CHAPTER 36

26 5 0
                                    

Chapter 36: Issue after issue

"I've already reported what happened, Tita Zina. Either suspension for a month or expulsion will be the consequences of their actions. "Zach's jaw clenched as he said those words. Ewan pero kanina pa siya mukhang naiinis.

I don't know kung anong magic ang ginawa ni Zach but he manage to went outside and came back here as if nothing happened, tuyo na din ang buhok niya.

"Aba dapat lang. Kumukulo ang dugo ko sa ginawa nila." Galit namang tugon ni mom. "Are you really okay Airah? Ayaw mo ba talagang pumunta sa hospital?"

I nod and smile to assure them. "Hmm. Ayos lang po talaga ako." Paninigurado ko at saktong napalingon ako kay Tita Charry. Is there something wrong? Nahuli ko siyang pinagmamasdan ako. I just smiled at her, baka nag-aalala lang din siya sa mga pasang natamo ko.

"You've really grown a lot hija. Parang kahapon lang, ang kukulit na rumarampa pa kayong dalawa ni Zach ko." Emotional na saad ni Tita. Pareho sila ni Mom na madaldal, kahit saan napapadpad ang topic.

"Oo nga, Zach will be having a girlfriend na Airah. How about you? Unahan mo si Zach." Biro naman ni Mom.

Agad kaming napalingon kay Zach nang mabulunan ito.

"Hinay-hinay lang kasi, itong batang 'to." Saway ni mom.

"Seloso pa naman 'tong si Zachary ko. Tanda ko dati, inaaway nito yung umaaligid kay Airah." Inaaway? Kailan? Hindi ko alam kung gumagawa na naman ito ng kwento si Tita. "Wala ba talaga kayong pag-asa-"

"Mom, let's just eat." Putol ni Zach at mukhang hindi na komportable. Mahirap ba talaga akong piliin at mukhang ayaw niya talaga? Damn it shut up Airah!

Matapos kumain ay 'di nagtagal at umuwi na din sila mom. They went to shopping and decided to visit us before umuwi at nagdala na din sila ng groceries.

Matapos nilang umalis ay dali-dali na akong pumasok sa silid ko.

I usually check my phone before sleeping kasi baka may mga important message. Aside from.that ay hindi ako makatulog after what happened. Then I just...gosh! Pagbukas ko ay ilang notifications ang bumungad sa akin.

aedan.zamora started following you.

Aedan Zamora sent you a friend request.

Aedan Zamora sent a message.

Ghad! Importante nga. How come I almost forgot about it? Ayaw ko pa naman ng late post, I really love every pictures I took earlier, may ilang stolen shots din and it looks really good, I didn't notice that...stolen nga 'di ba. Ang ganda din kasi ng camera niya. It all happened just 11 minutes ago. Akala niya siguro nakalimutan ko so he just send it before sleeping. Initiative, check. Patient, ekis.

I followed him back on IG and accept his friend request sa Fb. Nakakahiya naman sa kaniya, ako 'tong may kailangan. Once I opened his message ay puro pictures lang naman iyon walang kahit isang letter or ni tudlok man lang. But I did not expect him to say anything naman hindi ko nga inexpect na may account pala 'to.

'Thank you for your great service sir. Expect me to be your loyal costumer ;).'

After saying thanks to him, I post it both on my Instagram and Facebook. Hindi ko na nilagay yung name niya as credit. Kapagod maissue kaya nilagyan ko nalang ng 'Credit to iPhone ** since 'yon yung phone niya.

Napagdesisyonan ko ding tingnan ang laman ng account ni Pareng Aedan. Sana all famous, he just followed not more than 20 people but he got millions of followers. Bihira lang nga siya magpost. Karamihan n'on ay mga pictures niya kasama si Maegan o 'di kaya ay pictures niya na kuha ni Maegan. I see, marami siyang fans at shiniship silang dalawa.

Guy or Gay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon