Chapter 20: The Hopeless Romantic
For the first time ay suot ko ngayon ang uniporme namin. I like the uniform for our department. Sa pang-itaas ay white uniform blouse and dark grey fitted vest na pinatungan ng dark grey coat na hanggang palapulsuhan ang sleeve. May neck tie itong light grey, at sa kaliwang bahagi ng coat ay ang logo ng Business Administration Department, mukhang mainit tingnan pero may aircon naman bawat building so it's fine.
For bottom naman, kagaya ng kulay ng coat, ay isang pencil skirt na hindi siya totally pencil skirt pero hindi naman masyadong fit, katamtaman lang. Sakto dahil ayaw ko talaga sa fit na pencil skirt dahil ang hirap lumakad lalo na kapag nasa hagdan ka at dapat tig dalawang baitang ang hahakbangan mo dahil late ka na, 2 inch above the knee ito. Medyo same lang siya sa uniform ng lalaki kagaya ng suot din ngayon ni Zach. Ang kaibahan lang ay mas mahaba ang necktie nila, and dark grey na pants naman ang pang baba at syempre panglalaki ang style.
I already saw Zach wearing this uniform noong freshman pa siya and just like the very first time, nakakamangha siyang tignan dahil bagay na bagay sa kaniya ito. Mukha siyang estudyanteng business man, malamang business ad nga eh. Ngayong araw kasi magsisimula na dapat na talagang mag-uniform ang lahat.
Kakalabas lang ni Zach sa room niya at napatingin siya sa akin. He stopped for awhile and look at me from head to toe kaya umikot naman ako. "Woah gurl, you look great with our uniform." He said pero nawala ang namamangha niyang reaksyon at napalitan ng pagkairita. "But your skirt is too short Aih. Though it's not enough to steal the attention of the hotties away from me." Tss, I just rolled my eyes on him. Bumalik na naman siya sa pang-aasar niya. After ng ilang kulitan ay pumunta na kami sa university.
Ang gandang tingnan na lahat ng estudyante ay nakauniporme. Sa ilang weeks ko dito ay nasanay na ako sa mga tinginan ng mga estudyante whenever dadating kami pero mas lumala ata ngayon. Malamang dahil dito sa kasama ko, kakaiba nga namang tingnan si Zach kapag nakauniporme. Another side of him being handsome or should I say pretty.
We both parted our ways dahil magkaibang building naman kami ngayon. Pero nakita ko si Maegan na nakangiting papunta sa gawi niya. Matapos ang pangyayaring iyon sa locker ay mas lumala pa ang kalagayan ni Maegan. Palagi itong nakadikit at nakabuntot kay Zach.
Hindi ko naman na nakita si Pareng Aedan. Bukod sa iniiwasan ko 'yon at hindi na ako pumupunta sa rooftop. Deserve naman niya ang suntok na natanggap pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan. May something kasi talaga sa kaniya na nakakatakot.
"OMG! Airah. Paaralan 'to hindi fashion show bakit may nakikita akong model na rumarampa." Maagang pambobola na naman ni Mitch. Mukhang hindi pa ako handa para sa susunod na klase dahil magkasama na kami nila Melay n'on mas sasakit ang ulo ko.
"Good morning too Mitch. Manahimik ka at malalate na tayo." Sabi ko naman at kinaladkad na siya papasok sa room.
Pero napatalon ako ng kaunti nang makita ko ang nakatayo sa harapan. Wait...as far as I can remember, he's a student and not a professor. Why is he standing there. Biglang nagtagpo ang aming mga mata nang napalingon siya sa gawi ko kaya naestatuwa ako sa aking kinatatayuan. Promise hindi ko na talaga siya sasapakin. Medyo matagal naman na 'yon and when I look around. A curious stares of my blockmates is the only thing that I see, wala namang mga pulis kaya kumalma na ako.
Nang ibalik ko kay Pareng Aedan ang paningin ko ay nakataas na ang kilay niya. Wow! New reaction activated ah. Alanganin akong ngumiti at napayuko bago siya binati.
BINABASA MO ANG
Guy or Gay?
RomanceHe is Zachary Levi Dawson in front of others. But he is the other way around when he's with Airah Zuiney Dela Vega-his bestfriend ever since. Everyone believes the said truth-he is a Guy. But Airah knows the truth very well-her friend is a Gay. Who...