nagkamali ako.
I badly want to stop this. Sa ngalan ng lahat ng angkan ko, gagawin ko ang lahat mawala lang 'to. Damn it! Siya lang ba may karapatang magmahal? Sige, naniniwala akong mawawala din 'to.
Ang daming lalaki sa mundo, imposibleng walang dadating at sasagipin ako mula sa bwesit na nararamdaman ko para sa kaniya.
"A couple of months ago, I saw you cried here."
Bahagya akong napatalon dahil sa biglaang pagsalita ng lapastangang nilalang na basta-basta nalang sumusulpot."Funny how you said that the day will come, and by that time, ako na naman ang pupunta ditong umiiyak. Yet, ikaw pa rin pala ang makikita kong umiiyak." Dugtong niya pa. Edi ikaw na ang masaya, sana all.
Agad kong pinahiran ang luha ko. "Bakit ba palagi ka nalang susulpot kapag nagd-drama ako? Tsk." Plano ko pa namang ubusin 'tong luha ko.
Tahimik lang siya kaya yumuko nalang ako ng hindi ko na naman maiwasan maiyak. Mukhang papansin din 'tong luha ko.
"Go on and cry." Ito na nga umiiyak na.
Matapos niyang sabihin iyon ay nag-unahan na ngang umagos ang luha ko. Bahala na siya diyaan.
"Damn it!" Hindi nagtagal ay narinig kong sabi niya. Hindi ko alam kung galit ba siya kaya napatingin ako sa kaniya pero nagulat ako ng sumalubong sa akin ang yakap niya. "I hate seeing you cry."
Minsan niya nang sinabi dati na ayaw niyang makakita ng babaeng umiiyak. Ang swerte ng babaeng mamahalin niya, siguradong hindi niya ito papaiyakin. Ang swerte sana ni Maegan.
Kung hindi lang siguro ako nahulog kay Zach, hindi malabong kay Aedan siguro ako baliw ngayon. Pero nah, masaya akong naging kaibigan ko siya.
"Salamat pareng Aedan. Hindi ko alam kung kaibigan ba ang tingin mo sa akin pero ang swerte mo dahil kaibigan ang turing sayo ng magandang Airah na kayakap mo ngayon." Ayaw ko ng puro drama kaya idinaan ko nalang sa biro ang pasasaamat ko sa kaniya at niyakap siya pabalik.
Natigil na ako sa pag-iyak, sapat na drama na siguro 'yon baka mamaga pa ang mga mata ko.
Nang humiwalay na kami sa pagkakayakap ay binigyan ko ng isang totoo at nagpapasalamat na ngiti si pareng Aedan.
"Alam mo bang noong bago pa ako dito. Suplado, hindi namamansin at walang pakialam ang karamihang naririnig ko tungkol sayo? Hindi ko inaasahang isa ka palang batang may busilak na puso. Salamat talaga Aedan." Nakangiti ko nang sabi at tsaka tumingkayad para guluhin ang buhok niya kaya napatawa ako nang makitang sabog ang buhok niya, nagpeace sign nalang ako.
Mahina niyang pinitik ang noo ko kaya napahawak ako dito. "Bipolar." What? Anong bipolar?
"Wuy 'di ha."
"Seconds ago, you're crying. And now, sira na naman ang utak." Natatawang pang-aasar niya.
"Malamang inisturbo mo ang pagd-drama ko. Kung hindi ka dumating baka bumaha na dito ng luha ko." Pagpapaliwanag ko pero ang gago parang wala lang narinig. "Pero nang dumating ka bigla nalang huminto ang luha ko, at pinasaya mo ako."
BINABASA MO ANG
Guy or Gay?
RomanceHe is Zachary Levi Dawson in front of others. But he is the other way around when he's with Airah Zuiney Dela Vega-his bestfriend ever since. Everyone believes the said truth-he is a Guy. But Airah knows the truth very well-her friend is a Gay. Who...