CHAPTER 28

33 4 0
                                    

Chapter 28: Love Symptoms


I'm the one who pushed Zach to do this. Ako ang nagsabi sa kaniyang subukan niyang maging tunay na lalaki, ilang beses ko pa siyang pinilit. I should be happy right now but why did I feel the otherwise?



Maybe it's just because of the fact that he's avoiding me. Kailangan niya ba talaga akong layuan para lang mapalapit sa iba? Yeah you're stupid Airah. Maegan hates you so of course Zach would distance himself knowing that he's courting her. Kailangan ko siyang intindihin, I have to know my place at huwag masyadong manghimasok.






Pero hanggang kailan? Hanggang kailan siya iiwas sa akin? Heaven knows how I tried my best para lang magmukhang masaya at magmukhang wala kaming problema kanina. Umuwi kaming tahimik, I did not bother to ask anything kahit ang daming tanong na gumugulo sa isip ko ngayon. May punto naman si Zach sa sinabi niya, masyado na nga pala akong nanghihimasok sa buhay niya. Best friend lang naman ako.





Now it's past midnight pero hindi pa rin ako makatulog, may pasok pa naman ako bukas. I'm always aware that college life is very stressful, pero mukhang mas nasstress ata ako dahil dito sa best friend kong nagbabalik loob pero iniiwasan naman ako. Bahala na nga, sasabihin ko nalang na isang mabuti at masipag na estudyante ako kaya napuyat ako.












PARA akong pagod na zombie habang naliligaw dito sa campus. Vacant namin ngayon pero wala ang dalawang makulit at maharot dahil may class si Mitch habang may gagawing project naman si Melay. Wala din akong balak na bumalik pa sa rooftop at baka masira na talaga ang buhay ko kaya lilibutin ko nalang siguro tong buong university.






Ang t*nga ko sigurong tingnan ngayon. Pero mas malala pa rin ang mga estudyante sa paligid ko. Hindi pa din ba sila nakamove on? They keep on talking about what happened a past few days ago. Iilan sa mga nababaliw na tao ay binansagan pa talaga akong 'the real female lead' sa love triangle nga daw, sabi ni Mitch sa akin. Hello! Mga bulag ba sila? Eh hindi ko nga alam kung nasaan na ang bakla, I mean si Zachary na nga pala siya ngayon. Dinadamay pa ako sa kalukuhan eh nilalayuan nga ako para lang doon.






Nakasimangot akong naglalakad patungong AIU Japanese Garden nang may makita akong dalawang pamilyar na tao.




Habang palapit ako sa kanila ay unti unti ko silang nakilala. Napataas ang kilay ko nang makitang ang saya ata nilang dalawa at nagtatawanan pa. Wow ha lumalove life ata.





Ayaw ko namang makaisturbo sa moment nila at akmang tatalikod na nang makita ako nitong lalaking kulang ata ng ilang buwan.






"Hey! Green-eyed girl. Saan ka pupunta? Grabe ka hindi ka man lang makikijoin?" Masiglang sabi ni Matt at kumakaway pa kaya napatingin tuloy ang iilan sa gawi namin. May nakita na naman akong nagbubulungan at baka chismis na naman ito.





I just smiled at them. "Ayaw kong maging third wheel at mang-isturbo sa moment niyo. Ano ba 'yan? Isa din ata kayo sa colorum na love birds eh." Tumatawang sabi ko at ikinaway ang kamay para magpaalam. Kita ko pang namumula na naman si Melay at masamang nakatingin sa akin but not me, I know deep inside naglulupasay 'yan sa kilig.





Tumatawang tumalikod ako nang may makulit na nilalang ang pumigil sa akin at hinila ako papunta sa inuupuan nila.






"Ikinagagalak namin ang iyong pagpunta dito. Kailanman ay hindi ka magiging isturbo, kamahalan." Mukhang sinaunang taong sabi ni Matt at yumuko pa talaga kasabay ng pag-upo ko katabi ni Melay kaya parehas kaming tumawa sa kabaliwan ni Matt.






Guy or Gay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon