Chapter 27: Court
Bumalik na naman ang pagiging lutang ko. I am here with this three pero nasa kabilang table nakatuon ang utak ko.
Hindi ko alam kung galit pa rin ba kaya siya sa akin dahil sa nangyari noong isang araw. Pero sinabi niya nang naniwala naman na siya sa akin. May nagawa na naman ba akong ikinakagalit niya?
Hindi ko namalayang napapatulala na naman pala ako. Kung hindi ko lang nakita ang dalawang kamay ni Matt na nakakaway sa harap ko.
"Ganiyan siya maghapon. Kaya nga dinala na namin sya dito." Sabi ni Mitch kay Matt. Kung makapagsalita, parang wala ako dito.
Napatingin naman sa akin si Matt. He sighed na mukhang namomroblema. "Ayan kasi. Huwag kang mag-isip ng iba kung andito naman ako." Umiiling na sabi niya.
No wonder why ang daming nababaliw or nagkakandarapa sa kaniya. He has this playful vibe. Alam mong hindi siya seryoso sa mga banat niya at mapagbiro pero karamihan sa mga babae ay hindi maiwasang mahulog at isapuso ang mga pambobolang lumalabas sa bibig nitong lalaking 'to. Aside from that, I won't deny that he also looks very attractive. Matangkad siya and he has ash grey hair color and a pair of light brown eyes. He has a slit on his thick eyebrow pero sa kaliwa lang, talaga bang student council 'to? Puno din ng biyaya ang isang 'to, wala man lang kahit isa sa kaniya ang masasabi kong hindi maganda. Madalas ko nga ding marinig ang pangalan niya mapalabas man o sa loob ng campus.
I just rolled my eyes on him at napatingin ulit kina Zach. I thought he hate sweets? Pero ang tamis nilang tingnan habang kumakain din ng icecream.
Umiwas agad ako ng tingin nang may kakaibang nararamdaman naman na naman ako. Pero mukha ni Matt ang nakikita ko habang nakabuka ang bibig.
Nalilitong nakatingin ako sa kaniya. "What are you doing?" Mukha siyang batang nagpapasubo.
He pouted at sumandal sa upuan niya. "Grabe, nauna pang nakakain ang dalawang colorum na love birds kaysa sa akin. Hindi ka ba naaawa?" Anong meron sa isang 'to?
I just signed at look at him. "Marami pa ang kay Melay oh tsaka mas malapit siya sayo. Sa kaniya ka nalang magpasubo. May pera ka din naman bakit hindi ka bumili?" Trip nitong lalaking 'to? Medyo mainit pa naman ulo mo.
"H-huh?" Kita kong namumula na naman si Melay at napakurap pa ang mga mata. Masyado siyang halata.
Kita kong napatingin din sa kaniya si Matt at kunyaring bumulong eh pinaparinig din naman sa akin. "Masama ba siyang kaibigan? Ang damot niya noh?" Napatawa naman si Matt at si Mitch nang wala sa sariling tumango si Melay. Bakit napapalibutan ako ng mga M?
"Si Melay, hindi yan madamot. Handang magbigay, maubos man lahat sa kaniya." Tumatawang sabi ni Mitch at mukhang nakasense na rin kay Melay. Pinanlakihan niya lang kami ng mata.
"Gan'on ba? Ang swerte niya sa inyo pero ang malas niyo ata sa kaniya." Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Woah! Ang ganda talaga ng mata mo kaya sige na pahingi ng ice cream." Hindi ko alam kung bakit hindi ito ang binugbog ni Zach at Aedan, ang tigas ng ulo. Bigla na naman siyang lumapit at mukhang sirang nagpapasubo.
"You can buy different cars a week yet you can't buy an ice cream?" Napahinto si Matt sa ginagawa ng biglang makarinig kami ng isang boses na may sariling mundo naman kanina.
BINABASA MO ANG
Guy or Gay?
RomanceHe is Zachary Levi Dawson in front of others. But he is the other way around when he's with Airah Zuiney Dela Vega-his bestfriend ever since. Everyone believes the said truth-he is a Guy. But Airah knows the truth very well-her friend is a Gay. Who...