Chapter 31: Just Cry
Within a snap, this room was filled with groans out of pain. Tumakbo na ang tatlong coloring book kasama ang isang lalaki habang nakahiga naman ang tatlong lalaki nalumpo na ata.
"Get out of my sight and hide." Galit na nakatingin si Matt sa kanila. Sinikap naman nilang makatayo at nahihirapang lumabas sa room.
Nang mawala sila sa paningin ko ay tumingin ako sa kaniya. "T-thank you!" Nanghihinang napasandal ako sa dingding.
Agad naman siyang lumapit sa akin at lumuhod para magkapantay kami. Nag-aalalang nakatingin siya sa akin. He also wiped my tears, hindi ko napansing umiiyak pa rin pala ako. I tried my best to stop it, ayaw ko talagang may makakita sa aking umiiyak. "I'm sorry I came late. Are you okay? Damn it of course you're not! Come, dadalhin kita sa clinic." Akmang bubuhatin na niya ako nang pinigilan ko siya.
I hugged him tight dahil kung hindi siya dumating ay hindi ko na alam kung anong nangyari sa akin. "Thank you! Thank you so much! You don't know how thankful I am kaya salamat talaga...Matt." I'm glad I found a friend like him. Hindi ko alam kung kaibigan na din ba ang tingin niya sa akin pero para sa akin ay isa na din siya sa mga kaibigan ko. No wonder bakit nahulog sa kaniya si Melay, hindi ko pa siya nakikilala ng maayos. Pero tingin ko ay hindi lang naman puro kalukuhan ang kaya niyang gawin.
Ramdam kong napahinto siya tsaka ko lang narealize na sobrang feeling close ko pala kaya akmang lalayo ako nang niyakap niya ako pabalik. "You don't have to thank me. You can always count me in if you need someone." He said and caressed my back. "Consider me as your friend Airah, you don't have to hold your tears. Cry, just cry." That time I let him see how weak I am. Pagod na akong tiisin at sarilihin lahat ng sakit na nararamdaman ko.
"They slapped me, punched me. It hurts Matt, masakit. Pero mas masakit ang ginagawa niya sakin." Humiwalay na ako at sumandal ulit sa pader. I can see a hint of sympathy on his eyes at the same time confused. "Maybe he's not aware, pero nasasaktan ako. I am always with him, palagi akong nasa tabi niya, nasanay akong nandiyan siya to the point that I can't imagine myself without him. Pero sa isang iglap, nagawa niya akong talikuran para sa iba. I can accept that he already have someone special, special than me. Pero bakit kailangan niyang umiwas? Bakit kailangan niyang lumayo. Hindi man lang siya nagpaliwanag, ni hindi niya ako bihigyan ng panahon para ihanda ang sarili ko. Sinanay niya akong andiyan siya, tapos lalayo siya na mukhang ang dali lang gawin para sa kaniya." Kita kong natigilan siya. I know he already have an idea kung sino ang tinutukoy ko, wala naman akong ibang palaging nakakasama dati. Sino ba ang hindi matitigilan? I'm stupid for letting myself feel this way.
"Matt, nahihirapan ako. Namulat akong andiyan siya. I grew up and built my world with him. He's always been a part of it. Tapos bigla lang siyang lalayo. Nabigla ako sa lahat kaya hindi ko alam kung ano ang dapat gawin. Mukha akong naliligaw, I didn't see this coming, Matt..." Hindi ko napigilan ang sarili kong humagulgol. "Matt, mahal ko siya sobra. Hindi lang bilang kaibigan. I know I shouldn't feel it but I can't help, I never want this. I tried my best to stop pero kagaya ng sabi ni Melay, this is out of my control. Masaya akong makita siyang masaya pero ang sakit dahil hindi ako ang dahilan n'on. Masaya siya kasama ang totoong mahal niya and it hurts more when I see how he can easily build a world without me." Tahimik lang siyang nakikinig, nanlalabo ang mga mata ko pero nakita ko din ang sakit sa mga mata ni Matt. I smiled at him, I'm happy how he let me feel his sympathy. Medyo gumaan din ang pakiramdam ko.
He wiped my tears one more time. "I did not experienced how it feels to be loved by you. But still, I feel bad for Zachary. I know it feels heaven, he's the luckiest moron Airah for having you and your love that almost every man is dreaming for. But he's the unluckiest for not noticing a beautiful woman like you. I guess I punched the wrong guy earlier, should I go and bury him 100 feet below?" Hindi ko namalayang napatawa pala ako nang dahil sa sinabi niya. "See? Your hella perfect especially when you smile." He said and winked at me. He's back with being playful.
"Baliw ka kasi." Sabi ko at ngumiti pero napangiwi din nang maalalang may sugat nga pala ako sa labi at sunakit 'yon.
Napatingin si Matt sa labi ko. "Y-your hurt. Dadalhin na kita sa clinic." Kakargahin niya na sana ako nang mabatukan ko siya.
"Huy kaya kong maglakad hindi naman ako nalumpo." Aba't 'tong lalaking 'to. He rolled his eyes at me, tusukin ko kaya 'yon. "Hoy!"
Itinago ko ang mukha ko nang hindi nagpatinag si Matt at talagang binuhat ako. Oo, masakit ang paa ko dahil sa bandang tuod ako sinipa kanina pero I can manage to walk pa rin naman siguro?
"Oh my god! What happened to Airah?" Nag-aalalang tanong ni Mitch at Melay nang makasalubong namin siya at sumunod na din.
Habang ginagamot ako ng nurse ay tinadtad ako ng tanong ni Melay. Si Matt na ang sumagot ng lahat ng iyon.
"Calm down okay? Buhay pa naman ako." Sabi ko kay Melay nang umalis na ang nurse.
"How can we calm down? Ang dami mong kalmot at pasa. May mga sugat ka pa. Next time huwag ka nang maglibot ng wala kang kasama, paano kung hindi dumating si Matt?" Nag-aalalang sabi ni Melay.
"Ghad! I can't forgive myself if something happened to you. Sinabi mo sanang gusto mo ng pangalawang campus tour at nang masamahan kita just like kung paano mo din ako sinamahan dati. This books can wait naman eh." Nakukonsensiyang sabi naman ni Mitch.
Agad akong napailing. "It's not your fault, okay? At least I'm fine now. Don't worry hindi ko na uulitin. Thank you for your concern, really, I appreciate it. Pero masamang damo matagal mama—ouch! May sugat ako diyan."
"Ikaw kasi." Naluluhang sabi nila at tsaka ako niyakap.
Napatingin naman ako kay Matt na kanina pa natahimik at nakatingin sa amin. "Pasensya ka na Matt ha, mga OA talaga sila." Pabirong sabi ko at nagtawanan naman kami dito. "Wala na ba kayong mga pasok?" Tanong ko sa kanila.
"Same tayo ng class, duh. Pinapaalis mo ba kami." Sagot ni Mitch.
"I'm just asking, duh." Ang taray talaga nito.
"Hindi ako papasok." Isa pa din 'tong si Melay eh. Bagay talaga sila ni Matt. Nagpeace sign naman siya kaagad. "Biro lang ito naman, may oras pa oh dito muna ako kasi payapa."
Nalipat ang paningin ko kay Matt. At nakitang napakurap siya. "Wala din ako."
"Anong wala? May class ka kaya." Tumingin ai Melay sa wrist watch niya. "12 minutes late already, carry pa 'yan." Napatingin kaming lahat kay Melay.
"How did you know? Woah stalker ka ni Matt noh? Ikaw ata dapat mag-ingat Matt may pagnanas—Oo na oo na, aray ko ha ang sakit n'on." Pahamak din kasi itong si Mitch kaya nasabunutan ni Melay.
"N-nagkataon lang nakita kita dati ganitong oras papasok sa room kaya ko nalaman." Mabilis na paliwanag ni Melay kay Matt.
Matt smiled and nodded. " Okay. I have to go, kayo na bahala kay green-eyed girl." Sabi ni Matt at nagpaalam. Tumingin muna siya sa akin at ngumiti.
"Nalate ka pa tuloy, pasensya na." Bumalik siya sandali at ginulo ang buhok ko.
"Ang OA mo din pala." Sabi niya at nagmamadaling umalis.
"Hey! G*go hindi ako kagaya ng dalawang 'to." Sigaw ko nang palabas na siya.
"Welcome!" Pahabol naman ni Matt.
Nakita ko ang masamang tingin ng dalawa. "Birds with the same feather flock together. Kaya OA tayong tatlo." Mga sira dinamay pa ako, pero sige tatanggapin ko muna.
BINABASA MO ANG
Guy or Gay?
RomanceHe is Zachary Levi Dawson in front of others. But he is the other way around when he's with Airah Zuiney Dela Vega-his bestfriend ever since. Everyone believes the said truth-he is a Guy. But Airah knows the truth very well-her friend is a Gay. Who...