CHAPTER 39

26 5 0
                                    

Chapter 39: Assuming

"Babe." Agad akong nabalik sa ulirat nang marinig muli ang salitang iyon.

Pero hindi na bumulis ang tibok ng puso ko at sa halip ay nakaramdam ako ng kirot dahil sa ibang bibig ito nagmula.

Kita ko ang masiglang si Maegan habang papunta sa gawi namin. Babe ang tawagan nila? Bakit gan'on ang tawag ni Zach sa akin kanina? Nasanay ba siyang si Maegan ang kasama niya noong iniiwasan niya ako kaya babe ang natawag niya sa akin?

Huwag kasing mag-assume Airah. Nasaktan ka tuloy.

Napa buntong hininga ako bago ibinaling muli kay Zach ang paningin. K-kanina pa ba siya nakatingin sa akin? Napakurap ako ng ilang beses ng magtamang muli ang mga tingin namin. Wait, narinig niya ba si Maegan?

"Tinatawag ka ni Maegan." Sabi ko at baka hindi niya narinig iyon.

"Gusto mo bang layuan ko siya?" Hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Pero wala sa sariling napatango ako kaya agad nanlaki ang mga mata ko.

"I mean. H-huh? Girlfriend mo siya kaya—”

"Didn't I make it clear to you?" Napakunot ang noo ko dahil totoong hindi ko na siya maintindihan. Iniwas niya ang tingin niya sa akin at hinarap si Maegan. "I thought I already make things clear when I told you I tried but I just can't."

Nawala ang sigla sa mukha ni Maegan at kita ko ngayon ang sakit sa mga mata niya. "Really? Did you?"

Mapait siyang ngumiti habang nakatanaw kay Zach. "You never tried, Levi. Paano mo susubukan kung palagi kang tinutuklaw ng ahas?"

"Shut up and watch your word, Maegan." I guess hindi ako dapat nandito? Akmang aalis ako nang hinawakan ulit ni Zach ang kaliwang kamay ko upang pigilan.

"Totoo naman eh. Alam ng isa diyan na nililigawan mo ako pero dikit pa rin ng dikit, masyadong papansin." Nagulat ako nang agad napabaling ang galit na galit na tingin ni Maegan sa akin.

"Diba Airah?"

"Just go, Maegan." Nagtitimping saad ni Zach.

"Kaibigan ka lang naman, matuto kang lumugar dahil akin si Levi." Namumula si Maegan sa galit habang nakatingin sa akin. Hindi ko magawang magsalita nang makita ko ang iilang luhang pumamapatak mula sa mata ni Maegan.

Hindi ko siya masisisi, parehas lang kaming nagmahal at alam ko din kong gaano kasakit sa pakiramdam nang hindi ka kayang mahalin ng taong wala kang ibang hinangad kundi ang mahalin ka rin sana pabalik.

Mali ka ng pinagselosan Maegan. At tama ka, kaibigan lang kami...kaya ang sakit.

"Damn it. Hindi kasalanan ni Airah if I can't love you, Maegan. I'm not yours and will never be. Before you even knew my existence, she already have me so don't you ever dare to call her such names. Wala siyang kinalaman at wala siyang ginawa." Tanggol naman ni Zach sa akin.

"May kinalaman siya kung bakit hindi mo ako kayang mahalin." Gustong-gusto ko na talagang umalis dito pero mukhang walang plano si Zach na bitawan ako o kahit luwagan man lang ang pagkakahawak niya.

"W-wala pa siyang ginawa pero nagawa mo na siyang mahalin. Paano?" Nabalik ang atensyon ko kay Maegan nang dahil sa sinabi niya. "Hindi mo kailanman sinubukang mahalin ako dahil una pa lang ay siya na ang mahal mo." Palihim akong napatawa sa narinig. Malamang mahal niya ako, kaibigan niya ako eh.












TULALA akong nakaupo dito sa bleachers habang nagp-practice sina Zach. Kanina pa ako dito pero lumilipad pa rin talaga ang isip ko.

Ayaw ko pero hindi ko naman mapigilang mag-assume o mangarap.

Guy or Gay?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon