Chapter 40: His Special Someone
We're fine now! Ang gaan ng loob ko, mukhang wala na atang makakasira ng mood ko ngayon.
Bukas na ang intramurals, three days kasi ito from wednesday to friday kaya naghahanda nalang ang karamihan sa ngayon. I know how to play some sports like volleyball, table tennis, frisbee and taekwondo or even basketball dahil tinuruan ako ni Zach dati at naglalaro din kami minsan. At tsada! Wala akong sinalihan kahit isa, dahil trip kong maging tao lang ngayon.
Dakilang supporter ang role ko ngayong intrams kaya heto ako gumagawa ng banner para sa team nina Zach.
"Wow ha kinareer mo talaga ang pagiging supportive kaibigan mo." Malamang, buti nalang at naging mabait si Zach bago nag intrams dahil mawawalan sana siya ng napakagandang supporter.
"Dapat lang, medyo peace offering na din." Natatawang sabi ko kay Mitch.
"Offering? Ano siya diyos?" Tumatawang puna naman niya. Ayan! Tawa lang dapat.
"Pero asan na ba itong si Melay? Dapat gumawa na siya ng billboard para kay Matt." Ngayon ko lang din napansing hindi ko pa siya nakita buong araw. Nasanay kasi akong gumagawa 'yon ng paraan para magbigay ng chismis o mang-asar.
"Isa pa 'yan. Sasabunutan ko 'yang babaeng 'yan mamaya. Nakita ko kanina kasama si Maegan, tsk. Baka mahawa pa siya doon." Napakunot ang noo ko sa narinig?
"Sigurado ka? Mukhang imposible yatang magkasama si Melay at Maegan? Kinasusuklaman 'yon ni Melay." Mukhang himala ata kapag nagkataon, sa akin mainit ang ulo ni Maegan pero si Melay ang nagtanim ng puot para kay Maegan.
"Ewan ko din doon, nagulat nga ako eh. Pero mga sophomore at juniors ang pinakaabala sa intrams kaya siguro wala siyang choice, pareho silang second year." Sabagay may point nga siya.
"By the way, may banner na para sa whole team ng basketball at football, pero gumawa ka pa ng para kay Captain Zachary. Paano si Captain Aedan niyan? Naku! Iiyak 'yon panigurado." Agad nawala ang kanina pang ngiti sa labi ko ng marinig iyon.
"A-ahm, bakit ko naman gagawan 'yon? Malaki na siya, kaya niya na ang sarili niya?" Hindi ko alam kong totoong tawa ba o peke ang pinakawalan ko matapos ko iyong sabihin. Agad akong tumayo at nagpaalam na para wala nang masyadong maraming tanong.
Nagkaayos na kami ni Zach at ayaw kong mag-away na naman kami kaya iiwasan ko ang mga bagay na pag-aawayan na naman namin.
Hindi ko man maintindihan ang dahilan kung bakit ayaw ni Zach na lumapit ako kay Pareng Aedan ay gagawin ko nalang. Wala naman ding mawawala kong iiwas ako kay Aedan, hindi naman ako kawalan sa kaniya.
Inaamin kong magaan ang loob ko kay Pareng Aedan at kahit papaano ay medyo nawala ang bigat na nararamdaman ko noong panahon hindi kami magkaayos ni Zach dahil sa kaniya.
Hindi ko nga inaakalang makakausap ko pala siya dahil kilala siya bilang hindi namamansin at tanging si Maegan lang ang kinakausap kaya nagulat nalang ako isang araw na nakakausap at minsan ay naasar ko pa ang isang Aedan Zamora.
Medyo natawa ako lalo na noong seryoso era niya tapos bigla nalang akong susulpot para gagohin siya.
"You finally smiled." Agad akong napahinto sa paglalakad nang marinig ang boses na 'yon. Hindi ko napansing nakangiti na pala ako.
BINABASA MO ANG
Guy or Gay?
RomanceHe is Zachary Levi Dawson in front of others. But he is the other way around when he's with Airah Zuiney Dela Vega-his bestfriend ever since. Everyone believes the said truth-he is a Guy. But Airah knows the truth very well-her friend is a Gay. Who...