CHAPTER 29

34 4 0
                                    

Chapter 29: Ice Cream


Heto ako ngayon, nag-iisa. Naglalakbay sa gitna ng dilim. Maybe pupunta nalang ako sa room namin. Wala naman akong ibang mapupuntahan.







"Wait! Hey hintay kasi." Napahinto ako nang makarinig ng sigaw. I know it's Melay at nang tumingin ako sa likod ay kita ko siyang papunta sa gawi ko.




"Bakit?" Takang sabi ko. She raise her hands na parang sinasabing sandali dahil nag-aagaw buhay pa siya.






"Ang t*nga lang. Magkaklase pala tayo ngayon." Humihingal at natatawang sabi ni Melay habang napakamot sa ulo niya.






Oo nga pala, nakalimutan ko din. "Napasarap ata buhay mo habang kasama si Matt kaya nakalimutan mo na ang lahat." Panunukso ko pa. Ayan may panlaban na ako.





"Tss, manahimik ka nga." Nahihiyang sabi niya. "Pero really, I can't believe nakasama ko siya more than an hour tapos nakausap ko pa siya. Actually handa akong umabsent para lang manatili doon kaso kailangan niya na ding pumasok kaya aattend nalang din ako sa class para sa future namin." Ayan! Tudo deny kanina at parang kung sinong maamo kaya ngayon lang inilabas ang kilig.







"Kahiya ka. Para ka ngang natatae kanina kakapigil mo sa kilig mo." Ewan ko kung hindi ba nahalata ni Matt iyon. Pero napakaobvious talaga nitong babaeng 'to.







Ipinulupot niya ang kamay niya sa braso ko at niyugyog pa niya ako dahil sa kilig. "Eh kasi naman. Sino ba ang hindi? Si Matthew Suarez na 'yon eh! After all this years, finally napansin na niya ako. Nilunok ko na ang pride ko at ako na ang nagfirst move sa kaniya dati, kinakausap ko siya at lumalapit ako at tumutugon naman siya sa mga tanong ko kunyari about sa topics namin kahit gets ko na. Pero hanggang doon lang. After n'on eh kakalimutan niya din lahat. Kaya salamat frennieee!" Anong kadramahan naman ba 'to. Bigla niya akong niyakap at kulang nalang humagulgol sa tuwa.







"Huh? Hindi ako si Cupid, bakit ka nagpapasalamat?" Anong connection ko sa kalandian ng babaeng 'to?








"Kung hindi dahil sayo hindi niya ako mapapansin. Kung hindi kayo naging magkaibigan eh hindi niya ata malalaman na nage-exist ako. Kanina siya pa ang lumapit sa akin kaya halos mamatay talaga ako." Edi siya na ang masaya. Sana all nilalapitan pa rin.






"Libre mo ako mamaya ng ice cream kung ganoon." Aba't deserve ko ng libre. Ako ata ang magsisilbing tulay ng pag-ibig nila.








Pumasok na kami sa room at may iilan na din palang estudyante. Maya-maya pa ay dumating na din si Mitch at tudo kwento naman si Melay. I can see how much he likes Matt, kung like pa lang ba talaga. But I somehow feel scared for Melay. Ayaw kong magaya siya sa akin. Na hanggang kaibigan nalang talaga. Pumangalumbaba ako at tumingin sa kawalan.









"Tulala ka na naman. Ano ba kasing problema nito?" I just sighed. Gusto kong sabihin ang problema ko at ilabas lahat. Gusto kong may makausap pero hindi pwede. Baka mas lumala pa ang problema. Pansin kong hindi sinagot ni Melay ang tanong. Bakit kasi siya ang tinanong eh andito naman ako.







"Iniisip ko lang, bakit ang lamig ng ice cream? Bakit siya natutunaw? Handa akong panghawakan siya habang buhay pero hindi ko magawa." Ano ba 'tong pinagsasabi ko? Ganoon na ba kamiserable ang buhay ko?







Nag-echo ata ang tawa niya, ang tahimik kasi ng paligid. Ginulo niya din ang buhok ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.








Guy or Gay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon