CHAPTER 35

28 5 0
                                    

Chapter 35: Felt so right


Siguro hindi na ako iinom ng liquid para matuyo 'tong luha ko. Aish! Ano ba 'tong pinag-iisip ko. Nawawalan ng pag-asang tumalikod ako sa sink at tatahak na sana patungo sa room ko nang makita ko ang pares ng mga mata ng taong dahilan ng pagt-traydor ng luha ko. Nakaharang siya sa may pintuan dito sa kitchen kaya napahinto ako.



"K-kanina ka pa diyan?" Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng kabog nito dahil sa kaba. Wala naman siguro siyang narinig diba?




"What happened to you?" Napakurap ako ng maalalang parang tangang naghilamos nga pala ako kanina at wala akong dalang panyo para punasan ang mukha ko.



Umiwas ako ng tingin sa kaniya at napakamot nalang. "A-ahm, uminom lang ng tubig." Tapos hindi ko sinadyang mabasa buong mukha ko.




Nanatili siyang tahimik kaya tumingala ulit ako at ibinalik ang tingin sa kaniya.



"Did you cried?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang mahalata niyang umiyak ako. Tss, pati tubig traydor, halata pa rin pala?



Kinakabahang peke akong tumawa. "Ha-ha-ha! Pinagsasabi mo? N-naghilamos talaga ako. Tapos nalagyan ng tubig yung mata ko kaya namula?" Actually hindi ko din alam kung namumula ba yung mata ko kaya niya nalaman. Ngumiti nalang ako at dali-daling naglakad palagpas sa kaniya para hindi na siya magtanong pa ng kung ano-ano.



Agad din akong napahinto nang pigilan niya ako. "I said I didn't cry. Zach pagod ako, please." Mahinahon ngunit nagpipigil kong sabi.



Akala ko ay ipagpipilitan niyang umiyak nga ako pero dinala niya ako sa living room at doon pinaupo. Nang makaupo ay may kinuha siyang panyo mula sa bulsa ng pantalon niya at...maingat niyang pinunasan ang mukha ko. Wala naman siguro yang sipon?


"Let me take care of you. Wait me here." Umalis siya at kita kong may dala na siyang medical kit pagbalik.



Tahimik niyang ginamot ang mga sugat at kalmot ko. I flinch out of pain.


"Does it hurt?" Ayy hindi, try mo kaya. "I'm sorry Aih, I wasn't there when you need me." Base sa ekspresyon niya ay mukha talaga siyang nagsisisi.



"It's fine. Besides, hindi naman pwedeng ako palagi atupagin mo." He looks at me apologetically.



"Ako na. Kaya ko naman." Nabugbog ako pero hindi ako baldado pero ang tigas ng ulo nito.

"I said let me."


"Zach, ni hindi ka lumagpas ng tatlong minuto sa labas, hinatid mo man lang ba si Maegan?" Naiinis na sabi ko. Kung mahal niya bakit hindi nalang talaga siya umalis at samahan si Maegan? Tsk.

He sighed. "Sinamahan ko siya sa labas. Pinahatid ko sa taxi." Baliw ba siya?

"What? Are you crazy? May dinner date kayo tapos? Zach!" Naiiritang sabi ko.

"You need me."

"Zach! Best friend mo lang ako." Ngayong alam mo na kung saan lang ako sana iparamdam mo namang hanggang doon lang ako.


"And?" Agad naman siyang yumuko.


"Siya yung m-mahal mo." Damn it. Ang sakit pala. "Nanliligaw ka pa lang tapos ganiyan na yung ginawa mo."

"I don't love her yet. " Yet, doon din naman patungo. "And I love you Aih." Agad akong natigilan, did I heard it right? Ilang beses akong napakurap ang sarap pakinggan, pero nakakatagot at baka mali lang ang narinig ko. "Yes, you're my b-best friend and I'm courting her but it doesn't make you less than anyone else." Agad naman akong napangiti. Tama ang narinig ko, mahal niya ako...kasi kaibigan niya ako.



Guy or Gay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon