Chapter 42: Truth or dare?
"Nakakahiya talaga Zach. Bakit mo ako dinamay sa pavictory party niyo? Hindi naman ako kasali."
"You play a great part for our victory." Ano daw?
"At ano naman? Ano ang naiambag ko? Ako ba ang nakipag-agawan at nagshoot ng bola?"
"You made a banner for us and for me. You even cheered for our team." Ay naku! Nakakahiya talagang pumunta.
"Don't worry. They'll bring someone with them too. Hindi naman players lang ang pupunta. You know, supporters and inspiration." Alin ako doon? Supporter niya o inspiration?
"We're here. They also want you here, so don't worry." Wala naman na akong magagawa.
Andito kami ngayon sa isang resort na pagmamay-ari ng mukhang kateam din ata ni Zach? Pero 'di ko naman talaga alam, hula ko lang 'yon. Pansin kong medyo malapit lang ito sa pinuntahan namin ni Pareng Aedan dati, noong nawasak at gumuho ang puso ko. Oa.
Nang makababa na kami ay naglakad pa kami ng ilang minuto hanggang sa matanaw na namin ang isang bonfire malapit sa dagat at nagkakasiyahang mga tao. May malakas din na tugtog at parang baliw na sumasayaw ang ilan sa kanila.
Hindi naman masyadong marami ang andoon pero nagtaka ako nang mapansing mukhang mas madami sila kaysa sa inaasahan ko.
Napalingon ako kay Zach nang mas humigpit ang hawak niya sa akin at kalaunan ay umakbay nang mas nakalapit na kami. Hindi naman ako isang bata na mawawala, para kasing takot siyang mawala ako.
Pagdating namin ay agad nila kaming binati at binati ko naman sila pabalik dahil sa pagkapanalo nila.
"Eyy eyy captain! Andito tayo para magcelebrate ha hindi magbantay." Kantyaw ng mga ito. Mukhang mas lamang ata ang mga tukso nila sa amin ni Zach kaysa sa bati.
Napakunot ang mata ko nang makita ang pamilyar na mukha ng mga myembro ng football team. Pamilyar sakin ang mga myembro ng basketball at football team dahil madalas naman akong nanunuod ng practice nila.
Akala ko ba victory party 'to nina Zach? I mean, panalo din naman sila Aedan, does this mean?
Nilibot ko pa ang paningin ko at napahinto sa isang taong tahimik na nakaupo sa buhangin malapit sa bonfire. Kahit gabi na ay malinaw kong nasisilayan ang mukha niya dahil na rin sa liwanag na dala ng bonfire na ginawa nila.
Oo nga pala. Magkakaibigan ang basketball at football team kaya siguro naisipan nilang sabay nalang ang victory party nila.
Ewan pero para bang nakagawa ako ng isang malaking kasalanan kay Pareng Aedan. Pumunta nga ako sa laru nila pero parang tuod lang ako doon. Hindi ako ni gumalaw man lang at nakapagcheer dahil katabi ko lang si Zach. Takot akong magalit ulit siya.
Pero ang assumera ko din ano? Hindi naman ako kawalan, nanalo pa rin naman sila kahit hindi ako nagcheer. Paniguradong wala lang iyon sa kaniya pero masyadong mabait ata ako kasi nakokonsensya ako.
Umiwas ako ng tingin nang mapagtantong nakatingin din siya sa gawi ko at saktong nahagip ng mga mata ko ang katabi niyang panay daldal pero mukhang wala naman doon ang isip niya. Buhay pa pala itong si Maegan.
Pansin kong mas inilapit ako ni Zach sa kaniya.
"Huy hindi ako tatakbo papunta doon sa dagat at magpakalunod."Hindi siya umimik pero ramdam kong mukhang naiinis siya. May dalaw ata 'tong lalaking ito?
BINABASA MO ANG
Guy or Gay?
RomanceHe is Zachary Levi Dawson in front of others. But he is the other way around when he's with Airah Zuiney Dela Vega-his bestfriend ever since. Everyone believes the said truth-he is a Guy. But Airah knows the truth very well-her friend is a Gay. Who...